Sorry po sa napakatagal na update. Sobrang busy lang at maraming inaasikaso. As in marami. Hahaha. I love you guys! Thank you for patiently waiting!
Wag na kayo masyadong mag-expect sa chapter na ito. Waley itis! Pramis! Hahaha.
Don't forget to post your comments po. Any feedback will be highly appreciated. Plus nakakagana mag-update kapag maraming comments. Hahaha.
Vote muna bago magbasa. Hahaha. Thank you!
***
"Huyyy Gino! Baliw ka! Hindi ako naglalandi no. Grabe ka. Boyfriend to ng bestfriend ko!" Mabilis kong sabi dahilan para ibaba niya ang cellphone niya.
"Okay!" Sagot niya saka itinago ang cellphone.Nako, kelangang panindigan ni Theo na jowa siya ng bespren ko mula ngayon. Hahahaha. Goodluck na lang sa kanya.
"Anong pangalan mo?" Tanong niya.
"Theo pre." Sagot niya saka nakipag-hand shake. Nako parang iba ang tingin ni Theo kay Gino. Hahahaha. Char! Ang malisyosa ko.
"Gino." Maiksing sagot niya rin. "Bat kayong dalawa ang magkasama? At saan kayo pupunta?" Tanong ni Gino sa aming dalawa.
"Bibili lang jan ng pulutan, saka alak, punta kami kila Otep eh, birthday niya." Sagot ko. Napatingin siya sa relo niya.
"Okay, sama ako." Sabi niya lang saka sumingit na sa pagitan namin ni Theo. "Let's go!" saka nagsimula nang maglakad.
***
"Ano nang balita sayo?" Tanong agad ni John Paul pagkasagot ko pa lang ng tawag niya. Wala man lang Hi o Hello. Kaloka. "Kaka-out ko lang Labs, daming tao." Sagot ko.
"I told you! Pauwi ka na ba?"
"Di pa. So ayun na nga Labs! Birthday ni Otep. Punta kami nila bakla ha." Paalam ko sa kanya kalakip ang isang poker face na ngiti. HAHAHA. Naiimagine ko ang mukha niyang nakabusangot.
"Kakasabi ko lang kaninang umaga. Walastik talaga kayo ni Terrence eh!"
"Sige na pumayag ka na please." Pabebe kong sabi.
"Hinde!! Umuwi ka." Mahinahon niyang sabi. Napahinto talaga ako sa paglalakad.
"Labs naman eh. Sige na please. Saglit lang ako doon."
"Hindi" Mariin niyang sabi ngunit mahinahon.
"Pumayag ka na Labs. Sige na. Minsan lang to eh."
"BAHALA KA SA BUHAY MO. Nagpapaalam ka pero hindi ka naman nakikinig. Gawin mo gusto mo." sabi niya saka nag hung up. Jusko nakakaloka. Ang suplado.
"Anong sabi?" tanong ni Gino.
"Wala, ayaw akong payagan. Kaloka. HAHAHA." Natatawang sabi ko kasabay ng pekeng ngiti. Jusko kang John Paul ka.
***
"Halika na day! Gora na! Sumama ka na!" pagpupumilit ni Terrence. Jusko. Hati na talaga ang desisyon ko dahil kay John Paul.
Tinatawagan ko kasi, hindi sumasagot.
"Gaga day! Uuwi na ako. Imbyerna nga si John Paul sakin. Ayaw nga pumayag!" Kunot noong sabi ko. Ako na lang kasi ang inaantay at aalis na. Ramdam ko din ang pagkabwisit ni Bakla.
"Nako ha! Hindi pwede yang ganyan, nakoooo! Nanggigigil ako!!" sabi niya saka nagkalkal sa bag niya.
"Asan na ba ang cellphone ko..." sabi pa ni bakla, ramdam ko ang gigil niya. Pagkakuha ay agad agad na nagpindot doon at inilapat sa tenga.
BINABASA MO ANG
Si Malakas at si Pabebe -Season II
Humor"Basta hindi na tayo maghihiwalay ah, magtiwala ka lang sakin..."