#SMASPii 125

2.4K 244 38
                                    

Don't forget to vote and comment please. Labyu all. And guys, pag di kayo busy. Pa-vote naman nung isa kong story na "Maki Melendez" please. Or kung bet niyo, basahin niyo na rin. Hihi.

Comment kayo please. Para marami naman akong mabasa sa comment box. Para ganahan magsulat. Hihi.

Thank you!


***


~Justine~




"Diba sinabi ko naman sayo na lumayo ka sa lalakeng yun?!!!" pagalit na singhal niya pagkalabas na pagkalabas pa lang ng store. Hila hila ako papunta sa kotse.

"Oo nga!"

"Oh eh bakit nandun yun?! Mag-iinom na naman kayo! Pagka nandun yun, samahan pa ni Terrence, palaging may inuman!!!"

"Aba mapipigilan ko ba yun pumunta doon? Mag-isip ka nga!" Sabi ko habang kinakalas ang pagkakahawak niya sa braso ko. Ang lakas ng grip niya, masakit sa balat. "Saka hindi naman ako ang pinuntahan nun dun! Si Terrence!"

"Terrence mo mukha mo! Siguro kung hindi ka susunduin, mag-iinom na naman kayo! Ano?! Sagot!"

"Alam mo tamang hinala ka."

"Oh bakit, san ba sila pupunta ng ganitong oras? Aber?!"

"Mag-iinom." Sagot ko.

"Oh diba? Malamang kung hindi ka sinundo, nandun ka rin sa inuman ngayon!"

"Pwede ba John Paul! Naiinis na ako sayo ha!!"

"Ikaw pa ngayon galit. Wow naman po." Sarkastiko niyang sabi saka sumakay sa kotse.

"Oh bakit? Ano bang ginawa ko? Wala naman ah! Hirap kasi sayo, parang ewan ka mag-isip!"

"Hirap din kasi sayo, hindi ka marunong sumunod! Boyfriend mo ako ah! Bakit parang wala lang sayo sinasabi ko?!" Pagalit niyang sabi.

Talagang hindi ko na mapigilan ang sarili kong sumagot-sagot. Wala sa hulog ang katwiran ni John Paul. Parang bata, nakakainit ng ulo tangina.

"SAANG BANDA KA BA HINDI SINUNOD? HINDI NA AKO NATUTUWA SA MGA PINAGSASABI MO HA!!! PAG AKO NABWISIT NG TULUYAN TINGNAN MO! BUGBUGIN KITA!"

"Ako pa ngayon ang bubugbugin mo? Lakas mo ah!"

"HINDI KA KASI MARUNONG MAKINIG NG PALIWANAG! KA-NI-NA KO PA SI-NA-SA-BI NA HIN-DI A-KO ANG I-PI-NUN-TA NON DO-ON!!!" mabagal at madiin kong sabi. Siguro naman papasok na yan sa kokote niyang sarado.

"WAG MO KONG SIGAWAN!"

"WALA KASING KWENTA YANG KINAGAGALIT MO LETSE KA! PWEDE KO BA YON PALABASIN SA STORE DAHIL LANG SA SINABI MONG LAYUAN KO YON?! CUSTOMER YON AT ISA PA ULIT, HINDI AKO ANG IPINUNTA NUN DOON! NANG-GIGIGIL NA AKO SAYO HA! ISA PANG ANO MO JAN TINGNAN MO LANG UNGGOY KA SUSUNTUKIN TALAGA KITA!" gigil na sabi ko, hindi siya nakapagsalita.

Mabuti yan, mag-isip ka hindi yung inuuna mo pagbubunganga. Wag mong sabihing lalake ka at dapat ikaw lang ang tama ha!

"AH BASTA!!! MAGSAMA KAYO ANG PAPANGET NIYO!!!" Parang batang sabi niya. Ngayon naman magsama daw kami! Grrrr!!! Jusko!

Si Malakas at si Pabebe -Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon