#SMASPii 98

5.8K 343 47
                                    

Vote po please bago mag-offline reading. Salamat.

Uyyy baka gusto niyo akong i-follow sa IG PM niyo lang ako. 😊

Chat tayo doon. Ayaw ko na sa fb ang toxic masyado. 😂

Anyways, enjoy reading. 😊

***

"Anong sabi mo?" Tanong ko habang sinasara ang pinto ng kotse. Naglalakad na siya palapit sa gate.

"WALA KANG PAKE!!"

"Ayan ka na naman ah!! Ano bang pinagsasabi mo John Paul!"

"Hindi mo ba narinig? Ang sabi ko!! Magsama kayo ng Otep mo!" Inis na sabi niya saka napahinto sa tapat ng gate. Pati tuloy si Jayjay na karga karga niya eh naguguluhan sa nangyayari.

"Dun ka na sa panget na Otep na yun!!" Sabi pa niya saka tumingin sakin ng masama. "KUNG GUSTO MO IHATID PA KITA DUN EH! ANO!!!"

"Yung laway mo tumatalsik ah! Hahahaha."

"Kahit hindi naman tumalsik! Ang kapal mo!" Depensa niya. "Umalis ka na! Sige na! Bumalik ka na dun sa Otep na yun!"

"Para kang tanga! Ano bang kinagagalit mo jan?" Tanong ko sa kanya habang sinususian ang gate. Pinipigil ko talaga ang pagtawa kasi nabibwisit na siya sa akin eh. Hahahaha. Baka ihampas sakin si Jayjay. "Nagpaliwanag na ako ah!! Bat ka ba nagagalit!"

"WOWWWW NAGTAKA PA SIYA KUNG BAKIT AKO NAGAGALIT! SINO KAYA ANG MATUTUWA SA KANYA!!!!" Inis na sabi niya. Ang sarkastiko nung tono eh. Hahaha.

"Alam mo, dapat nga magthank you ka pa don sa tao. Dahil sa kanya kaya natawagan kita!"

"Nyahhhh!!! Pinagtatanggol pa. Maling mali!"

"Anong mali dun? Ayun naman ang totoo! Hahaha." Natatawang sabi ko, di na siya sumagot. Diretso ng pumasok sa loob. Napanganga na lang talaga ako at naiwang tulala sa labas ng gate. "Nagmagandang loob na nga yung tao! Pinag-iisipan mo pa ng masama!!" Sigaw ko pa.

"HAHAHAHAHAHAHA. Nako po! War na naman sila! Hahaha." Rinig kong boses mula sa likod ko. Si Owang pala.

"Ewan ko ba jan sa tropa mo. Nasira na ang utak niyan eh. Kanina pa ko niyan inaaaway. Nabaliw na! Hahahaha." Natatawang sabi ko habang iniikot ikot ang daliri sa tapat ng tenga. Yung hand gestures na katumbas ng salitang baliw. Hahaha.

"NARIRINIG KITA JAN AHHHH!!!!" Sigaw niya mula sa loob ng bahay. Natawa talaga kami ni Owang. Hahahaha.

"Dun ka na nga!!! Hahaha. May topak na naman yung gunggong na yun eh. HAHAHAHA." Pagtataboy ko kay Owang na may iniabot lang na sobre sa akin. Water bill. Siguro nagpasabay na naman si Mama magbayad sa kanya kanina. "Salamat." Sabi ko pa bago pa siya tuluyang makalayo.

"Ikaw John Paul ka! Ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya na pinaghehele si Jayjay. Pasayaw-sayaw don sa tapat ng kama.

"Wag mo ko kausapin at naiinis ako sayo." Sagot niya lang. Infairness, mahinahon siya magsalita pero yung mukha niya talaga nakasimangot. Hahaha. Ang laking tao tapos pabebe! Kainis!

"Bahala ka jan, basta ako nagpaliwanag na sayo. Kung ayaw mong maniwala sa akin. Eh di bahala ka." Sabi ko pa sa kanya with matching flip ng hair. HAHAHA. Lalo lang siyang nabwisit. Hahaha.

Si Malakas at si Pabebe -Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon