Sabaw to. Pero sana vote pa din. Hahaha. Tsarot. Labyu guys. 😊
***
•John Paul•
"No Jay! Hindi pwede sulat sulat kay Tito Janjan. Bawal baby." Pagpigil ko sa bata habang hawak ang maliit niyang kamay.
"No!" Sagot niya saka umiyak at tumingin sa Tita niyang baliw.
"Pumayag ka na!! Kanina pa yan iyak ng iyak naririndi na ako!" Bulalas ni Tintin. Tangena talaga. Imbis na nakalimutan na yang pentel na yan pinaalala pa.
"Kasi naman eh! Imbis na hindi na nga naalala yang sulat sulat na yan! Bibigyan mo pa ng ganyan! Naglalaro na nga kami dito ng ibang laro eh!!" Magsasalita pa sana ako kaso tinapal na bibig ko eh.
"Ehhhh manahimik ka!!!" Sabi niya saka bumaling kay Jayjay.
"Sige na bebe, mag draw ka na sa face niya." Sabi niya saka nagbukas ng isang pentel pen.
"Ganito Jay oh." Sabi pa saka lumapit sa akin. "Sige! Kapag di ka pumayag yari ka sa akin."
"Tsk!!! Wag na Tine! Para ka namang ano eh! Pentel pen yan! Mahirap yan tanggalin!"
"Wala akong pake." Sabi niya saka hinawakan ako sa kwelyo. "TINGNAN MO NGA MUKHA KO!! ANO AKO LANG ANG GANITO? HINDI PWEDE TO NO!!"
"HAHAHAHAHA. Tanga ka! Pumayag ka eh. Nagpatalo ka sa bata. HAHAHAHA."
"Tsk!" Sabi niya saka binuhat ang bata at inilagay sa harap ko. "Halika beh. Sulatan natin mukha niya. Hahaha." Sabi pa niya. Hay buhay, nagsisisi ako ngayon kung bakit ako naghalf day! Grrr. Tangena talaga. 😈
"Close your eyes Labs. Hahaha." Sabi niya saka nagsimula nang magsulat sa kaliwang mukha ko. Si Jayjay naman sa kanan.
"Hahahaha. Monster." Natatawang sabi ni Jayjay.
"Yes bebe, monster siya. Hahaha."
"Hahahaha."
Silang dalawa lang ang masaya sa ginagawa nila sa akin. Nakakainis!
"Kapag ayan hindi natanggal mamaya ha. Humanda ka talaga sa akin Tine!"
"Pwede bang hindi yan matanggal? Ano yan! Tato!!"
"Hahahaha." Pagtawa ulit ni Jayjay. Hay buhay nga naman, kapag minamalas ka talaga. Malas!
"Jay sulatan mo din mukha mo be! Hahaha." Utos ko sa kanya. Para naman kahit papaano makabawi man lang no. Hahaha.
"Sige." Sagot niya saka ipinahid sa mukha niya ang pentel pen. Hahahahaha. Natawa kami ni Tintin.
"Yari tayo sa papa niyan gago ka! Hahaha." Sabi niya.
"Hahaha hayaan mo na. Tingnan mo nga ginawa sa atin oh. Hahaha."
"Hahaha. Enjoy na lang natin."
"Ngayon enjoy! Kapag tatanggalin na? Nganga na?"
"Ganun na nga. Hahaha."
Sa bandang huli, puro sulat kaming tatlo sa mukha. Tawa lang kami ng tawa habang nagseselfie. Jusko, talagang naubos ang tinta ng mga pentel pen, buong katawan ko ang sinulatan. Pati kili-kili ko hindi pinatawad ni Justine. Bwisit.
BINABASA MO ANG
Si Malakas at si Pabebe -Season II
Humor"Basta hindi na tayo maghihiwalay ah, magtiwala ka lang sakin..."