Vote muna please.
***
Talaga namang nanggigigil ako habang pinagmamasdan ang paldang hawak hawak ko. Gusto kong lumabas doon sa kinaroroonan niya kaso naka-underwear lang ako! Haayyyyy! Kung bakit ba kasi iniabot ko sa kanya ang hinubad kong pantalon. Kainis.
"May tao po!!!" Katok mula sa labas. Jusko. Kelangan ko nang lumabas, wala na akong choice kundi suutin talaga ito. Punyeta talaga ang unggoy na yun! Wala na talagang nagawang matino!!!
"LORDDDDD I PATIENTLY WAITED PERO BAKIT SI JOHN PAUL ANG IBINIGAY MO SA AKINNNNNNNNN!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ko sa loob ng CR habang sinusuot ang palda. Mangiyak-ngiyak talaga ako habang sinusuot at inaayos ang pagkakalapat.
Pagkasuot ay talaga namang sobrang iksi. Isang dangkal pa ang layo mula sa tuhod ko. Ang panget tingnan kaya tinuck in ko na lang ang suot kong sleeveless. Jusko talaga naman talagaaaaaaaaaa!!!
"Miss ang tagal mo naman!" Bulalas ng babaeng nag-aantay sa labas ng CR pagkabukas ko pa lang ng pinto.
"Sorry po." Sabi ko saka naglakad na patungo sa kinauupuan ni John Paul na natulala na paglabas ko pa lang. Yung ngiti niya talaga, jusko, nakakabwisit. Ang manyak ng dating!
"Ooooooh! Sexyyyy!" Sabi niya ng medyo malapit na ako.
"Girlfriend ko yan! YEAHHHHHH!!!!" Bulalas pa niya na may kasama pang hand gestures.
Mas nabibwisit pa ako kasi ayan na naman yung nakakabwisit niyang itsura pag ngumunguya ng bubble gum. Idagdag pa yung sumbrero at hikaw niya, talaga namang manyak na manyak ang dating!
"Punyeta ka talaga. Halika na! Sa kotse tayo magtutuos!!!" Sabi ko nang makalapit na sa kinaroroonan niya.
Sinuntok ko talaga siya sa balikat! Nakakainis eh! Hinablot ko na ang bag ko at itinakip sa hita ko saka naglakad na palabas. Sumunod naman siya. Pasalamat talaga siya at maraming customer kundi yari talaga siya sakin!
"Umaambon. Suot mo tong sumbrero ko." Sabi niya pagkalabas pa lang namin ng store saka inilagay sa ulo ko yung sumbrero.
"Alisin mo yan!!!"
"Umaambon ngaaa! Buti sana kung malakas ka eh! Hahahaha." Sabi niya saka iniayos ang pagkakalapat sa ulo ko.
"Alisin mo yan sabi eh!!!" Yung tingin ko talaga sa kanya, nanlilisik na. Ewan ko lang kung bakit di pa siya umaapoy.
"Sabing umaambon nga!"
"Tingnan mo nga itsura ko!!! Nakasleeve-less, nakapalda na maiksi! Tapos isusuot mo sakin yan!" Sabi ko saka kinurot sa tagiliran. Yung pagka-ngiwi talaga ng mukha niya eh, ang sarap sa feeling na makita.
"Magmu-mukha akong gangsterrrrrrrr!!!!! Hmmmm nako!!! Gagooo kaaaa!!!" Gigil kong sabi.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Halakhak talaga siya. Hay talaga naman po. Juskoooo. Ayaw ko na lang magsalita. Gusto ko na lang siyang patayin.
"Nako John Paul. Sige lang, alas tres pa lang ng hapon pero dumidilim na ang paningin ko sayo!!! Sa palagay ko katapusan mo na mamaya. Maghintay ka lang talaga."
BINABASA MO ANG
Si Malakas at si Pabebe -Season II
Comédie"Basta hindi na tayo maghihiwalay ah, magtiwala ka lang sakin..."