Sorry sa matagal na update. Hahaha. Nag-iinarte dito si Tine, talagang pebebe siya kaya wag kayong magalit. In the first place, nasa title na Pabebe siya talaga. Hahahaha. Charot. Labyu guys! Salamat sa pag-aantay. Sa mga nag-aantay ng update kay Kim Cordova, sorry po, wala pa akong inspiration para ituloy ang kwento, pero rest assured na kapag inatake ako ng kamalditahan, push naten yan. Hahahaha. Enoy reading po.Vote muna bago magbasa please and post your comments please. Salamat po.
***
"Sex tayo Tineeeee!!!" Mariin niyang bulong sa tenga ko habang nakayakap sa akin. Parang baliw to eh.
"Ano ba! Para kang ano eh!" Inis kong sabi habang itinutulak palayo ang mukha niya. Makasinghot ba naman sa may bandang tenga ko.
"Dali na Tine." Sabi pa niya. Kinakabahan na talaga ako eh, Jusko naman. Ang bata ko pa para sa ganito Nakakaloka.
"Seryoso ka ba jan?" Seryoso kong tanong. Kasi naman, di ko na malaman kung nagbibiro lang ba o seryoso na, iba yung ngisi eh. "Di pa ako ready sa ganyan. Sorry." Sabi ko pa.
"Joke lang Tine."
"Basta sinasabi ko di ko pa kaya yung ganyan. Sorry!" Sabi ko saka pumasok na sa kwarto saka dumapa sa kama. Naiinis ako sa sarili ko, parang ang laki ng pagkukulang ko sa part na yun. Tsk.
Kailangan ba talaga kapag magboyfriend na, gagawin na agad yung ganun? Required ba na gawin kaagad? Di naman ako nakipagrelasyon para lang sa ganun. Hay punyeta ano ba tong naiisip ko.
"Hahaha. Okay lang yun Labs, tinitingnan ko lang naman kung papayag ka." Sabi niya nang mahiga sa tabing kanan ko.
"Papayag naman ako eh. Pero hindi talaga ngayon. Hindi ko alam kung kelan pero hindi pa ko ready sa ganyan. Nakakatakot no."
"Dadahan-dahanin ko naman. Hehehe." Natatawang sabi niya, kahit hindi ko siya nakikita, nakikita ko sa isip ko kung paano siya ngumisi. Nagbibiro lang daw pero ganyan yung mga banat.
"Hindi pa nga ko handa sa ganyan diba, kung di mo na matiis, eh di sa iba mo na lang gawin. Maiintindihan ko nam.."
"ANO!!!!" Bulalas niya na nagpahinto sa sinasabi ko.
"Maiintindihan ko naman yon! Kasi lalaki ka, kailangan mo yon. Kung di mo ko naiintindihan bahala ka, sorry kung di ko mabigay yung gusto mo. Di naman porket bakla, ganun na kaagad ang hanap. Sorry."
"Ang dami mo na agad sinabi. Haysss."
"Ikaw kasi, minamadali mo ko, hindi pa nga ko ready sa ganyan. Mapilit ka. Sorry kasi nagkukulang ako sa part na yun. Yung gusto mo di ko mabigay. Di pa talaga ako ready eh. Okay lang naman kung hiwalayan mo ko dahil lang dun, baka yung susunod mong karelasyon papayag agad."
"Para kang tanga, ang dami mong sinasabi. Nakakainis!!!"
"Eh di mainis ka..." Sabi ko saka bumangon. "Wala naman akong magagawa kung mainis ka sakin dahil hindi ako pumayag." Sabi ko saka lumabas ng kwarto at naupo sa sofa. Bahala siya jan, isipin niya nang pabebe ako pero hindi pa talaga ako handa sa ganyan.
"Hindi ako naiinis kasi hindi ka pumayag!" Bulalas niya agad paglabas pa lang ng kwarto. "Naiinis ako kasi ang dami mo na kaagad sinabi! Nagbibiro lang ako ah! Masyado ka namang seryoso!"
BINABASA MO ANG
Si Malakas at si Pabebe -Season II
Humor"Basta hindi na tayo maghihiwalay ah, magtiwala ka lang sakin..."