Chapter 17

267 6 0
                                    

Kean Nathan Villanueva
----
You can't start the next chapter of your life... If you keep re-reading the last one.
-----
Jhamie's Point of View

"Whaaa! Maya-maya na! Ibabalik ko pa sa bahay si Stuart eh!"Nakangusong sabi ni Jas. Si Stuart yung alagang daga ni Jas. Monggoloyd yan eh, kung hindi butiki, uod, uang, umang, bulati at palaka eh daga . Kulang nalang kuto at lisa pero siguro kapag nakakita yan maiisipan niya din yon. Buti nalang at yung dagang alaga niya ngayon ay yung white talaga kaya hindi kami natatakot.

"Samin mo nalang iwan, mas malapit"Kolly

"Ano ka! May pusa ka eh! Ayoko nga"

"Haha gutom na kasi yon eh"Kolly
"Maaga pa naman, mamayang hapon na tayo umalis. Init-init eh!"Kell
"Kaya nga tayo pupuntang mall kasi mainit diba? My Gadh!"Maarteng sabi ni Kolly habang titirik-tirik ang mata haha.

"Haha tambay muna tayo"ako

"Whatever~"Kolly, kaya natawa kaming tatlo. Nandito lang naman kami sa tapat ng bahay. May terraces kasi dito sa harap, parking lot namin haha. Bigla kaming natahimik kaya parang bumalik yung lungkot ko, ewan ko ba kung bakit ako naging ganito kapag tahimik. Feeling ko kapag tahimik, bumabalik lahat. Yung saya at yung sakit.

*Bzzzt bzzzt*

Nag-vibrate yung phone ko kaya kinuha ko ito.

Neon:
Bago mo pakawalan, siguraduhin mong wala ka nang nararamdaman... Dahil wala ng mas sasakit pa sa sariling katangahan.

GM'61

"Mas tanga ako kung magtitiis pa kong masaktan dahil lang sa meron pa kong nararamdaman"

"Sinasabi mo dyan?"Nagulat ako kay Kell nang magsalita siya. Did I say it loud ?

"Hahaha monggoloyd! May problema ka ba? Sabihin mo na!"Kolly. I sighed.

"Sabi ni Maxwell Maltz... It takes 21 days to form a new habit"

"So?"Kolly

"Anong paki namin kay Maxwell Maltz?"Jas

"Go, straight to the point"Kell
"Eh bakit ganon? Mahigit isang buwan na nga ang nakakalipas hobby ko parin ang mahalin siya?"Naiiyak na tanong ko sa kanila. Hindi ko sila pwedeng lokohin lalo na ang sarili ko na hindi ko na siya mahal.

"Kasi hindi ka pa naman nakakakita ng ibang mamahalin. Kapag nakita mo na yung lalaking 'yon. Mahalin mo lang siya and in just 21 days baka siya na yung mahal mo at hindi na si Troy"Kell

"Pero parang ayoko na eh. Ayoko nang magmahal ng iba pang lalaki at ayoko na rin siyang mahalin pa. Saka parang mang-gagamit pa ko ng ibang tao para lang kalimutan siya"

"Edi magmahal ka ng tomboy"Napangiti ako sa sinabi ni Jas baliw talaga 'to.
"First boy friend mo palang si Troy. Ano ka ba! Baka marami ka pa ngang maging boyfie eh. 17 years old ka palang at baka pag nag-college tayo mas marami pang manligaw sa atin"Kolly

"Tama na yan. Huwag ka muna mag-boyfriend sabi ko sa inyo eh sasaktan lang kayo ng lalaki"

"Hmp! Grabe ka! Hindi mo napapagaan yung inside ni Jham lalo mo lang siya pinapa-guilt! Basta Jham. Don't afraid to enter in a relationship again"

"Oo nga 'no! Naalala niyo nung bata pa tayo? Yung first day of school ?"Nagtakha kami sa sinabi ni Jas kaya inalala namin.

FLASHBACK

The  Playful Girls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon