Sophia Santos
Shane Hwa
Jillian Yap----
"Hahaha kung akala niyo magpapatalo kami sa inyo? Pwes nagkakamali kayo"pagharap naming apat sa kanila ay nanlaki ang mga mata namin sa gulat. Ang dami ng back up nila Shane, mga babaeng gangster na kitang-kitang pariwara talaga ang buhay at may mga hawak silang mga bote ng beer habang hinahampas-hampas yun sa palad nila at mga nakangisi samin. Mukang planado 'to nila Shane! What should we do??? Ang dami nila at apat lang kami. Oo matapang at malakas naman kami pero may limitasyon naman ang kakayahan namin, wala kaming super powers no! At hindi kami action star para malabanan ang mga gangster na to. Itsura palang nila mukhang killer na dagdag pa yung mga gamit na hawak nila. Napatingin ako kina Kell at Kolly, seryoso na rin yung mukha nila habang si Jasmine ay binibilang yung mga babaeng unggoy na gangster. Okay na sana yung mga pagmumukha nila eh, hindi ko sila lalaitin kung hindi ganito ang ugali at hindi ganyan kabaduy ang suot nila! Sila yung mga tropang simbang tabi at "Bhøxzs M4ph4gm4ha£ Bh3nt3 Kuw4trø"
"Jas, Ilan?"tanong ko kay Jas pagkatapos niyang bilangin.
"12"12??? Kaya 'to! Think positive Jhamie!
"Ganyan ba kayo kahina Shane? nakakaawa kayo"Nakangisi kong sabi sa kaniya habang papalapit sa amin.
*SLAP*
"JHAM!!!!!!"Kell, Kolly at Jas. Napailing ako sa lakas ng sampal niya sakin pero tinawanan ko lang siya.
"Ngayon ka lang gumanti dahil marami na kayo? Napaka-unfair naman yata?"nakangising sabi ko.
"Sorry to you? I'm not familiar with that fucking FAIR eh... Sige, tuloy niyo na yan!"Pagkaalis nung tatlo ay pinagsa-sabunutan kami nung mga babaeng unggoy . Habang hawak kami nang dalawa ay sinusuntok kami ng isa. Nakita ko si Jasmine na umiiyak na at may dugo narin yung gilid ng labi niya dahil sa kakasampal nung tatlong tarsier.
"T-tulong"sigaw ko na parang ako lang ang nakarinig dahil sa sobrang panghihina. Inipon ko ang lakas ko para makapalag dito sa dalawang may kapit sakin pero hindi ako nagtagumpay. KAYA NAMIN 'TO! HINDI KAMI MAGPAPATALO SA MGA UNGGOY NA 'TO. Ginawa ko ulit kung ano yung ginawa ko kanina at nagtagumpay na ako dahil nakaalis ako sa pagkakahawak nila. Masyado nang nawiwili 'tong isang 'to sa kakasuntok sakin kaya , ako naman. Sinapak ko sa mukha yung leader ng kapangitan . Yung tatlo ay nakikipag-sapakan at sabunutan na rin. Kinalmot ni Kollyne yung kalaban niya sa mukha at natuklap agad ang balat nung babae at nagdugo buti nalang mahaba kuko nun, si Jas naman ay nakikipag-pukpukan ng mga bote, si Kelly ay nakikipag suntukan din. Nung papunta naman sakin yung isang babae ay tinadyakan ko agad ito sa tiyan kahit papaano ay may natutunan ako nung grade school sa taekwando nung mag-try out ako. Pero kahit nakakalaban kami ngayon ay hindi mapagkakailang mas malakas at lamang sila , konti lang ang tumatama sa mga tira namin samantalang kami ay laging sapul. Hindi naman kasi kami lumaki sa ganitong buhay. Kailan ba 'to matatapos? Saan kami mauuwi neto? Tumulo na ang mga luha sa mata ko.
Naririnig ko ang maa-arteng tawanan nila Shane, Jillian at Sophia.
*Beep.Beep.Beep.Beep.Beep*
sunod-sunod na preno ng mga sasakyan ang umalingawngaw kaya't nabuhayan ako ng loob na makakaya na namin 'to."Mga gago!!!"Boses ni K-Khen at Kean. Nagtakbuhan na yung ibang mga babae pero may mga garapal parin ang mukha at ayaw kaming tigilan. Pero kaya na 'to! Konti nalang! Nakita kong tumakbo si Khen papunta kay Jas at saka sinampal yung isang babae na sumasabunot kay Jas, hinampas niya rin ng malakas yung kamay nung isa pa. What a gentleman . Napangiti ako nang makitang biglag yumakap si Jas kay Khen at halatang nagulat si Khen sa yakap na yon. Nang makita kong susugurin ako nung leader ay sinikmuraan ko ito kaya napahiga siya. Sumampa ako sa harap niya at saka ko siya pinag-sasasapak at sinabunutan. Pero nasapak parin ako at nagkapalit kami ngayon ng posisyon, tumayo siya sa harap ko at tinapakan ang dibdib ko. Ngumisi siya na nakapag-palakas ng kaba ko.
BINABASA MO ANG
The Playful Girls (On-Going)
RandomSa ating mundo... Posible bang maging mag-kaibigan ang may ibat-ibang pagkatao hanggang dulo? Posible bang hanggang dulo may halaga ang bawat isa? Posible bang habang buhay kayong magkakasama? Posible bang walang magsawa, mapagod, lumuha at uma...