Yannick Gonzales & Scarlet Wintel
----
Jasmine’s Point of ViewNaglalakad-lakad ako ngayon dito samin, kakauwi lang kasi namin galing school eh. Hindi naman ako pagod kaya minabuti ko muna dito sa labas.
“Weh?”kontra ng kabilang parte ng utak ko, Totoo naman eh! Sumabay kaya kami kay Troy kaya hindi ako pagod.
“Eh bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit?”*pout* oo na! Aamin na nga! Eh kasi nakakatakot eh baka may multo sa bahay wala pa naman si ate. Ewan ko kung saan nagpunta yon, baka sinundan si Dora? Hindi man lang nagpaalam.
“Arayyy”may nakabunggo saking babae pero siya napaupo at ako hindi. Ang lakas ko naman? Tumalsik siya eh.
“S-sorry”sabi nung babae, Bakit parang umiiyak siya? Baka nasaktan din siya kasi napaupo siya eh. Pero bakit hindi siya ng Ouch?
“Ah ate sorry, naku! Umiiyak ka nga! Sorry talaga. Ikaw naman nakabunggo eh, bakit ka umiiyak? Oh sige na nga sorry parin. Huwag ka ng umiyak”sabi ko sa kanya.pero mas lumakas pa yung iyak niya nakayuko siya sa tuhod niya eh kaya hindi ko makita yung mukha niya. Bigla akong kinilabutan dahil sa naisip ko. Baka multo siya? Tapos kapag tumingala siya sakin wala siyang mata. Huhu anong gagawin ko? Hawakan ko kaya para malaman ko kung multo siya. Ayyy ang shunga ko! Kung multo siya edi sana tumagos siya sakin at hindi siya nasaktan. Pero? Kung ganon? Anong gagawin ko? Ahuhhh!!! Napangiti ako sa naisip ko, sasabayan ko nalang yung pag-iyak niya para siya yung umamo sakin tutal nasaktan din naman ako eh. Ginaya ko yung position nya at saka ako umiyak.
“huhuhu arayyyy!!! Ang sakit ng bangga mo! Huhuhu Medic! Medic! Ang sakit! Hindi ako makagalaw!!! huhuhu”teka? Ano ba yung sinasabi ni kollyne kapag nag-iiyak iyakan siya? Ahhh tama 'yun nga!
”Huhubels aray ko! Huhu”natahimik na yung babae at naramdaman kong tumayo siya sa harapan ko. Haha astig! effective yung huhubels ni Kolly .
*Chuckles*hala? Kanina umiiyak siya tapos ngayon tumatawa siya? Baka baliw 'tong isang 'to! Nakakatakot naman may nakabungguan akong baliw. Unti-unti akong tumingala kay ateng baliw. Wow! ang gandang baliw naman nito, ang ganda pa ng damit. Ahhh baka mayamang baliw na nakawala lang, pero kahit baliw siya. Nakakainggit parin siya kasi ang ganda-ganda nya at mayaman pa. Pati bakit parang pamilyar yata siya?
“Hahaha akala ko ba umiiyak ka? haha”ayy oo nga pala! Umiiyak ako! Yan tuloy nakita niya yung mukha ko na walang luha. Tumungo ulit ako.
“Huhubells ang sakit!!! huhu”iyak ko kunwari habang sinusundot-sundot ko yung mata ko para maluha pero ayaw naman eh.
“Hahahah sorry, haha”tumatawa parin siya? Ano bang nakakatawa?
“Hahaha sorry talaga, tumayo ka na.”sabi niya na natatawa parin. Naramdaman kong umupo siya sa harap ko. Tumingin ako sa kanya, ang ganda-ganda niya at ang cute pa, nakakainggit.
“Im Scarlet Wintel”sabi niya nang nakangiti sabay lahad ng kamay sa akin.
“Ah Jasmine Lee hehe”sabi ko at nakipag-shake hands sa kanya. Tumayo na siya at saka inilahad muli yung kamay niya sakin, napakunot naman ako ng noo.
“Shake hands ulit?”tanong ko.
“Haha hindi. Sabi ko tumayo ka na”hmm? May sinabi ba siya? Hayaan na nga! Inabot ko nalang yung kamay niya at hinila niya naman ako patayo, pero syempre patayo na rin ako nun. Hindi niya naman siguro ako kayang itayo eh.
“Sorry talaga ah. Does it really hurt? ”
“Huh? Ang alin?”
“Yung pagkakabunggo ko sayo, masakit ba talaga?”
BINABASA MO ANG
The Playful Girls (On-Going)
RandomSa ating mundo... Posible bang maging mag-kaibigan ang may ibat-ibang pagkatao hanggang dulo? Posible bang hanggang dulo may halaga ang bawat isa? Posible bang habang buhay kayong magkakasama? Posible bang walang magsawa, mapagod, lumuha at uma...