Chapter 3

700 23 1
                                    

Kollyne Tailer
----
Jhamie's Point of View
"Ang init naman!" sabi ko habang nag-uunat at naghihikab. Tumayo na ko sa kama ko at lumabas na ng kwarto . Bakit tulog pa sila? Anong oras na ba? Tumingin ako sa wall clock na nasa wall malamang . 5:30 am palang pala , ang aga ko namang magising . Makapag-jogging na nga lang muna at maka-bili na rin ng almusal namin. Pagkatapos kong maghilamos at mag-toothbrush ay nagpalit lang ako ng T-shirt at short saka nagsapatos pagkatapos ay lumabas na ng bahay. Habang nag-ja-jogging ay may nakita akong dalawang babae na nag-ja-jogging rin hindi kalayuan sakin. Parang si Kollyne at Jasmine ang katawan pero hindi ko pa nakikita ang muka. Medyo malabo kasi ang mata ko.

"Jhamie Czarine!!!!!" sila nga, kung maka-sigaw naman si Kollyne akala mo nasa Pluto. Tumakbo na agad ako papunta sa kanila.
"Saan kayo pupunta?" ako
"Hindi ba obvious sa outfit namin na nag-ja-jogging kami?"Kolly, kapag ba nagja-jogging walang pupuntahan?
"Hehe halata naman! Malay ko ba kung may shooting pala kayo ng commercial ng fit & right?"Sabi ko, naka-short , sando at rubber shoes kasi sila tapos may towel pa sa balikat at nakapusod ang buhok . Mukang natuwa naman sila sa sinabi ko.
"Hahaha susunduin ka nga dapat namin eh"  Jas
"Edi si Kell nalang puntahan natin" ako.
"Let's go!" Kolly

Nagpatuloy na kami sa pag-jo-jogging habang papapunta kila Kell. Nang makarating kami ay sarado pa ang pinto nila at nag-aalangan pa kaming kumatok dahil baka tulog pa sila eh. Buti ba kung si Kell lang yung maiistorbo namin sa pagtulog kaso pati si ate Kylie . Natuwa kami nung biglang bumukas ang pinto at lumabas si Kelly.
"Uyy, Kell ! Tara jogging tayo?"aya ko, sabay hila agad sa kanya.
" Teka lang naman!"Inis na sabi ni sungit
" Sasama ka o sasama ka?"Kolly
"Sasama ako ! Wait la—"  Kell
"Oh edi tara na ! hahaha" hinila ko na agad siya at wala na siyang nagawa pa.

Habang nag-ja-jogging ay may nakita kaming puno ng mangga.

Kelly's Point of View

Tsk! Nakaka-badtrip talaga 'tong mga 'to ! Lalo na to si Jham maka hila wagas! Hindi pa nga ako nakakapag mumog kanina at suklay man lang eh, hinatak agad ako. Samantalang 'to si Kolly at Jas pormang-porma ang dalawang gaga.
"Wow! ang daming bunga!" Jham, na may halong pamamahangha kulang nalang maging heart ang dalawang mata parang PG mangga laang eh pustahan bente! Aakyat pa yan dyan sa puno.
"Oo nga! Hitik na hitik sa bunga! Ang sarap!" Jas na parang kinikilig pa.
"Kuha ka Jham! May alamang sa bahay" Kolly habang sinisiko si Jham.
"Kahit naman hindi mo yan utusan , aakyat yan" sabi ko , parang hindi pa nasanay . May fear of heights yan pero kapag puno ng makakain maaakyat niyan.
"Hmp! Huwag kang hihingi sakin Kell huh!" pagyayabang pa niya habang inuunat-unat ang kamay .

Umakyat na nga siya sa puno ng mangga at nasa second floor na sya ngayon este pangalawang tangkay ewan ko lang kung tangkay ba o sanga hindi ko alam ang pinagkaiba 'non , basta iyon na yun! Ayoko ng mahabang paliwanagan.

"Ah! Aray! Aray!" napatingin agad kaming tatlo kay Jham nang mag-aaaray na siya habang pinag-hahahampas ang kanyang binti. Anyare don? Pinulikat? Wengya ano 'to swimming?
"Aray! Whaaaa!!!!"Natulala kaming lahat kay Jham ng malaglag siya at una ang pwet .
"Arayyy! Ang sakit ng pwet ko huhuhu" daing ni Jham
"O-okey ka lang ?" tanong ni Jas
"Ikaw kaya mahulog sa puno magiging okey ka ba?! Whaaa! ang sakit!" sigaw ni Jham kay Jas.
"haha oo nga naman Jas! Ang engks mo talaga!"Kolly
"Hahaha ano ? Nasaan yung mangga mo?"tawang-tawang tanong ko.
"pffft-- wasak na ata pwet mo girl!" natatawa ring sabi ni Kolly
"Kyaaaaaaaa!! Tulungan nyo kaya ako mga babae!"sigaw ni Jham! Hahaha mamaya na pagkatapos naming tumawa .
"PG ka kasi eh! haha" halos sabay na sabi namin ni Kolly kay Jham haha. Bigla kaming natahimik nang may tumigil na kotse sa harapan namin at may naglabasang mga lalake , parang F4 .
"Excu--- A-are you Okay Miss?" tanong nung isang lalaki sa isang babae na naka-upo sa sahig at walang iba kundi si Jham.
"Okay?! Ikaw kaya malaglag mula sa punong yan! Magiging okay ka? Bato kita jan e!!"pag-ulit ni Jham sa sinabi niya kay Jas kanina sa lalaking nagtanong pfffft natatawa na naman ako.
"Haha chill! Hindi ko naman alam na nalaglag ka sa puno"
"Eh anong gagawin ko dito kung hindi ako nalaglag!"pagsusungit pa ni Jham.
"Magsa-sun bathing?"
"ANO----"
"Ah hehe pasensiya na kayo sa kanya baka meron lang pong-"
"Merong ano huh???!" putol rin ni Jham sa sinasabi ni Kolly na pumutol sa sasabihin niya kanina.
"Merong bukol!! Diba nalaglag ka? Tara na nga! tum---"Kolly
"Let me help you" Agad na lumapit yung isang lalaki kay Jham kaya hindi na tumuloy si Kolly sa sinasabi niya at pagtulong kay Jham .
"A-aray!" sabi ni Jham nung maitayo siya nung lalaki habang nakahawak sa may pwetan nya hahaha gusto ko pa talagang tumawa at asarin siya . Para siyang matandang nirarayuma.
"Kaya mo ba Miss? Gusto mo bang sumabay na samin?"sabi ulit nung lalaking mahaba ang buhok na may pinaka-maangas na mukha sa kanila yung nakipagtalo kay Jham. Yung isang lalaki naman ay naka-earphone lang mukhang suplado at yung isa naman na nasa driver's seat ay mukhang inip na inip na.

The  Playful Girls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon