Chapter 20

153 5 2
                                    

Nica Loise Sy
----
Nikki's Point of View

"The number you have dial ay may nilalanding iba, please try again later baka tapos na sila"Sarcastic na sabi ni ate but i just rolled my eyes heavenward. Yan na naman kasi siya.

"Wala naman akong karapatang magreklamo ate eh, Hindi ako ang mahal ni Troy"

"Pero mahal mo siya kaya dapat maging sayo lang siya!"

"Ano ka ba ate, utang na loob ko na nga kay Troy ang hindi pag-iwan samin ni Baby"Hinimas ko ang tatlong buwang baby na nasa sinapupunan ko.

"Pinaiiral mo na naman sakin yang katangahan mo! Ewan ko sayo Nikki! Ang gaga mo! Nabuntis ka ng maaga at kahihiyan yan para sayo at sa pamilya natin ! Tapos pumapayag ka na hindi mahalin ng lalaking yon! Valedictorian ka ba talaga ?! My god! Nasaan na 'yang utak mo ngayon!?"Naiiyak ako sa mga sinasabi ni ate pero gusto ko paring sumagot.

"Kasalanan ko naman ate eh, ako yung hindi lasing nung oras na yon pero hinayaan kong mangyari yung nangyari! Kaya sa anak lang namin siya may responsibilidad, hindi sa akin at kahit kailan hindi magkakaroon sakin ate !" Niyakap lang ako ni ate habang iyak ako nang iyak.

"Ako na lang ang maghahatid sayo sa airport. Let's go"Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at ganoon din si ate. Inayos kong muli ang sarili ko at saka kami lumabas ng kwarto. Nagpaalam na kami sa mga katulong dito sa bahay lalo na kay yaya Zenie. Bago ako tuluyang sumakay ng sasakyan ay tiningnan ko si yaya , tumango naman siya na mukhang nakuha na ang nais kong ipabatid sa mga tingin kong yon. Ngumiti ako at tumango bilang pagpapasalamat .

Kelly's Point of View

"Oh ito na mga pagkain!"Bungad ni Khen pagpasok ng pinto kasama si Kean. Nandito kasi kami sa hide out ng K4 . Naglalaro ng X box si Kloid at Kurt habang si Jham at Kolly ay nanonood sa kanila , si Jasmine naman nilalantakan na yung biniling pagkain nung dalawa. Recess palang naman kaya niyaya kami dito ng K4 . Syempre bilang temporary slave malamang no choice pero okay lang naman . Ayos nga dito eh .

"Tingin mo?"Tanong ko kay Kean.

"Tingin mo din?"Mapang-asar na tanong niya kaya inirapan ko lang siya.

"Kloid! Sino ka dyan?"Tanong ni Khen

"Yung pangalawa"sagot ni Kurt

"Pre, ikaw ba si Kloid?"Khen

"Tingin mo ba sasagot ang natatalo?"Kurt

"Anong natatalo!?"Kloid

"Hahahahaha"Ang gwapo niya lalo kapag tumatawa.

"Bakit? Hindi ba tol? haha"Kean

"Nauuna lang si Kurt"

"Kaya nga nahuhuli ka eh"Jham

"Kayo ! Lumayas nga kayo dyan sa likod ko! Kaya ako natatalo eh"Sigaw ni Kloid kaya natawa kami.

"Talo naman talaga, tara na nga babe"Sabi ni Khen sabay akbay kay Kean

"Lolo mo babe"Kean

"HAHAHAHA! Si Jas ang kausap ko, hindi ikaw. Mahiya ka sa kutis mo pre! Hindi tayo talo hahaha"

"Ako? Bakit ako nadamay?"Puzzled na tanong ni Jas

"Haha wala, ililibre lang kitang ice cream tara sa cafeteria"

The  Playful Girls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon