Chapter 18

301 10 2
                                    

Christian Chua
Jairus Martin
Nikko Dandelion
----
Kloid's Point of View

Natatawa akong nakatingin kay Jhamie papasok sa bahay nila nang mapukol ang tingin ko sa lalaking tinitingnan ni Jhamie. Binuksan ko na ang engine ng sasakyan ko para umalis pero hindi pa ko nakakalayo ipinark ko muna ang kotse ko sa may puno malapit sa bahay nila. Si Troy yun ah. Gago talaga 'yon. Akala niya siguro mapapatawad siya ni Jhamie sa katangahan niyang yan. Halatang nagulat si Jhamie nung biglang buksan ng kapatid niya yung pinto. Nag-uusap sila pero hindi ako magaling sa Ansabe para mahulaan 'yon. Bago pumasok si Jhamie ay tiningnan niya muli si Troy. Sa pagsulyap niyang 'yon nakita ko sa mga mata niya ang awa. Mahal niya pa nga si Troy... Nakapasok na siya pero hindi parin ako umaalis. Sira ulo 'tong Troy na 'to! Dyan niya ba balak magpaumaga? Tsk hindi ko ipagkakaila na may galit parin ako hanggang ngayon kay Troy. Sinayang niya ang pagka-kaibigan namin. Madaming taon na ang nakalipas pero hindi parin nawawala yung sakit dahil itinuring ko rin siyang kapatid. Hindi man lang siya nagpaalam! Aish tangina ! Ano ba 'tong mga iniisip ko? Nakakadiri para akong bakla! Bahala siya dyan! Uuwi na ako! Kaya niya na ang sarili niya. Papaandarin ko na sana ang kotse ko para umalis nang biglang bumukas ang pinto kaya pinatay ko agad ang engine. Lumabas si Jhamie na may dalang kumot. Napakunot ang noo ko sa nakita ko. Lumapit si Jhamie kay Troy at kinumutan ito. Akala ko aalis na siya pagkatapos 'non pero umupo siya at tinitingan si Troy. Matagal siyang nanatili sa ganoong posisyon at pagtayo niya natapatan ng ilaw ng dumaan na sasakyan ang mga mata niya na punong-puno ng luha pumatak ito pero hindi niya pinunasan. Tumalikod na siya pero umupo siyang muli at hinawakan ang kamay ni Troy. Para akong kinabahan sa ginawa niya pero hindi ko maintindihan ang sumunod kong naramdaman nung makita kong halikan niya si Troy...

"DORO WIE YEOGIN RUNWAY
NAL BARABONEUN NUN SOK MILKY WAY
JUST LOVE ME RIGHT (AHA!)
BABY LOVE ME RIGHT (AHA!)
OH! NAEGERO WA MANGSEORIJIMA
NEON MAEHOKJEOGIN NAUI UNIVERSE
JUST LOVE ME RIGHT (AHA!)
NAE UJUNEUN JEONBU NEOYA"Bumalik ako sa realidad ng biglang kumanta ng pasigaw si Kean. Tiningnan ko  siya ng masama pero nag-smirk lang siya. Kaya binato ko sa kanya yung cellphone na nasa tabi ko.
"Tangina mo dude! Cellphone ko yon!"Bigla akong binatukan ni Kurt. Isa pa 'tong gago. Binatukan ko rin siya para qwits. Puta! Hindi ko naman siya binatukan, gago wala! Babatukan niya pa sana ulit ako pero inabot ko na sa kanya yung phone ko. Kinuha niya 'to at binato rin kay Kean.

"Hihihi"Lumingon ako kay Khen na parang babaeng kinikilig habang hawak ang phone niya. Ngumingiti pa siya habang kinakagat ang ibabang labi niya. Nagkatinginan kaming tatlo at saka ibinaling ulit ang tingin kay Khen.

"KHEN!!!"Biglang sigaw ni Kean malapit sa tenga ni Khen kaya halos malaglag na ito sa pinagkakaupuan niya.

"OH?!!!"

"Puta pare! Kadiri ka! Hindi bagay sa itsura mo ang kiligin ng ganyan!"Kean

"Inggit ka lang! Palibhasa wala kang kinakikiligan!"

"Tanga! Nandyan ka kaya"

"Tangnamo! Bigti ka!"
"Hindi ba tayo, papasok?"Tanong ko sa mga taong mukhang asong kasama ko.

"Uyyy~ bakit? Gusto mo bang makasilay? Hahah inlove si Pareng sungit~ HAHAHA"Binigyan ko ng masamang tingin si Kean pero hindi parin tumigil ang gago sa kakatawa.

The  Playful Girls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon