Kurt Reyes
----
Jhamie's Point Of ViewSumakay na ako ng tricycle papuntang SZU dahil mag-isa lang naman ako ngayon at na-late rin kasi ako ng gising . Sinundo daw ako nung tatlo sa bahay kaso di daw nila ko magising kaya pinauna na nila Kuya's. Bumaba na ko ng tricycle nang makarating na ko dito sa gate inabot ko na rin agad yung bayad ko kay manong. Naku, malapit ng mag'bell 6:25 na 5 minutes nalang . Tumakbo na agad ako papasok sa gate diretso na sa building namin ng G12 habang hinahanap ko yung ID ko sa bag baka kasi naglilibot yung guard ngayon , wala kasi sa gate.
"Ahhhh! Arayyy!!!!!" Tsk ngayon pa! Asar! Kung kailan nagmamadali ngayon pa mabubunggo sa kung sino man 'tong taong ba---to
"Ikaw na naman!!??" Sabi niya at sabi ko rin. Kung mamalasin nga naman talaga! Tsk-tsk wala pa talaga yata siyang balak tulungan akong tumayo dito.
"Aish, tanga ka ba? tumatakbo ka ng hindi nakatingin sa dinadaanan mo!"Aba at lagi talaga siyang makasabi ng tanga ah!
"Ang kapal ng mukha mo! Kung hindi ka rin naman tanga !?Alam mo na ngang di ako nakatingin sa dinadaanan ko edi sana ikaw na yung umiwas!"
"Psh , mas tanga ka. Kapag nakikita kita lagi kang ina-atake ng katangahan mo" Aba talagang--- anong akala niya sakin? May sakit na katangahan?
"Una, nalaglag ka sa puno, second nakagat ka ng aso, and now? binunggo mo ko!"
"Malas ka kase!!! Tuwing nakikita kita napapahamak ako!!"
"Aish you're just silly"Tapos umalis na siya at iniwan ako dito na nakalumpasay.
"Ibig sabihin nagkita na sila ?"
"Yeah right, close sila? Bakit sila nag-aaway?"
"She did'nt know the position of Kloid here in SZU"
"How dare she talk back to Kloid like that"Dinig kong bulung-bulungan ng mga babaeng nakiki-tsismis dito.
"Close? Eh nag-aaway nga? Shunga lang? Pati kanina pa kayo nakiki-tsismis diyan tapos hindi niyo pa rin alam kung anong pinag-aawayan namin? At bumulong pa talaga kayo huh? 'Di ko narinig promise! Sige tuloy niyo pa yung BULUNGAN niyo! Pumasok nga kayo sa mga room niyo!!!"Sigaw ko dun sa mga tsismosang yon!
"Sungit"
"Tara na nga"BULONG ulit nila.
Bigla na lang nag-ring yung bell. Bigla akong tumayo pero sumakit lang yung pwetan ko tapos yung paa ko napabaliko nga pala kanina nung mabunggo niya ako. Huhuhu hindi ako makatayo dito, spider man nasaan ka? Help me! Late na rin ako! Wala na kong magagawa kundi gumapang papuntang clinic, ang layo pa ng gagapangin ko. Huhu Leche ka Kloid!!!
"Let me help you"Hindi pa ko nakakatingala dun sa nagsalita, may bumuhat na agad sakin. Si spider man yata? Tumingin agad ako dun sa bumuhat sakin.
"I-ikaw"tumango lang siya at ngumiti.
"Kurt Reyes"sabi nya habng nakatingin sa dinadaanan namin.
"Oo, ala---- ah wala"nakakahiya naman kasing sabihin na nag-search pa kami sa google tungkol sa kanila, baka isipin pa niya may pakialam kami sa kanila.
"Ahm wait, where's the clinic ? Sorry, hindi ko pa kabisado 'tong buong SZU eh" Ay puset! Oo nga, di ko napansin na maling direksyon yung pinupuntahan niya. Naiilang kasi ako eh, hindi ko alam kung paanong pwesto gagawin ko dito sa kamay ko eh. Binuhat prinsesa o sirena niya kasi ako eh tapos nagtitinginan pa samin yung ibang mga estudyante, nakakaasar sarap dukutin ng mga mata! Alam ko naman kasi kung anong mga iniisip nila. May boyfriend ako at si Troy yon, tapos makikita nila akong buhat-buhat ng ibang lalaki? At ang lalaking yon pa ay si Kurt Reyes na hindi lang napaka-gwapo , napakalaki pa ng impluwensiya ng pamilya nito sa university na 'to! Oh diba? At malamang pinapatay na ako ng mga babaeng nagka-kandarapa dito sa mga isipan nila ngayon! Kilala ko yang mga die-hard-fan na yan! Napaka judge mental .
BINABASA MO ANG
The Playful Girls (On-Going)
RandomSa ating mundo... Posible bang maging mag-kaibigan ang may ibat-ibang pagkatao hanggang dulo? Posible bang hanggang dulo may halaga ang bawat isa? Posible bang habang buhay kayong magkakasama? Posible bang walang magsawa, mapagod, lumuha at uma...