Soul Francis Goddard
Yannick Gonzales
Shan Bien Cassey
----
Jhamie's Point of ViewTae naman! Eto na yata ang simula ng kalbaryo ko. Huminga ako nang malalim bago mag-doorbell sa napakalaking bahay na nasa harap ko ngayon.
"Tsk, ang tagal naman!"
Pinindot ko ng sunud-sunod ang doorbell dahil parang excited na kinakabahan na kong makita yung batang aalagaan ko. Ni-hindi ko naman kasi alam kung babae ba yon o lalaki o kung ilang taon na. Tsk, nagtext lang naman kasi kagabi si Kloid .
Hey! My slave. You're going to be a baby sitter tomorrow... I'll send you the address . Don't you dare ask any question. ;)
Bumukas na ang gate at pinatuloy naman ako nung guard. Pagdating ko sa malaking pinto ng bahay ay in-assist naman ako ng isa sa mga maid. Hindi ako nagsasalita dahil pinagmamasdan ko lang ang kabuuan nitong bahay. Ay! Ito pala yung bahay na tinuluyan namin nung mabugbog kami. Yung solong bahay ni Kloid. Kaso, ang tahimik. Puro katulong lang at simple lang ang mga dekorasyon. Puro black & white nga lang ang nakikita ko. Kyaaaa~ parang ang gandang lagyan ng panda. Hihihi~
"Kumatok na lang ho ikaw Miss... Maiwan na kita rito"Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang babaeng naglalakad na paalis. Kwarto??? Bakit dito at hindi sa sala??? Diba dapat private ang kwarto? Eh bakit dito ang diretso ko? Dati nung nandito kami bawal daw sa kwarto ni Kloid. Eh bakit dito niya ko pina-padiretso? Halaaaaa~ HUMAYGADD!!!
"Hoy! Napakatagal mo! Ano bang balak mo sa buhay mo? Habang buhay tutunganga dyan?"
"Hmm akala ko nandito ka sa loob"sabi ko
"Yung aalagaan mo ang nandyan"
"Mag-isa? Sinong kasama?"
"Wala, kaya nga mag-isa"Napasimangot ako nang ngumiti siya. Nakakabwisit kasi yung ngiti niya siguro alam niya kung gaano katigas ang ulo ng ipapaalaga niya sakin. Binuksan niya na ang pinto at para pang nag-slow mo habang nanlalaki ang mata ko nang makita ko ang pinakapanget na hayop na nakita ko sa buong buhay ko, Packing tape!!! Si-- si Kloid ang may-ari sa hayop na asong ito?!?
"Yah! What's with that face?"Kahit gustong-gusto ko ng mag walk out at sigawan si Kloid ay hindi ko magawa dahil natatakot na kong gumalaw. Futekkk! Nakakadala kaya! Peste talaga! Pasabi-sabi pa siya na wala siyang responsibilidad sa pagkakakagat sakin ng aso, kung ano-ano pang sinumbat niya sakin eh aso niya naman pala yon! Grrrrrrr! At---
"Barney, Stay here. I'll talk to her outside. Masyado ata siyang na star struck sayo"Ki-niss niya pa ito sa ulo bago maglakad palapit sakin. Hinawakan niya ko sa may pulso ko sa kamay kaya mas naramdaman ko ang mabilis na pagtibok nito.
"NAPAKAPANGET NG ASO MO KLOID!!! ANO AT MAG-BE-BABY SIT KA PANG NALALAMAN?!?"
"Aww! Aray! Aray! Ano ba!"
"MUKA BANG BABY YUNG PANGET MONG BULLDOG!?! IIWAN MO SAKIN YAN?!? BAKA GUSTO MONG MAKATIKIM NG KALDERETANG ASONG PANGET!!!"
"Yuck! Aray! Ku- Aww! Kumakain ng aso! Tama na! Ano-- Aww!"
"HINDI AKO ANG KAKAIN! IKAW! WALANG MAGTATANGKANG KUMAIN NG PANGET NA BULLDOG!!! NANGGIGIL AKO SAYO! ALAM MO YON?!"
"Arayyyy! Ano bat--- aww! Wala namang rabbies si Barney! Bakit ba takot na takot ka! Aray! Tama na"
"ANG TAGAL KONG TINANAW NA UTANG NA LOOB YUNG PAGLIGTAS MO SAKIN SA KALSADA! EH ASO MO NAMAN PALA YUNG WALANGYANG KUMAGAT SAKIN! HAYYYS!!! KUNG WALA AKO DITO SA PAMAMAHAY MO! BAKA NAI-SALVAGE PA KITA AT HINDI LANG ITONG MGA HAMPAS NA ITO ANG AABUTIN MO!!!"
BINABASA MO ANG
The Playful Girls (On-Going)
AcakSa ating mundo... Posible bang maging mag-kaibigan ang may ibat-ibang pagkatao hanggang dulo? Posible bang hanggang dulo may halaga ang bawat isa? Posible bang habang buhay kayong magkakasama? Posible bang walang magsawa, mapagod, lumuha at uma...