Jhay-R Young and Jhay-M Young (Kuya's)
----
Lahat kami ay masayang nagbibilang sa loob ng helicopter at pare-parehong nakasuot ng parachute . Nang umabot sa tatlo ang bilang ay sabay-sabay kaming tumalon."Whooooo!!! A-arayyy"naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko. Panaginip lang pala pero bakit parang hndi na ko komportable? Pagkadilat ko sa aking mga mata ay nakita ko ang makinis at napakagwapong mukha ni Troy sa harap ko. Napabalikwas agad ako ng tayo nang dumilat si Troy at mapagtanto kong nadaganan ko pala siya. Baka nabigatan siya sakin o kaya naamoy niyang mabaho ang hininga ko ? Napahawak agad ako sa bibig ko, baka nga! Nakakahiya!
"How was your sleep my naughty princess?"Aga-aga bumabanat agad. Hmmp banatan ko 'to eh .
"Ayos lang, ang ganda nga ng panaginip ko eh"nakangiting sabi ko
"Talaga? Kwento mo naman sakin"
"Huh? Ah eh h-hindi pwede, bawal! M-masyadong personal eh hehe"ako
"Paano ka nga pala napunta diyan? Diba sa sofa ka natulog?"Pag-iiba ko ng usapan. Siya kaya yung napaginipan ko kaya hindi pwede.
"Nag-CR kasi ako kagabi, pag balik ko natutulog na si Christian sa pwesto ko"Troy.
"Baliw talaga yon!"ako
"Buti nga ginawa nya 'yon, dahil kung hindi. Baka sa kanya ka pa nahulog"nakangiting sambit ni Troy. Kanina pa kami magkausap ni Troy pero ngayon ko lang napansin na may make up pala siya sa mukha. Hahaha ang kapal pa!
"Bakit ka ngingiti ngiti dyan? haha"tumingin kaya siya sa salamin para malaman nya pfft.
"Pfft- haha grabe yung mukha mo! Ang kapal ng make up!"tawang-tawang sabi ko habang naka-hawak sa tiyan ko hindi ko na kasi mapigilan eh tumawa rin naman siya.
"Ikaw din kaya 'di ko lang sinasabi, sobrang kapal ng sayo"Troy, habang tawa din ng tawa tapos naka upo parin sa kama tumingin ako sa mukha ng mga kasama naming natutulog pa.
"Hahaha~ lahat pala tayo meron! Si Kolly lang ang wala, haha tara? Gantihan natin?"ako.
"Haha sure , but help me to stand up first"Troy, sabay extend ng kamay nya sakin kaya kinuha ko naman ito. Nang aktong hihilahin ko na siya ay nanlaki ang mata ko dahil sa paghilang ginawa ni Troy sa akin kasabay ng paghalik sa aking labi. Hindi ko alam ang gagawin ko at naalala ko yung panaginip ko kagabi parang ganito rin yung feeling.
"Good morning kiss"Troy sabay kindat sakin pero tumayo agad ako at 'di umimik , tumayo rin siya pero umiwas ako ng tingin.
"Why? Don't you remember? Sinagot mo na ko kagabi, almost 10 minutes pa nga tayong nag kiss"huh?
"T-ten minutes??? Kiss???"nanlalaking matang tanong ko.
"Haha I'm just kidding! Hindi naman matagal"Hindi naman matagal? I-ibig sabihin nagkiss parin? Bumalik sa utak ko ang lahat.
"Whaaa! Totoo pala yun?! Akala ko panaginip lang!"
"Haha so 'yun pala yung tinutukoy mong 'Magandang Panaginip'?"
"H-hindi ah. Iba pa yun!"Deny ko
"Hoy! Ang cheesy nyo! Ingay-ingay!"Nikko, Gising na pala yung iba.
"Gutom na ko! Mamaya na yan!"Kelly
"Yeaahhh~ ang sweet ng breakfast nyo ah!"Jairus
BINABASA MO ANG
The Playful Girls (On-Going)
RandomSa ating mundo... Posible bang maging mag-kaibigan ang may ibat-ibang pagkatao hanggang dulo? Posible bang hanggang dulo may halaga ang bawat isa? Posible bang habang buhay kayong magkakasama? Posible bang walang magsawa, mapagod, lumuha at uma...