Chapter 15

486 10 6
                                    

"This is just the End of a Sad Chapter not the Whole Book"

Jairus's Point of View

Lumayo ako doon sa apat na babaeng nagsi-swimming para makapag yosi ako. Ewan ko ba? Nai-stress ako kakaisip kay Nikki. Ang weird kasi. Nung gabing nasa party sila Jham. Nakita ko si Nikki na sumusuka at umiiyak tapos kagabi din.

"TULONGGGG!!!!!"

"TULONGGGG!!!!!"

"TULONGGGG!!!!!"

"TULONGGGG!!!!!"

Napatingin ako doon sa apat nung may marinig akong mga sumigaw. Nakita ko sila sa malayo at n-nalulunod s-silang apat. Gusto kong tumakbo papunta sa kanila pero hindi ko maiangat ang paa ko. Hindi ako makakilos... Hindi ako makasigaw para makahingi ng tulong dahil walang lumalabas na boses sa bibig ko... Hindi ako makagalaw. A-anong nangyayari sakin?

"HOY JAI!!!!!!!!!!!!!" Napabalikwas ako ng tayo nung may sumigaw sa tainga ko.

"Grabe! Naligo ka ba?"Jas. Hinawakan ko ang mukha ko na basang-basa ng pawis.

"Tsk! Yung prank niyo kasi!!!"

Jhamie's Point of View

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na magkakaroon na ng baby si Nikki. Alam kong nahihirapan siya ngayon at hindi niya lang pinapakita sa amin. Kahit naman ako siya, mas pipiliin kong magpanggap na okay, huwag lang sila madamay sa paghihirap ko.

"JC, Are you okay?"napatingin ako sa harap ko kung nasaan si Troy.

"Hmm?"

"Simula nung umuwi tayo, ganyan ka na. Ano bang nangyari? May problema ka ba?"Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung malaman namin ang pagbubuntis ni Nikki. Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung umiiyak siyang nakiusap samin na huwag sabihin sa boys. Nahihirapan akong itago sa kanila, lalo na kay Troy. Dahil kaibigan din namin sila, Feeling ko nagsisinungaling kami sa kanila dahil hindi namin sinasabi yung tunay na problema. Karapatan din naman nilang malaman 'yon diba? Nagmamalasakit din sila kay Nikki, at mas madaming magbibigay ng lakas ng loob kay Nikki kung lahat kami alam ang problema niya at patuloy na nagbibigay ng suporta para sa kanya.

"JC"napatingin ako sa kamay ko nang hawakan ito ni Troy.

"Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo"Hinalo ko yung spaghetti ko at saka binitawan ulit yung tinidor.

"Ayan, ginalaw ko na"Ngumiti ako ng pilit para ipakita sa kanyang okay ako.

"Alam kong pilit ang ngiti mo. At mas alam kong may problema ka"

"T-troy~"pareklamong sabi ko. pinipilit niya kasi ako eh. Gusto kong sabihin sa kanya para mas matulungan nya si Niks. Pero paano si Nikki?

"Come on, Spit it out"

"Si N-nikki......."

"B-bakit?"

"She.... S-she's p-pregnant"tuluyan ng tumulo ang luha ko, nasasaktan ako para sa kanya. Paano na ang pag-aaral niya? Siguradong hindi niya kakayanin ang pangungutya ng mga tao. Lalo na't siya ang president namin, ang top 1 namin at siya din ang valedictorian namin sa graduation.

"P-pregnant? K-kailan pa?"

"She's three weeks pregnant"

-

Pagkabalik namin sa room ay hinanap agad ng mata ko si Nikki pero wala siya kaya tinanong ko si Reine.

"Reine, nasaan si Nikki?"

The  Playful Girls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon