Kollyne's Point of View
"Pasulyap-sulyap pa kunwari, patingin-tingin sa akin 'di maintindihan~ ang ibig mong sabihin~. Kung mayroong pag-ibig ay ipagtapat mo na sa akin~ agad naman kitang, sasagutin..."
"Kanta ng mga assuming!"Sabi ng pampam na biglang pumasok sa pinto. Tsk! Basag trip naman 'to. Sabado ngayon kaya chillaks lang muna ako ngayong umaga dito sa bahay. Tinatamad akong rumonda eh, maglalaba pa ako mamaya. Pero 'tong babaeng 'to parang hindi, gumora pa dito ang init-init.
"Hindi ka ba maglalaba?"Tanong ko kay Kell.
"Hindi, bakit?"
"Haha tara? Tulungan mo ko"
"Ay, maglalaba pala ako"Kell.
"Tsk, biglang ganon"
"Hahaha~ tinatamad nga ko eh. Tapos papatulong ka pa! Kapal ng mukha mo"
"Nag-try lang naman ako. Alam ko namang hindi mo ko tutulungan"
"Haha yun pala eh~ puntahan mo si Jas dun ka patulong o kaya kay Jham"
"Naglalaba din sila ni ate Jhana tapos si Jham tatlong tao pa nga ipaglalaba nun magpapatulong pa ako"
"Edi mag-isa ka maglaba"
"Alam ko, lumayas ka na nga! Feel na feel ko yung kanta eh!"
"Talaga! Tsk! Nakalimutan ko tuloy kung ano ba yung ipinunta ko dito!"
"Masungit ka na, ulyanin ka pa! Siguro matanda ka na talaga? Baby face ka lang!"
"Ewan ko sayo~ magsama kayo ni Jas!"
"Hahaha~ Layas ka na nga KJ!"
"Ouchie! That hurts"Dinilaan niya lang ako pagkatapos niya kong batuhin ng tsinelas at saka lumayas.
"Ouch~ yung maganda kong binti! Kell talagang yon!"
-
"Minsan siya ay nakausap~ ako ay parang nasa ulap. At nang akoy kanyang titigan~ sa puso ay anong sarap. Tunay na kapag umibig~ lagi kang mananaginip~ Kapag kasama mo siya, ay ligaya na walang patid"Kumakanta ako habang nagpipiga ng mga damit na tapos ng i-washing. Parang feel ko kasi talagang kumanta ngayong araw. Si Kean kasi~ pa-fall! Ako naman 'tong si ganda? Nafa-fall! Lagi ko kasi siyang nakikitang nakatingin sakin. Hindi ko alam kung ano bang ibig sabihin 'non? O baka wala naman, assuming lang talaga ako.
"Mr.Kupido~ sa kanya'y dead na dead ako~ huwag mo nang tagalan ang paghihirap ng puso ko~"Nangangapa ako ng damit sa washing nang makuha ko yung panty ni Mama. Bakit nandito 'to? Naawa tuloy ako. Puti pa yata 'to dati na ngayon ay putim na. Puting nangingitim. Wala na rin yung pagka-stretchable tapos tastas na yung lace sa may garter. Iniladlad ko pa 'to dahil natatawa talaga ako. Matapon na nga 'to.
"Sayo yan?!"Nagulat ako nung marinig ko ang boses niya. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko siyang nakatingin sa panty ni mama na parang may pandidiri dahil nakataas pa ang isa niyang kilay. Whaaa! Nakakahiya!
"Hindi ah!"Piniga ko agad yung panty gamit ang isang kamay at binato ko agad doon sa batya. Anong ginagawa niya dito?
"Weh?"
"Helerrr~ ang laki-laki 'non! Magkakasya ba yun sakin?!"
"Magbe-belt"casual lang na sabi nito.
"LUMAYAS KA NGA DITO KUNG MAMBI-BWISIT KA LANG!!!"Sigaw ko. Hindi ako umaarte. Nabibwisit talaga ako. Hindi naman kasi talaga yun akin diba?! Tsk
BINABASA MO ANG
The Playful Girls (On-Going)
De TodoSa ating mundo... Posible bang maging mag-kaibigan ang may ibat-ibang pagkatao hanggang dulo? Posible bang hanggang dulo may halaga ang bawat isa? Posible bang habang buhay kayong magkakasama? Posible bang walang magsawa, mapagod, lumuha at uma...