Kelly's Point of View
"Hayyyy~ ang boring naman"Sabi ni Kolly sabay sandal sa balikat ni Jas.
"Ano kayang pwedeng gawin? "Dagdag pa ni Jas
"Kolly, mag-practice kw na ah! Ikaw ang magmi-make up samin sa graduation"Sabi ko
"Sa inyong tatlo?! Grabe huh! Ang pulubi niyo talaga!"Reklamo niya
"Bakit pa kami gagastos? Ganon ka rin naman mag-ayos, magsasayang lang kami ng pera"Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko. Sabi na eh, kikiligin yan.
"Hmm, sige na nga!"
"Jhamie"Napalingon kaming lahat sa pinto maliban kay Jham. Ano ba talagang nangyayari sa dalawang 'to? Nitong mga nakaraang araw, madalas naming mqkita ang K4 na wala si Kloid kay K3 nalang. Si Jham naman laging tahimik at malalim ang iniisip.
"Kailangan nating mag-usap"Kloid na nasa tapat na ngayon ni Jham.
"Ano na namang sasabihin mo?"Iritadong sabi ni Jham. Nagkatinginan kaming tatlo at walang nagawa kundi tumayo nalang at umalis.
Jhamie's Point of View
"Alam na ni mommy, at gusto ka niyang makausap"Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nanatiling tahimik.
"Sorry... Akala ko nagkamali lang nung una kaya nagpa-DNA ulit ako. Pero wala parin, siguro kailangan nalang talaga nating tanggapin. Hindi ko kayang itago kay mommy ang totoo lalo na't positive ang DNA niyong dalawa... Nakausap niya na ang mga kapatid mo, so I think you should ask them about the truth"Pagkatapos niyang sabihin yon ay umalis na agad siya pero ume-echo parin sa isip ko ang huli niyang sinabi 'Nakausap niya na ang mga kapatid mo, so I think you should ask them about the truth' kinakabahan ako, sobra.
* * *
Nakatingin lang ako sa pinto ng bahay. Papasok na ba ako o hindi? Anong sasabihin nila sa akin? Ano ba yung totoo? Anong mangyayari kapag nalaman ko ang lahat? Ano ba talagang nangyayari sa buhay ko ngayon???
"Ate, anong tinatanga mo diyan? "Napalingon ako kay Drake na nandito na pala sa tabi ko. Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok na sa loob. Pagpasok ko, tahimik na bahay ang bumungad sakin. Wala sila Kuya's.
"Nasaan sila kuya's?"Tanong ko
"Wala pa, baka nag-OT"Tumango nalang ako at pumasok sa kwarto ko. Humiga muna ako imbis na magpalit ng damit. Ewan ko ba, simula nung sinabi yun ni Kloid ay nawalan na ko ng focus sa lahat ng bagay. Napa-buntong hininga na lamang ako at tumingin sa litrato namin nila Kuya's at Drake na nandito sa tabi ng kama ko.
"Paano nga kung hindi kayo ang mga tunay kong kapatid?"Bigla ko nalang naramdaman ang likidong umaagos mula sa mga mata ko.
***
"Je-em gisingin mo na!"
"Ikaw na!"
"Drake ikaw na nga!"
"May ginagawa ako eh"
BINABASA MO ANG
The Playful Girls (On-Going)
RandomSa ating mundo... Posible bang maging mag-kaibigan ang may ibat-ibang pagkatao hanggang dulo? Posible bang hanggang dulo may halaga ang bawat isa? Posible bang habang buhay kayong magkakasama? Posible bang walang magsawa, mapagod, lumuha at uma...