Chapter 11

376 18 0
                                    

Khen Rivera
----
Kelly's Point of View

Mag-isa lang akong nakatambay ngayon dito sa corridor. Si Kolly kasi nasa CR nagre-retouch, si Jham kasama si Troy nasa cafeteria, si Jas naman, ewan ko dun bigla nalang nawawala. Ang tagal-tagal naman kasibni Kolly eh! Lagot talaga yun sakin pagbalik niya dito! Wait lang daw? Pero napakatagal! Tsk ayoko sa lahat naghihintay eh!

"Nandiyan na ang K4!!!"Tsk! pampa-bad vibes pa lalo 'tong mga babaeng 'to eh! Kung makatili akala mo wala eskwelahan parang nasa concert! Parang yung mga yun lang eh, ano yun? Araw-araw silang ganyan pag dadating ang K4? Saka malamang sa malamang nandiyan talaga ang K4 dahil breaktime na at wow talaga huh? Bigyan na ng red carpet nahiya pa eh lahat na nga ng mga estudyante nagtatabihan kapag dadaan na sila eh. Mga gunggung talaga! Pero teka? Sino yung isa? B-bakit may kasama silang isang anghel? A-anong anghel?! Kelly magtigil ka ! Anong sinasabi mo huh!!!

"Kelly Girl!!!"

"O-ohhh?!?"bumalik ang diwa ko dahil sa sigaw ni Kolly, pagkakita ko ay nasa harap ko na yung a-apat.

"Kurt, na-love at first sight ata sayo 'tong isang 'to oh?"Khen

"Anong love at first sight ang sinasabi mo diyan?"Inis na sabi ko kay Khen.

"Aish mga babae talaga"

"Bak love at third sight?"Kean

"Ha-ha-ha joke ba yon? ha-ha"sarcastic na sabi ni Kolly

"Tsk kung dadaan kayo, dumaan na kayo hindi yung binu-bwisit niyo pa kami"bugnot na sabi ko

"Mas masaya mang-bwisit kesa maglakad"Kean
"Pwede ba?! Ang daming tao dito bakit ba laging kami ang trip nyo?!"nauubos na kasi talaga pasensiya ko eh!

"Pakipot pa, eh kung makatitig ka nga kanina kay Kurt eh pffft"Khen

"Na-inlove lang yan tol sa bagong hair style ni Kurt"Kian

"Na-inlove? Huh! Kadiri naman, mukang pugad sinong hindi mapapatitig eh mukang tanga?"mukang nagalit si Kurt sa sinabi ko, but i dont care.

"Really?"Kloid while grinning at saka lumingon kay Kurt. Bigla nalang akong kinabahan sa naging tinginan ni Kurt at Kloid. Halos lahat nang tao dito ay nasa amin na ang atensyon, unti-unting lumapit si Kurt sakin .

"A-anong gagawin mo?"i said, almost whispering. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko habang nakatitig sa mga mata ko at biglang hinalikan ang pisngi ko. Automatic na umangat ang kamay ko at saka sinampal si Kurt . Lahat ay nagulat sa ginawa niya pero mas nagulat sila sa ginawa ko lalo na ang K4. Maging ako naman ay nagulat din dahil akala ko iba si Kurt sa K4. Akala ko kahit papaano may konting kabaitan si Kurt pero nagkamali ako.

"First time mo bang masampal? Dapat lang yan sa tulad mo bastos!"sigaw ko na parang konti nalang ay tutulo na ang luha ko.

"You're over acting! sa pisngi lang naman, you dont need to slap him. You're lucky to have his kiss!"Khen

"Lucky mo mukha mo!!! Gago!!!"sigaw ko sabay alis na doon, si Kolly naman ay mukhang ngayon lang natauhan.

"Ang pa-panget nyo!!! Pwe!!!"Kolly

The  Playful Girls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon