Chapter 23

120 6 2
                                    

Drake Young
----
You are Kliona Mae . You are my sister ... My long lost sister.

Hindi ko alam kung anong klaseng trip ba yun ni Kloid pero hanggang ngayon ay hindi parin iyon mawala-wala sa isip ko. Kahit sabihin ko sa utak ko na huwag ko ng intindihin , bakit nandito pa rin?

"Ate! Nakita ko na 'yung panyong hinahanap mo! Ito ba yon? Haha dapat may reward ako ah!"Nakatingin lang ako kay Drake na nakasandal sa pinto ng kwarto ko habang proud na proud na nakangiti sakin.

"Matagal ko nang nakita yan , baliw!"Nawala naman ang malapad niyang ngiti at binato sa akin yung panyo. Hindi ko iyon nasalo pero nahulog lang naman sa tabi ko. Kinuha ko ito at pinagmasdan.

Kliona Mae

Napabuntong hininga na lamang ako habang dinadama sa aking daliri ang nakaburdang pangalan. Kaya ba ganon siya ka-interesadong malaman kung sa akin ba talaga itong panyo? Posible bang totoo yung sinasabi niya? Posible bang mangyari iyon? Dapat ba hindi ko nalang nakita itong panyong 'to? Napabuntong hininga na lang akong muli at napag-pasiyahang lumabas para magpahangin. Ang lamig pero ang sarap ng simoy ng hangin 6:30 PM palang naman kaya pwede pa kong maglakad-lakad. Bago ako mapalayo sa bahay ay napalingon ako sa harap ng terrace at nagunita ang lalaking natutulog dito noon , iyon na ang huling beses na nakita ko siya . Kamusta na kaya siya? Namimi--- Ay! galit nga pala ako sa kanya . Muli ko nalang itinuon ang tingin sa panyong hawak ko at inalala ang huling sinabi sakin ni Papa sa ospital bago siya mamatay .

Anak, huwag na huwag mo itong iwawala . Napakahalaga nitong panyong 'to para sayo. Mas makikilala mo ang tunay na ikaw dahil dito . Mahal na mahal kita anak .

"Papa , Sana nandito ka . Naguguluhan na ako" Nakapikit na bulong ko sa sarili . Gulong-gulo na ang utak ko ngayon, ilang linggo na lang ay graduation na rin nakakainis imbis na maging masaya na ay bakit ganito pa ang mga iniisip ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may malakas at paulit-ulit na busina ang narinig ko mula sa likod ko kaya napatingin ako dito .

"Hey baby sister! Gabi na , umuwi ka na baka sipunin ka!"Sigaw ng lalaking nakalitaw ang ulo sa bintana ng kanyang kotse. Hindi ko man ito makita dahil sa liwanag na nakatapat sa akin ay alam kong siya yon. Boses palang niya ay ikinakapintig na ng tenga ko pero ano daw? Sinapian ba siya?

Hindi siya ganito nung malaman niyang kapatid---- No! Hell no! I mean hindi siya ganito nung huli kaming nagkita at nag-usap tahimik lang siya non at hindi masyadong nag-uusap . Hindi ko napansin na nasa harap ko na siya at naramdaman ko nalang na inilagay niya sakin ang jacket niya.

The  Playful Girls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon