Chapter 1

1.6K 34 6
                                    

Jhamie Czarine Young
----
Jhamie's Point of View

Nakaupo lang kaming apat dito sa rooftop sa isang bakanteng building dito sa SZU (Sphinx Zephyr University) . Napakalaki nito at ganda para mapansin pa ng ibang mga estudyante dito ang lugar na ito kaya since kami lang naman ang nakaka-appreciate sa lugar na ito edi gawin nalang naming hide out . Dito kami palaging tumatambay apat kapag break time , dito na rin namin kinakain yung mga baon namin dahil mahal naman sa cafeteria . But to be honest kaya din walang pumupunta dito dahil ginawan namin ng usap na may multo dito tapos kapag may pupunta tinatakot namin para di na sila bumalik para solo talaga namin 'to . Alam naming masamang magsinungaling pero wala namang ibang taong napapasama pati aba, nililinis namin 'to no! Kaya kung may pupunta lang na iba eh mauuwi sa wala ang paghihirap namin .

"Jhamie!" Kelly
"Bakit?" medyo iritadong tanong ko, nakakagulat kaya!
"May papunta dito" Kollyne
"Oo nga, tara na dali!" excited na sabi ni Jasmine agad naman kaming nagtago at sinilip kung sino ba ang naglakas ng loob na pumunta dito pero nagulat kami ng makitang si Troy pala ito. Bakit siya nandito?

"Uy, si Troy yan ah?" bulong ni Kollyne

"Oo nga no? Ano naman kayang ginagawa nya dito?" Jasmine

"Aba ewan namin! Bakit kami tinatanong mo?" Kelly

"Ikaw ba tinatanong ko? Si Jhamie kaya" Jasmine

"Haha huwag na nga kayong maingay! Akin na yung pambato natin" ako, sabay kalabit kay Kolly, nasa kanya kasi yung sirang hawakan ng dustpan. Pinasa niya ito kay Kell at pinasa naman ni Kell kay Jas .
"Ohh" Jasmine sabay abot sakin.

Binato ko malapit sa pinagkakatayuan ni Troy yung tangkay nung dustpan. Nakatalikod naman siya samin kaya hindi niya kami nakita. Pero bakit parang hindi man lang siya natakot?

"Ang tapang naman ni Troy . Bakit 'di man lang sya natakot?" nakangusong sabi ni Jas

"Yan ka na naman kakatanong! Puntahan mo kaya siya! Doon ka magtanong" pabulong ngunit asar na sabi ko , nakakaasar kaya na parang wala lang yung pananakot namin.

"Hahaha tapos kapag sumagot kami sasabihin mo hindi kami tinatanong mo"Kell

"Hahaha oo nga parang engks!" Kolly

"Bakit nyo ba ko inaaway?" Jas na parang iiyak na .

*BOOOGSH*

"Ayy palakang kokey!"
"Oh my god!!!"
"Whaaa~ may multo!"
"Ayy mamamatay ka na!!!"

Napasigaw kaming lahat nang bumalik samin yung binato namin kanina kay Troy tapos may nakita kaming lalaking nakatayo sa harap namin na halos mamatay na sa kakatawa . Sinamaan naman namin siya ng tingin .

"Nakakagulat ka pa nga!" Kell
"Kaya nga! feeling kasi nakakatuwa!" Kolly
"Whaaa! Akala ko tuloy may multo talaga" Jas, habang si Troy ay hindi pa rin tumitigil sa kakatawa.

"Hahahahaha kayo nga pffft nauna eh. hahahahaha" Troy
"Hindi ka naman nagulat!" ako
"Kahit na hahahaha nakakatawa mga itsura nyo! hahah tatakutin nyo pa ko huh? hahahaha" Troy

"Ay oo nga pala ! Bakit hindi ka natakot Troy?" Ang kanina pang gustong malaman ni Jas .

"hahahaha syempre! matagal ko ng alam na kayo lang yung nananakot dito!' Troy
"Paano mo nalaman ?" Jasmine
"Long story" sabay tawa ulit nito
"Kailan ka pa dumating galing Paris?" Kolly
"Ah last night lang" Hindi man lang nag-text ang loko . Oo nga pala si Troy Park ang magiting kong manliligaw two years and four months na syang nanliligaw sakin. Bestfriends kami since grade six, so six years na kaming mag-kaibigan kaya matagal ko na talaga siyang kilala gusto ko lang makasigurado na siya na ang MY FIRST AND LAST BOYFRIEND .

The  Playful Girls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon