Chapter 18: Return

1.5K 29 3
                                        


Ang plano kong pananatili ng isang linggo sa Bukidnon at muling pagbalik sa La Trinidad pagkatapos noon ay hindi ko nagawa. Bukod kasi sa talagang naghigpit si Daddy sa akin dahil sa aking nangyaring pagpuslit ko papunta sa lugar ay nagsimula na rin kasi akong pumasok sa kumpanya.

Our family is into Aviation Industry mula pa sa Lolo ko. Our richness didn't came from old-money like any other rich families here in Bukidnon like the Monte Verde. Ang lahat ng meron kami ngayon ay dahil sa dugo at pawis ng lolo ko, ng mismong ama ni Daddy. My grandfather is the best example of rug to riches kind of person na hanggang ngayon ay pinagpapasalamat ko. Kasi kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko matatamasa ang lahat ng meron ako ngayon.

Ayon na rin kay Daddy ay bago mangyari ang aksidente ko ay palagi raw naming pinagtatalunan ang tungkol sa negosyo. That time Kuya Ryan is still out of the picture, kaya naman talagang walang choice ang ama ko kundi ang i-train ako para sa pamamahala ng kumpanya. When Dad told me that, I understand how important our business is. Kaya naman kahit pa wala pa rin talaga akong interest sa pagpipiloto o sa negosyo ay nagawa ko pa rin itong aralin.

After my graduation and obtaining my license as a professional pilot, Dad never forced me to work for our company. Sabi nga niya i-enjoy ko muna ang kung anong meron ako, pero sa oras na kailanganin ako ng kumpanya ay kailagan kong sumunod. Hindi rin naman big deal yon dahil nandito na rin naman si kuya Ryan kahit pa abala ito sa kanyang banda ay talagang hands on din naman ito sa kumpanya bilang COO ng aming Aviation.

But unexpected things really happen. Isang araw kasi matapos kong bumalik galing La Trinidad ay nagkaroon ng mild heart attack si Daddy. Because of that Dad was force to step down on his positon. Kuya Ryan take it over and become the CEO of our company habang ako naman ay humalili sa pwesto niya.

It's not easy. Kahit pa lahat naman ay naituro na ni Dad sa akin noon ay iba pa rin pala pag nasa aktuwal na trabaho ka na. Hindi ko rin naman maabala palagi si Kuya dahil bukod sa kumpanya ay alam kong inaalala rin niya ang eskandalong kinasasangkutan ng kanyang banda.

I was sitting in my swivel chair inside my office while reading some documents that needed to be signed before the day's end when my phone suddenly rang. "Wow! Pogi natin dyan ah. Muka kang kagalang-galang sa coat mo Ry." bungad sa akin ni Reggie matapos kong sagutin ang video call sa group naming magkakaibigan.

Nagtawanan naman sila Ezra at Jarred dahil sa kalokohan ni Reggie. Pare-pareho kami ngayong apat na nasa kanya-kanyang opisina. Ako at si Ezra ay nasa Bukidnon habang si Reggie at Jarred naman ay nasa Manila. Si Rowan naman na isa pa rin naming kaibigan ay hanggang ngayon ay nasa America pa rin dahil sa naging problema sa family business nila. Gustuhin man naming lumabas at magkita-kita ay hindi rin namin magawa kaya naman nakuntento na kami sa pagtatawagan kahit pa puro kalokohan lang naman ang nalabas sa bibig ng mga kaibigan ko.

"Gago, kamusta naman yang barong mo ano. Kulang na lang ang kape at tinapay ah." ganting asar ko naman sa kanya na siya kinahagalpak naman ng tawa ng iba pa naming kaibigan sakto pa ang pagpasok ni Rowan sa group call kaya naman lalo pa itong nag-ingay.

"Bad trip naman kasi si erpat eh. Opening lang ng bagong hotel branch dito sa Maynila kailangan naka barong pa." nakasimangot naman na tugon ni Reggie. Hindi natigil ang asaran at kamustahan sa pagitan naming lima. Kahit papaano ay talagang gumaan din naman ang pakiramdam ko kahit pa napakadami ko pa ring tambak na trabaho.

"Kelan pala ang uwi mo sa Pinas Rowan?" tanong ni Ezra sa aming kaibigan. Mahigit isang taon na rin kasi itong namamalagi sa US at hindi pa uli nakakabalik sa bansa.

Kinuha naman muna ni Rowan ang isang folder mula sa kung sino marahil ay kanyang sekretarya saka ito pinirmahan bago muli ibinalik bago ito muling nagsalita. "By this week uwi ako dyan bro. Medyo nagiging stable na rin naman ang negosyo rito. But I will only stay there for two to three weeks. Kailangan ko rin kasing pumunta sa UAE after that. A-attend lang ako sa kasal ni Gavin. Tinawagan ako nung isang araw eh sakto naman na pauwi rin ako." mahabang paliwanang naman nito.

MVGS01: LOST (COMPLETED)Where stories live. Discover now