"Good morning asawa ko." may paglalambing kong bati kay Ara. She is still in our bed peacefully sleeping. Marahil napagod sa halos magdamag naming paiisa kagabi. What can I do? Ako ba naman ang magkaroon ng ganito kaganda at ka-sexy na asawa eh di talagang hindi mo titigilan. Kung hindi ko nga lang nakita na sobrang pagod na siya baka hindi pa nga kami natapos.
It's been exactly two months since she officially became Mrs. Apollo Riley Falcon. Pero magkaganon man, sa tuwing makikita ko siya sa umaga sa pagmulat ng aking mata ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang babaeng sobrang kinaiinisan ko lang noong unang beses kaming magkita, ngayon ay siyang buhay ko na.
We are still leaving here in Bukidnon. Bumili lang ako ng sarili naming bahay para sa aming mag-asawa pero parehong thirty minute distance travel lang naman sa mga bahay namin. Dad also gave me two months of leave from work, yun nga lang ay kabilin-bilinan na kailangan bago ako bumalik sa trabaho ay meron na siyang apo sa akin, at kung hindi raw ay itatakwil daw niya ako. Natatawa na lang tuloy ako sa tuwing maalala ko yun eh. Pero siguro naman sa inaraw-araw naming pag-iisa ni Ara may nabuo na naman siguro kami. Sana lang nga, kasi kahit ako excited na ring makita ang mini version Ara or mini version ko.
"Uhmmm... good morning Pa." inaantok pang bati ni Ara sa akin habang ang mata ay nananatiling nakapikit. We actually start calling each other 'Ma and Pa' since we get married para pag dumating na ang mga anak namin ay iyon ang makakasanayan nilang itawag sa amin.
"Happy monthsarry Ma." bati ko naman sa kanya sabay halik sa kanyang mga labi. Kahit ata maya't-maya kong halikan ang asawa ko ay hindi ako magsasawa. Her lips are like a drug; once you taste them, it's so hard to resist. Ang dapat na mabilis na halik na plano ko lang sa kanya ay lumalim ng tugunin at simulan niyang sabahay ang bawat galaw ng mga labi ko.
My member down there immediately woke up because of what she did, at kung hindi kami titigil baka imbis na ang inihanda kong breakfast in bed ang kainin niya baka siya ngayon ang gawin kong breakfast in bed na literal.
Marahan akong lumayo sa kanya matapos ang ilang minutong paghihinang ng aming mga labi. Marahan ko rin inangat ang kamay upang haplusin ang kanyang mamula-mulang pisngi. "I cooked breakfast for you Ma." wika ko sabay baling sa maliit na lamesa na nasa side table namin. "Breakfast in bed." nakangiting dugtong ko pa.
Naupo naman ito ng maayos sa aming kama at dahil nga sa mga aktibidades namin kagabi ay nanatiling walang saplot ang mahal ko, kaya naman ng makaupo ito ay ang damit na hinubad ko kagabi na nasa ibabaw ng kama ang mabilis niyang isinuot. Inamoy-amoy pa nga niya ito ng ilang sigundo pa bago ako muling hinarap. Ewan ko ba rito kay Ara kung bakit ang mga damit ko ang hilig niyang isuot ngayon kahit pa ang dami-dami naman niyang damit.
Nang makita ko na maayos na siyang na pwesto sa ibaba ng kama ay maingat ko namang kinuha ang maliit na lamesa na naglalaman ng mga pagkain na niluto ko para sa kanya at inilagay ito sa kanyang harap.
Agad naman niyang sinimulan ang pagkain ng ham at bacon na hinanda ko maging ang sinangag na niluto ko para sa kanya. Nakailang sunod-sundo na subo na siya ng mapansin niya na nakatitig lang ako sa kanya habang nakangiti.
Marahan naman niya iniangat ang tasa ng hot chocolate at simimsim ng sapat para maitulak ang pagkaing naiwan sa kanyang bibig. Matapos iyon ay muli siya tumingin sa akin, "Bakit hindi ka nakain?" takang tanong pa niya ng mapansing ang pagkain na nasa kanyang harapan ay talagang nakalaan lang para sa kanya.
"Mamaya na ako kakain. Hindi pa kasi tapos kumain ang gusto kong kainin eh." deretsong sagot ko naman habang nakatitig sa kanyang manipis at mapupulang mga labi. Para tuloy akong nauhaw dahil doon.
Sinimangutan naman ako ni Ara bago muling sinimulan ang kanyang pagkain. "Ikaw Apollo kaaga-aga puro kalibugan ang nasaisip." wika pa nito habang ngumunguya. Napakasarap niya talagang kumain, kaya hindi na nakapagtataka kung bakit medyo dumagdag ang timbang niya eh. Mukhang hindi naman niya iyon napapasin kaya hindi ko na lang din binabanggit, baka magalit pa siyang bigla. Wala naman problema sa akin kung tumaba ba siya. She is beautiful in my eyes, payat man o madagdagan man ang kanyang timbang.
YOU ARE READING
MVGS01: LOST (COMPLETED)
RomantiekAfter Arabella Channel lost her mother, it seemed that the whole world crumbled before her until her long-lost father appeared and decided to take her to his province, Bukidnon. Despite her hesitation, Arabella had no choice but to go with him, the...
