After Arabella Channel lost her mother, it seemed that the whole world crumbled before her until her long-lost father appeared and decided to take her to his province, Bukidnon. Despite her hesitation, Arabella had no choice but to go with him, the...
A/N: This scene is somehow connected in my Pentagon Series 4 pero hindi ko pa po na uupload ito. Hindi naman siya makakaapekto sa story ni Ara and Apollo. I just want to give some highlights sa magiging story ni Ryan in the future. That's all and enjoy reading.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
----Apollo Riley Falcon----
Four Years Later
"Happy Birthday Bro!" magkakasabay na sigaw nila Ezra, Reggie at Jarred kasama ang ilan pa sa aming mga kaibigan dito sa Bar na pagmamay-ari mismo ni Jarred matapos kong pumasok sa VIP room kung saan naroon sila. Hawak ni Reggie and isang cake habang papalapit sa aking kinaroroonan. Puno ang silid ng naparakaraming pagkain at umaapaw din sa mga alak. Puno rin ang lugar ng mga kaibigan namin. May ilan pa ngang hindi ko kakilala pero okay lang din naman sa akin. We are here to celebrate and to enjoy after all.
It's my twenty-seventh birthday. Usually ay hindi naman ako nagse-celebrate ng kaarawan ko o ng kahit anong okasyon, simpleng inom lang kasama ang mga kaibigan ay sapat na sa akin, iyon ang kwento ng mga kaibigan ko. But after I woke up eight months after my accident, I learn how to celebrate and appreciate every single events in my life. Hindi rin kasi natin alam kung hanggang kelan na lang ba talaga ang buhay natin.
Matapos kong magising mula sa pagkaka-coma ko ng walong buwan ay tila ibang mundo na ang ginagalawan ko. Wala ni isa ang pamilyar sa akin. Ultimong pangalan ko nga ay hindi ko alam noon. But with the help of my friends, my father and my half-brother which happen na natagpuan ni Daddy noong mga panahon na wala akong malay. I slowly adjusted in my new life. Wala pa man ni isang bumabalik sa aking ala-ala pero naniniwala akong darating din ang tamang panahon para muli iyong bumalik.
At first I really tried to remember everything. Dahil alam ko kung ano man ang mga ala-alang nawala sa akin ay lahat ng iyon ay mahalaga. But after the last time I tried to gathered all my lost memories and I passed out, sinabi ng doctor na kung muling mauulit iyon ay may tendency na tuluyan ng mawala ang mga ala-ala ko at hindi na ito bumalik pa kahit kailan, kaya mula noon I take everything easy. Kung may ala-ala man na bumalik sa akin ay maganda, kung wala naman ay patuloy pa rin akong mag-aantay hanggang sa bumalik ang mga ito.
"Thank You Bro!" masayang sagot ko naman sa kanila bago ko hinipan ang sindi ng kandila sa cake na bitbit ng kaibigan ko. Everyone greeted me. Some of them also give their gift which is not necessary. Lumapit din sa akin si Kuya Ryan sabay yakap sa akin.
"Happy Birthday Bro!" bulong nito sa akin habang nananatiling nakayakap sa akin at tinatapik-tapik ang aking likod.
"Salamat Kuya" nakangiti ko naman na tugon sa kanya. Kuya Ryan happened to be my Dad's child to their previews maid before. Isang taon lang din ang tanda nito sa akin. Ayon sa kwento ni Daddy ay may nangyari raw sa pagitan nila ng babae isang gabi nang umuwi siyang lasing na lasing galing sa isang party. Akala ni Daddy noon ay nanaginip lang siya na may katalik dahil paggising naman daw niya ay wala naman daw siyang kasama sa kanyang silid. But few months after that, umalis daw ang babae ng walang paalam. After my accident at kinailangan akong manatili sa Manila for my recovery ay muling nagtagpo ang landas nilang dalawa sa ospital kung saan ako namamalagi. That's the time that Kuya Ryan's mother tells everything.