Chapter 17: Failed

1.5K 28 6
                                        


Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pangalan ng babae hanggang sa makarating ako sa aming tinutuluyan. Nang dumating ako sa rest house ay nadatnan ko rin sa kusina ang tatlo habang nagkakape at nagkukwentuhan habang nakapaikot sa maliit na mesa kaya naman inabot ko na rin sa kanila ang pandesal na binili ko kanina.

"Ang aga mo naman Bro. San mo naman nakuha ito." takang tanong ni Ezra matapos kong ibaba sa lamesa ang tinapay.

"Hindi na ako makatulog kaya naglakad-lakad nalang muna ako sa labas." simpleng tugon ko naman habang nakuha ng juice sa loob ng ref. Matapos makakuha ng aking pakay ay naupo na rin ako sa mesang kanilang inuokopa.

"Sarap nito Ry. San mo to nabili?" muling tanong naman ni Reggie habang nananatili sa bibig ang tinapay.

"Dyan lang sa may kanto." walang ganang sagot ko naman. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang babae kanina at kung saan siya muling makikita kaya naman ang atensyon ko ngayon ay wala sa mga kaibigan ko.

Ibinaba naman muna ni Jarred ang kanyang tasa ng kape bago ako nito hinarap. Marahil ay napansin din ang kawalan ko ng atensyon sa kanila. "Anong nangyari sayo Ry? Bakit parang wala ka sa sarili mo?" hindi na mapigil na tanong nito. Dahil doon ay nakuha rin niya ang atenyon ng iba ko pang mga kaibigan

"Bro may picture ka ba nung Ara?" tanong ko naman dito imbis na sagutin ang kanyang tanong. Malakas kasi talaga ang pakiramdam ko na kilala ko ang babae kanina. Ayaw ko lang umasa pero malaks talaga ang kutob ko.

Sabay-sabay naman ang pag-iling ng tatlo. "Bro wala talaga eh. Kahit ikaw ang alam namin ay wala kayong naging picture dalawa. More than a month pa lang ng makilala natin si Ara bago siya mawala sa Bukidnon. Lahat din naman ng picture niya sa social media ay pinatanggal din ng mga Monte Verde ang alam ko." mahabang paliwanag naman ni Ezra.

"Teka bakit mo natanong? May naalala ka na ba?" excited na tanong naman ni Reggie sa akin.

Isang iling lang naman ang ibinigay ko sa kanila na siya ikinabaksak din ng kanilang mga balikat. Kahit kasi sila alam kong yun lang din ang gusto. Ang bumalik ang mga nawala kong memorya.

"May nakita ako kanina, isang babae, actually nakita ko rin ang babae kahapon. Hindi lang kasi mawala ito sa isip ko." pag-amin ko naman sa kanila. Talaga kasing bibigay na rin ang isip ko kung sasarilin ko ito at hindi ko ito sasabihin sa kanila.

"Babae?" sabay-sabay nilang tanong na sinagot ko naman ng isang tango.

"Maganda ba?" si Jarred na talagang inilayo na ang tasa ng kape para lang ibigay ng buong-buo ang atensyon sa akin.

"Oo..." alanganing ko namang sagot.

"Ahh... kaya hindi mawala sa isip mo. Maganda pala eh. Wala ka talagang pinagbago Ry kahit na may amnesia ka. Basta maganda hindi ka mapakali." iiling-iling naman na turan ni Reggie habang sumisimsim sa kanyang kape.

Agad ko naman itong binatukan sa ulo dahil sa kanyang sinabi. "Gago! Wala akong gusto don. Talagang hindi ko lang maalis sa isip ko yung babae. Ewan ko ba hindi ko maipaliwanag." depensa ko naman sa sarili ko.

"Nakuha mo ba ang pangalan?" seryosong tanong naman ni Ezra.

"Red" simpleng sagot ko naman sabay inom sa juice na hawak ko.

"Red what? Red tag?" segundang tanong naman Reggie.

"Red flag?" si Ezra naman ng manatili akong tahimik.

"Ahh... baka Red tide." pagsakay naman ni Jarred sa kalokohan ng iba pa namin kaibigan.

"Hindi ko alam. Basta Red ang pangalan yun lang ang alam ko." naiirita ko na ring sagot. Imbis kasi na makatulong parang lalong nagulo ang isip ko dahil sa mga to.

MVGS01: LOST (COMPLETED)Where stories live. Discover now