Chapter 23: Truth

1.5K 23 1
                                        


Kasabay ng pagpasok ni Rowan ay siyang pag dating din naman ng mag-iina ni Mang Kadyo. Matapos kasing mamatay ang lalaking ay pinili nilang bumalik sa dati nilang tahanan dahil sa takot kahit pa mas maganda naman ang buhay na maibibigay sana ng mga Monte Verde rito. Ginawa na lang na scholar ni Gov. Robert ang mga bata para kahit papaano ay masiguro ang pagtatapos ng mga ito. Ang may bahay naman ni Mang Kadyo ang hindi na rin tinanggihan ang konting pera na binigay ni Tito Raul noon na ginawa naman nitong puhunan para sa kanilang maliit na tindahan.

"Magandang gabi ho sa inyo." nahihiyang bati ng ginang ng madatnan niya kaming nag-uusap-usap pa rin sa may sala.

Agad namang tumayo ang mga kaibigan para mabigyan ng pagkakataong makaupo ang mga bagong dating.

"Magandang gabi rin sa inyo. Pasensya na nga pala at gabing-gabi na pinatawag ko pa kayo rito." gating bati naman ni Tito Raul sa kanila.

"Wala hong kaso Don Raul. Malaki ho ang naitulong ng pamilya Monte Verde sa aking pamilya. Maliit na bagay lang ho ito. Kung may maitutulong ho kami sa pinag-uusapan niyo ngayon ay buong puso po kaming tutulong na mag-iina." nakangiting turan pa nito na siya namang ikinatango ng mga anak niya.

Isang malalim na butong hinina naman muna ang aking ginawa bago ako naglakas ng loob na sabihin dito ng tunay na pakay namin. "Manang sa katunayan ho ay may kinalaman kasi ho sa pagkakapaslang sa asawa ho ninyo kaya ho namin kayo pinatawag." panimula ko habang tinitingnan ang reaksyon ng pamilya ni Mang Kadyo. "Alam ho namin na hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ho kayo ng hustisya sa pagkawala niya. At handa ho namin kayong tulungan, hindi naman ho kami tumigil magmula pa noon. Malakas ho kasi ang pariramdam namin na may kinalaman ang taong nagpadala ng death threat kay Ara ngayon sa taong nasa likod ng pagpatay kay Mang Kadyo noon. Kaya kailangan ho sana namin ang tulong ninyo." mahabang paliwanag ko pa rito.

Mababakas naman ang pinaghalong lungkot at takot sa mga mata ng ginang, pero sa huli ay nagawa rin kaming tulungan. Pinilit niyang balikan sa kanyang ala-ala ang mga huling sandili noong nabubuhay pa si Mang Kadyo.

"Kaarawan ho noon ng ate ko na nakatira sa karatig bayan kaya ho ng araw ho bago mabaril si Kadyo ay nagpunta ho kaming mag-iina roon. Naiwan ho sa bahay si Kadyo at ang bunso namin dahil hindi pa naman ho nakakalakad ng ayos noon ang asawa ko. Masyado rin hong malapit ang bunso ko sa kanya kaya nagpaiwan na rin ho ito kasama ang ama. Inabot na ho kami ng madaling araw noon kaya hindi ko ho nasaksikahan ang buong pangyayari." kwento pa ng ginang habang nililingon naman ang bunsong anak na katabi nito na ngayon ay nakayuko lang.

"Karlo anak, alam kong hanggang ngayon masakit pa rin sa'yo ang pagkawala ni tatay, pero anak baka pwedeng sabihin mo sa kanila kung anong natatandaan mong nangyari noong gabing iyon. Para mabigyan na natin ng hustisya ang pagkalawa ni tatay." nagsusumamong pahayag ng ginang habang hinahaplos ang likod ng kanyang umiiyak na anak.

Napuno ng katahinikan ang lahat habang nag-aantay sa mga salitang sasambitin ng binatilyong anak ni Mang Kadyo. Pitong taon na siya ng mangyari ang insidente kaya alam naming kahit papaano ay malinaw pa rin sa kanya ang nangyari.

"Si Tatay...." panimulang turan pa lang nito pero bumuhos na ang luha ng halos lahat ng nasa sala ng mga oras na iyon. "Nung gabing iyon ho hinihintay namin sila nanay kasi magmamadaling araw na hindi pa po sila nauwi kaya sa may sala ho kami naghintay ni tatay." himihikbing pahayag nito. Pero sa kabila man ng wala patid na pagluha niya ay nagawa pa rin niya magpatuloy.

"Nanonood ho kami noon ng TV ng bigla hong may kumatok sa pinto. Akala ko ho ay sila nanay na kaya nagmadali ho akong buksan iyon. Pero.... pero pag bukas ko ho dalawang lalaking naka maskara ho ang nakita namin." mas lalong lumakas ang pag-iyak nito dahil sa mga ala-alang kanyang binabalikan. Maging si Ara na ngayon ay yakap ko pa rin ay hindi na rin maampat pa ang pagpatak ng luha. Si daddy naman at ang mga Monte Verde maging ang mga kaibigan ko ay alam kong nagpipigil na lang din ng emosyon sa mga oras na ito at any time ay bibigay na rin dahil sa kwento ng bata.

MVGS01: LOST (COMPLETED)Where stories live. Discover now