After my epic proposal, we all go to Home Run Club owned by Jarred. Hindi lang sa Bukidnon nakatayo ang club niya. Sa paglipas ng taon ay mas lumawak pa ito at nakapag branch out na rin maging sa Manila at sa iba pang lugar.
Everyone was happy for us. Bumaha rin ng alak kahit pa hindi pa naman bukas ang club para sa iba dahil alas-singko pa lang ng gabi. We're currently staying in the VIP room on the second floor, the same place where Ara and I did the dare before. Dahil nga ata sa dare na iyon kaya lalo akong nabaliw sa mahal ko na ito eh. May gayuma ata ang labi niya kaya hindi na ako lalo nakaahon sa kanya.
"Bro, anong plano? Kelan ang kasal?" excited na tanong ni Rowan. Marahil nais na ring malaman para kung sakali ay maayos niya ng maaga ang schedule niya sa US. Naiintindihan ko rin naman siya. Sa ngayon ay talagang hindi na kami katulad ng dati na anytime pwedeng makita-kita. We have our own lives now. May mga responsibilidad na kailangan naming gampanan.
Inubos ko lang naman muna ang laman ng aking baso bago ko siya nagawang harapin. "We don't know yet. Kung ako lang a soon as possible sana. But of course, we still need to discuss it with the elders." sagot ko naman sabay halik sa sintido ni Ara na ngayon ay kasalukuyang nasa tabi ko.
Tatango-tango lang naman ang lahat, but Rafael suddenly remember something. "Eh Kuya hindi ba maging problema ang dahilan ng pagtakas niyo noon ni ate." alanganing tanong naman nito.
Ara looked at me, tila nagtatanong kung ano ba ang sinasabi ng kapatid niya. I had no choice but to tell her the truth. Nababakas ko naman ang pangamba sa kanyang mukha kaya naman mahigpit ko na lang siyang niyakap.
"What if magkapatid nga tayo? Anong gagawin natin?" hindi na rin mapigil na tanong ni Ara sa akin.
I know that despite her situation, maybe her brain forgot everything, but her body remembers our love for each other. Dahil sa tuwing niyayakap ko siya at ginagawaran ng halik ay tumutugon naman ito.
"Babe, we're not siblings okay. Ang paniniwalan natin ang huling sinabi na Mama noon. You are a Monte Verde, and you will only become a Falcon once we get married. Do you understand?" buong kumpyansang turan ko naman sa kanya.
To make her feel more at ease, we both call our father. Sinabi namin sa kanila ang aming plano and they agreed to tell us the whole story about the two of them, and of course , together with Ara's mother.
Nauna na kami umalis sa club kasama ang dalawa pang kapatid ni Ara. Dumeretso na rin kami sa Villa Monte Verde dahil sinabi ng mga ama namin na doon na lang nila sasabihin ang buong katotohanan.
Wala pang kalahating oras at narating na rin namin ang bahay nila. Ang dalawang matandang lalaki naman ay naabutan namin sa may sala na parehong may hawak ng baso ng whiskey, they are discussing about something. When Raul Monte Verde saw us, he gestured for all of us to take a seat, which we followed immediately.
We all sit on the long couch while our dads are both sitting in the single-setter sofa. Tahimik ang lahat. Ilang minuto rin ang lumipas at walang nagsasalita kahit na sino sa aming lahat. It was Raelyn who broke the silence, "Dad, ano po ba ang totong nangyari dati? Rafael and I both know that you never loved our mother. Tanggap naman na namin yun at hindi na rin namin hinahangad pa na makita pa siya. But, how about Ate Ara's mom?" tanong nito sa ama.
"I and Anabelle are friends." it was Dad who started telling their stories to us. "Hindi pa kami mayaman noong panahon na iyon. Magkaklase kami sa isang public school nong high school kung saan ko siya nakilala." dugtong pa nito. Pero tila hindi na rin magawang ituloy ang kwento dahil sa pagiging emosyonal matapos maalaala ang babaeng minsan nilang minahal.
YOU ARE READING
MVGS01: LOST (COMPLETED)
Storie d'amoreAfter Arabella Channel lost her mother, it seemed that the whole world crumbled before her until her long-lost father appeared and decided to take her to his province, Bukidnon. Despite her hesitation, Arabella had no choice but to go with him, the...
