Epilogue

2.9K 27 20
                                        

Losing is someone is really hard to accept. But losing your other half is like you are also dying with them. Kung hindi nga lang sa mga anak ko baka unang araw pa lang na wala si Ara ay sumunod na ako sa kanya.

Noong mga oras na sabihin sa akin ng mga doctor na wala na ang asawa ko ay talagang gustong-gusto ko nang sumunod sa kanya. Kundi hindi ko nga lang narinig noon ang iyak ng kambal ko ay baka matagal na akong wala sa mundo.

Tatlong taon. Tatlong mahahabang taon ang lumipas pero kahit papaano ay nagawa ko namang umusad, o mas tamang sabihin na pinilit kong umusad. Kahit mahirap ay araw-araw akong bumabangon hindi na lang para sa akin kundi lalong higit sa dalawang anghel na meron ako. Gaya na lang ngayon. Alasais pa lang ng umaga pero kung ano-ano na ang meron sa aking mukha dahil sa pinag-gagagawa ng mga anak ko para lang gisingin ako.

"You wook pweety papa." humahagikhik na wika ni Violet matapos lagyan ng lipstick ang labi ko.

"And so stwong papa." segunda naman ni Red na ang tiyan ko naman ang pinagdidiskitahang guhitan gamit ang marker na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Mukang ilang oras na naman ata ako sa banyo nito para lang mabura ang mga art work ng mga anak. Pero 'di na bale, ang mahalaga ay masaya silang dalawa.

"Papa awake na. Lesgo to mama." nakangiting wika pa ng unica hija ko.

Nasanay na rin kasi ang kambal na tuwing Sabado at Linggo ay bumibisita kami sa musoleyo ni Ara. Palaging nag lalaro ang dalawa doon at pagsapit naman ng gabi ay saka naman kami umuuwi.

Pag-uwi namin sa bahay ay naabutan naman namin doon sina daddy kasama ang ina ni kuya maging ang asawa ni Kuya Ryan ay naroon din kasama ang mga anak nito. Ang daddy naman ni Ara at ang mga kapatid nito ay dumating rin ilang minuto matapos naming dumating.

"Ginabi ata kayo Hijo." nakangiting wika naman ni daddy sa akin habang kinakawayan ang kambal para lumapit sa kaniya.

Naupo naman ako sa bakanteng upuan sa katapat niya at masayang minasdan ang mga anak ko. "Yes dad. Napasarap din kasi ng laro ang dalawa." aniko naman.

"Siya nga pala Apollo bukas na pala dadating ang taga alaga ng kambal ha. Ako na ang susundo at mag hahatid dito para hindi ka na maabala." si Kuya Ryan naman habang binibihisan si Randall ng damit dahil pawis na pawis na naman ito sa kakalaro.

"Sinabi ko naman kuya hindi na kailangan. Kaya ko naman ang mga bata." mariing wika ko pa.

Ilang beses na rin kasi naming napag talunan ito ni kuya noon. Ang gusto kasi niya ay kumuha ako ng bagong kasambahay na siyang mag-aalaga sa kambal lalo na pag kailangan kong pumunta sa opisina. Ang sa akin naman ay hanggat maari ay ako lang ang mag aalaga sa mga anak ko. Gusto kong ibuhos sa kanila lahat ng aking atensyon dahil sila na lang ang buhay na ala-ala sa akin ng aking mahal na asawa.

"I know, pero kailangan mo pa rin ng katulong sa pag-aalaga. Hindi naman ibig-sabihin na may taga alaga na ang mga anak mo ay wala ka ng gagawin. You will still do the usual. Mag-aalaga lang naman yung kinuha natin sa kambal kapag wala ka ay nasa opisina." paliwanag pa ni kuya.

Dahil mula pa sa ibang probisya ang babae at kasalukuyan nang nasa byahe ay wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa pag dating ni kuya kasama ang babae.

"Ito ang kapatid ko Caroline. Siya ang magiging amo mo. Ang dalawang anak niya ang priority mo at hindi mo kailangang gumawa dito sa bahay dahil may ibang naka toka doon." paliwanag ni kuya na siyang ikinatango lang ng babaeng nagngangalang Caroline.

"Nice to meet you Caroline. Tulog pa ang kambal, mamaya ay ipapakilala rin kita sa kanila. Ako lahat ang gagawa sa mga bata, mula sa paliligo, pagpapakain at pagpapatulog. Aalagan mo lang sila sa oras na wala ako dito sa bahay. Maari kang tumulong sa iba pag nandito ako dahil ako ang personal na mag-aalaga sa dalawa." paalala ko pa sa kanya.

Ilang minuto lang habang magkausap kami kay narinig ko naman ang pagtawag ng aking kambal mula sa aking silid. Kahit kasi maraming kwarto dito sa bahay ay mas pinili kong sa tabi ko sila palagi natutulog.

Madali kong pinuntahan ang dalawa habang naiwan naman sa sala si Caroline. May ginagawa pa kasi si Manang Conching kaya hindi pa maharap ang babae.

Sa pagbaba ko naman ng hagdan habang buhat ang dalawa kong anak sa aking magkabilang braso ay siya rin namang pagpipilit na bumaba ng dalawa. Nang maibaba ko sila ay nag-uunahan naman silang tumakbo palapit sa babaeng nakaupo sa may sala sabay sigaw ng......

"Mama...."

A/N
Book 2 of this story will be the new series of Bukidnon heirs (Drifting Again) it will be posted soon here on Wattpad 😊😊😊

MVGS01: LOST (COMPLETED)Where stories live. Discover now