I told Apollo about the voice mail that I received through chat. Hindi na rin ako nakatulog pa dahil doon kaya naman ng bandang alas-dos ng madaling araw ng magchat si Apollo sa akin na tapos na ang kanilang karera ay agad na rin akong tumawag sa kanya.
"Why are you still awake? It's already late." agad na bungad nito sa akin pagkasagot palang niya ng tawag. Concerned is also visible on his voice dahil sa bigat ng kanyang paghinga habang naglalakad patungo sa kung saan.
"I can't sleep. Did you received my last chat." I asked.
Narinig ko naman sa kabilang linya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kanyang kotse. "Yes Babe, I received it. Don't think about it to much okay. Walang mamamatay. Wala lang magawa ang taong nag send sa'yo non." pagpapakalma naman nito sa akin.
Patuloy lang ang pagmamaneho ni Apollo habang magkausap kami. I was so scared that moment that's why when he said that he will again come to my room ay hindi na rin ako tumutol pa.
After almost thirty minutes I received a chat from him that he is already in the compound that's why I open the door of my terrace for him to get in.
Pagpasok pa lang ni Apollo sa silid ko ay para na akong bata na tumakbo at umiyak sa bisig niya habang siya naman ay niyakap lang ako ng mahigpit. "Shhh, don't cry Babe. Wag mo nang isipin ang tungkol sa voice mail. Walang mangyayaring masama sa kahit na sino." masuyong turan ni Apollo habang patuloy na hinahaplos ang likod ng aking ulo para ako ay pakalmahin.
Inalalayan naman din niya ako paupo sa aking kama ay sabay kaming nahiga roon. Nakaunan lang ako sa kanyang braso habang siya naman ay nakayakap pa rin sa akin. "Hindi ko lang maiwasan na hindi isipin yung voice mail Babe. Paano kung totoo? Natatakot ako!" natatakot na sabi ko pa rin sa kanya.
I also tell Apollo about the unknown messages that I received before. Lahat ay pinabasa ko sa kanya. He even tried to call each number pero unattended na ang mga ito. Tila ba after itong gamitin para itext ako ay agad din itong tinatapon para hindi namin malaman kung sino ang nagpadala ng mga mga mensahe.
Apollo stayed beside me until I fell asleep. Nagising na lang ako kinabukasan bandang alas-dyis na wala na siya sa aking tabi. Agad ko namang tiningnan ang aking phone para makita kung may text ba na mula sa kanya. When I saw his message telling me that he got home safely around five in the morning, I feel relief. I also send him a good morning message, bago ako pumasok sa banyo to do my morning rituals.
Matapos ang halos kalahating oras ng pag-aayos ay bumaba na rin ako para sa aming agahan. Naabutan ko si Daddy at ang dalawang kapatid ko sa hapag-kainan. Kausap din ni Daddy si Manang Caring ang aming mayordoma rito sa bahay.
Nang makita ako ng ibang kasambahay ay agad na rin naman silang kumuha ng pinggan para sa akin at binigyan na rin nila ako ng kape. "Eh kamusta ang pamilya ni Mang Kadyo? Wala bang nasaktan sa kanila?" nag-aalalang tanong ni Daddy kay Manang Caring.
"Sabi po ay maayos naman ang mag-iina ng Mang Kadyo. Yun nga lang yung kanilang bunso, sobrang takot na takok daw at hindi makausap Sir dahil siya mismo ang nakakita sa pagpatay sa matanda. Nakakaawa nga at pitong taon pa lang yung bata." iiling-iling na wika ng babae.
YOU ARE READING
MVGS01: LOST (COMPLETED)
Roman d'amourAfter Arabella Channel lost her mother, it seemed that the whole world crumbled before her until her long-lost father appeared and decided to take her to his province, Bukidnon. Despite her hesitation, Arabella had no choice but to go with him, the...
