Chapter 13: Forbidden

1.7K 25 8
                                        


Buong magdamag akong hindi nakatulog at iyak lang ng iyak. I didn't bother to call Apollo that night because for sure he will again sneak into my room. Hindi ko naman iyon mapapayagan sa ngayon dahil panigurado na mahuhuli siya ng mga bantay sa hacienda dahil na rin sa paghihigpit ni Daddy sa buong seguridad ng compound. Daddy double our security just to make sure that all of us will be safe. Wala ring tigil ang pagpapatrolya ng mga security guard day and night sa lahat ng dako ng Villa Monte Verde.



The next morning after my driver drop me in Valencia University I texted Apollo to meet me in Lake Apo around ten in the morning. It is one of the cleanliest lake and peaceful place here in Valencia. Meron ditong ilang kubo kung saan pwedeng tambayan ng mga turista. I went there once together with my siblings noong panahong kararating ko pa lang sa Bukidnon.



Few minutes after sending the message Apollo call me immediately. "Hello Babe, where are you?" takang tanong nito ng masagot ko ang kanyang tawag. 



Inilapag ko naman muna ang aking bag sa aking table bago ko siya nagawang sagutin. "I'm here in school."  I simply answered. 



"Anong ibig mong sabihin sa chat mo kanina?" muling usisa nito. Marahil nagtataka kung seryoso ba ako sa sinabi ko sa kanya o hindi. I can't blame him. It's already eight o'clock in the morning. Mula sa University ay kalahating oras din ang byahe patungo sa Lake Apo. At isa pa marahil sa ipinagtataka niya ay kung paano ako pupunta roon gayong alam niyang marami akong bantay maging sa loob ng University. 



"Tatakas ako mamaya, Babe. Magkita tayo sa may Lake." again I answered him.



"Paanong tatakas? Can you explain the details Babe. Kinakabahan ako dyan sa plano. Yes I want to see you but I also don't want to put your life in danger." nag-aalalang pahayag pa rin nito.



"May kailangan akong sabihin sa'yo Babe, and I need to tell that in person." paliwanag ko naman sa kanya. Sa itsura kasi nito ay tila wala itong planong pumayag sa gusto ko. I totally understand him. Alam ko namang takot lang din siya para sa kaligtasan ko dahil sa nangyari nitong nakaraan. Even me, I'm also worried. But after reading the letter last night, wala na akong ibang pwedeng pagkatiwalaan kundi siya lang.



"Hindi mo naman kailangan tumakas Babe. Kung talaga kailangan nating magkita akong ang pupunta sa'yo. Just stay in the University okay, ako ang pupunta dyan."  muling pangungumbinsi nito. 



We argue about the topic for quit long, but at the end I still convince him to meet me in Lake Apo. Mahirap na, baka nasa paligid lang ang taong nagpapadala sa akin ng mga mensaheng natatanggap ko. Ayaw ko mang magbintang pero dahil sa mga nangyayari ay talagang lumalala ang trust issue ko.



Sinilip ko naman muna ang aking mga bantay, and when I notice that they are all busy outside the room ay marahan ko namang kinuha ang pants, jacket and cup na itinago ko kanina sa aking bag. Dahil maaga pa at ako pa lang ang tao sa loob ng classroom ay nagawa kong magpalit ng damit sa pagitan ng dalawang bookshelves sa loob ng room namin. Nang dumami naman ang ang kaklase ko ay sinamantala ko naman iyon para pumuslit palabas gamit ang second door ng room namin. Sakto rin naman na paglabas ko ay dumaan din ang grupo ng mga studyante na tingin ko ay patungon sa school gymnasium kaya naman nagawa kong humalo sa kanila ng hindi napapansin ng mga bantay ko. 

MVGS01: LOST (COMPLETED)Where stories live. Discover now