Two weeks had past at patuloy pa din ang pagbabantay ng mga lady guards ko sa akin. Even sa school nga ay kasama ko sila. Minsan nga nahihiya na din ako dahil pinagtitinginan ako ng mga schoolmates ko sa tuwing lalabas ako na kasunod ko ang mga bantay ko, kahit nga sa banyo o sa canteen sumusunod sila kulang na nga lang na kahit sa loob ng cubicle may kasama ako. Pero sabi nga ni Agatha isa sa mga naging kaibigan ko dito sa Valencia ay naiintindihan naman daw nila kung bakit nag hired si daddy ng madaming bantay sa akin, dahil na din daw yun sa yaman ng pamilya Monte Verde. Yun ang akala nila, na takot si daddy na may mag tangka sa buhay ko sa dahil sa pamilya namin, pero ang totoo ay nandito ang mga bantay ko para lang hindi kami makapagkita ni Apollo.
Sa loob ng dalawang linggo ay pilit kaming kumukuha ni Apollo ng tiyempo para mag kita kaya lang talagang mahigpit ang mga bantay ko kaya minsan hanggang sulyap na lang kami sa isa't-isa. Minsan nga napapaawa na din ako kay Apollo dahil sa umaga bumubuntot ito sa kotse ko hanggang sa makarating kami sa school bago siya pumasok sa sarili niyang school. Sa hapon naman ay pumupunta ito ng maaga sa Valencia para lang makita ako na umuwi. Minsan nga kinailangan pa nyang mag cutting classes para lang masiguradong maabutan ako na minsan na din naming pinagtalunan sa phone.
"Sa labas ka pa din ba?" tanong ko sa kanya. It's Monday moring at ngayon ang simula ng one week foundation day celebration ng school. Wala kaming regular classes sa buong linggo dahil sa mga events na meroon sa school.
"Yes. Still here. Waiting lang din ako na mag open ang gate for outsider para makapasok ako." sagot naman nito habang inaayos ang kanyang cup at face mask. Nasa loob siya ng kanyang kotse ngayon at nag-aantay ng oras ng pagbubukas ng school gate para sa event namin ngayon araw. We have different booth today kung saan pwedeng mag-enjoy ang lahat. Then later at night meron din concert na inaabangan din ng karamihan.
Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ko bago ako tumuloy sa pinaka dulong bahagi ng library kung saan ako madalas pumuwesto. Wala din kasi masyadong students sa dakong ito kaya kahit papano pwede kaming mag-usap ni Apollo basta wag lang masyadong malakas ang boses ko.
"Wala ka bang planong pumasok?" tanonv ko sa kanya.
"Just for this week babe. Ngayon lang ako pwedeng makapasom dyan sa school mo. Baka sakaling maka tyempo tayo na wala kang bantay, kahit saglit malapitan man lang kita. Sobrang miss na din kasi kita." paliwanag naman nito.
He still calling me babe kahit anong sabi ko sa kanya na tigilan niya. Kahit papaano naman ay nakasanayan ko na din iyon. We are not together, but we have this kind of mutual understanding that somehow what we have is special. Siguro ay takot lang din kaming pag-usapan ang estado namin dahil na din sa problema ng aming pamilya.
"Mapapagalitan ka na naman ng daddy mo niyan eh." tanging tugon ko naman. Part of me wants to disagree on his plan to skip classes for the whole week para lang makapunta dito. Pero mag sisinungaling din ako kung sasabihin kong ayaw ko siyang makita.
The last time we each other in person ay noong palihim siyang umakyat sa silid ko, after that ay hindi ko na siya pinayagang ulitin iyon kahit pa nag pupumilit pa siya. Natatakot din kasi sa maaring mangyari sa kanya kung sakaling mahuhuli siya, he understand my point kaya naman nakuntento nalang kami sa pag tatawagan.
"I will take care about it, okay. Isa lang naman ang gusto ni daddy, yun ay ang mag-aral ako ng tama para may humalili sa kanya. I will give it to him this time basta wag lang siyang gagawa ng aksyon ara mas gawing komplikado ang sitwasyon nating dalawa." paliwanag naman nito. Bumaba na din siya sa kanyang sasakyan at nag simula na din maglakad papasok aa school dahil binuksan na din ang paaralan para sa lahat.
YOU ARE READING
MVGS01: LOST (COMPLETED)
RomanceAfter Arabella Channel lost her mother, it seemed that the whole world crumbled before her until her long-lost father appeared and decided to take her to his province, Bukidnon. Despite her hesitation, Arabella had no choice but to go with him, the...
