Hindi mapigil ni Ara ang pag-iyak dahil sa text na kanyang natanggap. Agad namang kinuha ni Rafael ang cellphone ng ate niya para makita rin ang laman ng mensahe. Nang mabasa ito ay ipinasa naman ni Rafael ang hawak sa kanyang ama na ngayon ay nag-aalala na rin sa kalagayan ni Ara.
Kagaya ko ay kitang-kita ko rin ang galit na biglang gumuhit sa mata ng daddy ni Ara, maging si daddy ay hindi rin maitago ang emosyon dahil sa nakita.
"Sino ang maglalakas ng loob na gumawa nito sa isang Monte Verde? Napaka lakas ng loob ng kung sino man para pagbantaan ang buhay ng anak ko." galit na galit na wika ni Tito Raul habang naglalakad ng pabalik-balik sa aming harapan.
Pinatawag na rin nito ang kanyang mga tauhan para bilinan na mas lalong maghigpit sa seguridad ng buong Villa Monte Verde. Maging si daddy ay tinawagan na rin ang kanyang security group at agad na pinapunta sa bahay nila Ara.
I and dad decided to stay at Monte Verde residence because of what happen. After an hour ay dumating na rin ang mga tauhan ni daddy at kagaya ng bilin ni Tito Raul ay pinagpatrolya niya rin ang mga ito sa buong paligid.
Lumipas muli ang isang oras at ang ibang Monte Verde naman ang dumating. Unang dumating ang mga kapatid ni Tito Raul na sina Tito Franco at Tito Xander. Tito Franco is a lawyer kaya naman pinag-usapan na rin nila ang ilang mga legal na hakbang na kanilang gagawin kaugnay sa nangyari. Hindi naman nagtagal at dumating na rin si Gov. Robert. Hindi man maganda ang samahan nila Gov. Robert at Tito Xander ay nagawa pa rin nilang magtulungan para pag-usapan kung paano mareresolba ang sitwasyon.
I also called my friends, hindi rin nagtagal at nagsidatingan na rin ang mga ito. We are all gathered in the living room, planning of what we can do. "Hindi kaya isang prank messages lang ito para takutin si Ara." pagbasag ni Tito Xander sa katahimikan ng lahat.
Agad naman akong umiling ang kinuwento ang nangyari noon bago pa man kami maaksidente ni Ara. "I don't think so Tito. This is not the first Ara received this kind of messages before." I said to everyone.
"What do you mean? Hindi ito ang una?" nalilitong tanong naman ni Tito Raul habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Ara na ngayon ay nananatiling yakap ko kahit pa tumigil na rin ito sa pag-iyak.
Because of Ara's situation, she can't tell us the exact thing that happened before. Kaya naman kung ano lang ang alam ko at natatandaan ko ay iyon lang rin ang sinabi ko sa lahat. "Ang alam ko po unang mga araw pa lang po ni Ara dito sa Bukidnon ay nakatanggap na siya ng text. Dati ang laman lang po noon ay tungkol sa pagkakakilalanlan niya, na hindi siya isang Monte Verde. Pero nang magtagal ho may kasama na hong pagbabanta." paliwanag ko naman sa kanila.
"Kung ganon ay may alam kung sino man sa nakaraan ninyo Tito Raul at Tito Radell maging sa Mama ni Ara." pagbibigay kongklusyon naman ni Jarred na ikinatango ng lahat.
"Nabanggit mo Apollo na may pagbabanta na rin kay Ara noon, bakit hindi niyo agad nasabi sa amin?" tanong ni daddy sa akin. Napayuko naman ako dahil doon, isa rin kasi iyon sa mga pinagsisisihan ko. Bakit hindi kami humingi ng tulong sa mga matatanda kahit pa ang gulo-gulo ng sitwasyon namin noon.
"Sorry po." hinging paumanhin ko naman. "Sobrang bilis ho rin kasi ng pangyayari noon. huli na rin ho ng malaman ko. Tanda niyo ho ba noong gabing namatay si Mang Kadyo?" tanong ko pa sa kanila.
"Oo hijo, pero anong kinalaman ni Mang Kadyo rito?" nagtatakang tanong ni Gov. Robert.
"Noong gabing iyon ho kasi, noon ko lang rin ho nalaman ang tungkol sa mga death threat kay Ara. Tito Raul, nung mga panahon na iyon sa totoo lang ay pumupuslit po ako sa silid ni Ara noon lalo na pag natatakot siya." pag-amin ko muna sa mga ginawa namin dati. Kitang-kita ko naman ang galit ni tito sa akin at kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon ay malamang nasuntok na niya ako.
"Noong gabing iyon ho ay nakatanggap ho si Ara ng voice mail na kung hindi kami maghihiwalay ay may mamamatay. Hindi ho namin sineryo iyon noon dahil akala namin ay isang tao lang na may ayaw sa relasyon namin ang may pakana noon. Sa katunayan nga ho inisip ko pa dati na baka isa sa inyo ni daddy ang may pakana noon para lang paghiwalayin kami." panimula kong kwento. Naramdaman ko naman ang muling paghikbi ni Ara sa aking tabi kaya naman mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. Naluluha man ay ipinagpatuloy ko pa rin ang pagsasabi sa kanila ng nangyari noon.
"I sneak inside his room that time tito dahil iyak na rin ng iyak si Ara noon. Binantayan ko siya hanggang sa makatulog siya at dahil na rin nakaramdam din ako ng takot noon. Then the next day nabalitaan na lang ho namin ang nngyari kay Mang Kadyo. Si Mang Kadyo ho ang isa sa mga taong naging dahilan ng pagkikita naming noon, kaya malakas ang pakiramdam naming na may kinalaman ang taong nag padala ng voice mail kay Aras a taong pumatay sa matanda." hindi ko na mapigila pa ang pag-iyak ng maalala ang matanda. "We do our own investigation that time with the help of my friend's. Pero bago pa ho ako may makalap na impormasyon dati ay nangyari naman ho ang aksidente namin ni Ara." pagpapatuloy ko pa.
"Hijo paano niyo naman nasiguro na may kinalaman sa banta kay Ara noon ang nangyari kay Mang Kadyo?" hindi pa ring makapaniwalang tanong ni Tito Xander.
Tiningnan ko naman sila isa-isa, "Dahil ho sa bunsong anak ni Mang Kadyo noon. Siya ho ang nakasaksi sa pamamaril sa matanda. Matapos ho iyon ay may iniwang sulat ang suspek at ibinilin na ibigay ito kay Ara. Tito that is also the reason why we secretly meet in the lake that day. Ang kutob ho kasi ni Ara ay baka malapit sa amin ang nasalikod ng lahat ng ito." muli kong kwento.
Luckily because Mang Kadyo youngest son that time recover from the trauma that he gets. Muli ay bumalik ang buhay nito sa normal kasama ng kanyang pamilya. Pinatawag ni Tito Raul ang binatilyo sa isa sa mga tauhan nito at habang inaantay namin ang bata ay tuloy-tuloy lang ang pag-uusap ng lahat.
"I don't know if it will help dahil sabi mo Ry na dati sinubukan mong tawagan ang mga number na nagpadala kay Ara dati ng mensahe pero hindi mo na ito ma-contact diba. I know someone here in the Philippines who has an access sa mga telecommunication dito. Hindi man kasing advance ng sa US ang system dito pero baka makatulong. Pwede ko bang makuha ag number ng nagpadala? Para kahit yung area lang sana kung saang lugar nagmula ang text magkaroon tayo ng lead." suhesyon ni naman ni Rowan.
Habang kausap ng kaibigan ko ang taong kakilala niya ay muli kaming bumalik upang tukuyin kung sino ang posibleng nasa likod ng lahat ng ito. Dahil sa paglalim ng gabi ay nagawa na rin bumangon ni Manang Caring para mag handa ng maiinom at makakain namin habang kami ay nag-iimbestiga sa lahat. Tahimik na ibinaba ni Manang Caring ang kanyang mga bitbit pero kapansin pansin ang lihim niyang pakikinig sa aming usapan. Maharil ay nag-aalala lang din para kay Ara pero nahihiya namang magtanong.
"Una, sino ba bukod sa inyong tatlo nila Anabelle ang nakakalam tungkol sa nangyari sa nakaraan." baling ni Tito Franco sa kanyang kapatid at kay daddy. "Kasi kung tama ang pagkakaintindi ko, nung nagsimula ang pagtanggap ni Ara ng mga text, tungkol lang iyon sa tunay nyang pagkatao. It means alam ng kung sino man ang nangyari kay Radell at Anabelle noon." dugtong na paliwanag pa nito.
Tahimik namang nag-isip ang dalawa. "Bukod sa aming tatlo, ang alam ko ang mommy lang ni Raul ang may alam dahil siya ang nakita ni Anabelle noon sa tagpuan nila. Pero imposible kasi matagal ng patay ang mommy mo Raul." nalilitong pahayag pa rin ni daddy.
"Dad, diba nabanggit mo kanina yung Adeline. Hindi kaya siya." I asked when I remember the name of the girl that he mention earlier.
"Imposible hijo." iiling-iling na wika naman ni Tito Raul. "Matapos mawala ni Anabelle noon ay pumayag ako sa planong kasal namin noon ni Carmen, ang nanay nila Raelyn at Rafael, dahil matagal na iyon plang ng mga pamilya namin. After our wedding nabalitaan ko na lang na nawala sa sarili si Adeline dahil hindi matanggap na nagpakasal ako sa iba. Hanggang ngayon ay nasa mental hospital pa rin ito at hindi pa rin makausap." pahayag pa nito.
To confirm everything Tito Raul called the mental institution kung nasaan si Adeline and they confirm her situation. Tunay nga na wala pa rin ito sa sarili at imposibleng siya ang nasalikod ng lahat ng ito.
Because of that our investigation go back from the beginning. Kahit anong isip kasi ang gawin namin ay wala pa ring lead kung sino ang nagpadala ng mensahe. Until Rowan came back to us and show us the location of the device used to threaten Ara.
And the device shows that our enemy is really near. It's here. Inside the Villa Monte Verde.
YOU ARE READING
MVGS01: LOST (COMPLETED)
RomantikAfter Arabella Channel lost her mother, it seemed that the whole world crumbled before her until her long-lost father appeared and decided to take her to his province, Bukidnon. Despite her hesitation, Arabella had no choice but to go with him, the...
