"Magandang umaga ho Don Raul." Bati ng isang lalaki na sa tanya ko ay hindi nagpapanghuli sa aking edad ng bumungad ito sa may entrada ng aming hapagkainan. May bitbit itong isang basket ng iba't ibang prutas at dalawang supot na hindi ko mawari ang laman.
"O, Uzi ikaw pala. Napasyal ka." Bati naman ni Daddy sa lalaking nag ngangalang Uzi.
"Napag-utusan lang ho sir. Nabalita ho kasi ng mga tao sa plantasyon ng kapatid niyo na may isang Monte Verde na naaksidente kahapon. Mga anak niyo lang naman ho ang dito ho sa lugar natin nag-aaral at ang ibang Monte Verde ay nasa Maynila." He said.
"Ito ho pala mga prutas tamang-tama at kakaani lamang ho namin kahapon. Dinalhan ko na din ho kayo ng pandesal mula ho sa bakery namin." Dugtong pa nito sabay lapag ng kanyang mga bit-bit.
Pagkalapag na pagkalapag pa lamang ni Uzi ng supot na naglalaman ng mga pandesal ay agad namang nanubig ang aking bibig lalo na ng makita kong mainit pa ito dahil bahagya pa itong umuusok.
"Maraming salamat Hijo tamang-tama ang dating mo at saktong nag-uumagahan na kami. Dito ka na mag-almusal." Paanyaya naman ni Daddy sa lalaki. Bago pa man makatanggi ang huli ay nakapagpakuha na si Daddy ng karagdagang plato at tasa ng kape sa mga kasambahay kaya naman wala na din itong nagawa kundi ang sabayan kami pagkain.
"Ito nga pala Uzi si Ara ang panganay ko. Mula ngayon ay dito na sya sa puder ko mamamalagi. Sa Valencia ka nag-aaral diba?" Pakilala ni Daddy sa akin nang mapansin nito na nadako sa akin ang paningin ng lalaki marahil dahil ito ang unang beses na makita niya ako sa mansyon.
"Opo Don Raul bakit po ninyo natanong?" Magalang na tugon naman ng binata.
"Sa Valencia din kasi papasok itong si Ara. Hindi kasi nagawang i-credit ng San Carlos ang mga naunang pinag-aralan nito sa Maynila kaya kahit gustuhin kong magkakasama ang magkakapatid ay hindi naman maari kaya sa Valencia na namin siya napagdesisyunang papasukin." Daddy explain.
"Ganon po ba. Tamang-tama po papunta na din ako sa school po ngayon pede ko po siya isabay kung gusto po ninyo." Pag-aalok naman ni Uzi.
Nagpatuloy lang ang aming pagkain. Daddy also decided na sumabay na din ako kay Uzi para kahit papano ay may kakilala na ako sa bago kong school.
Uzi and I just ride on a tricycle. We both sit inside kaya naman nakapagkwentuhan kami kahit saglit bago namin marating ang paaralan.
"Ngayon ko lang nalaman may isa pa palang anak si Don Raul akala ko kase yung kambal lang ang anak niya. Kelan ka pa dito sa Bukidnon?" Pag-uusiyoso nito habang nasa byahe.
"Noong nakaraang linggo lang." Maikli ko namang tugon. Kahit pa muka namang mabait itong si Uzi ay hindi ko pa din magawang masabi sa kanya na anak ako sa ibang babae ni Daddy. Iniisip ko pa din kasi ang reputasyon nito bilang isang Monte Verde. Hindi ko naman kasi akalain na ganito kakilala ang pamilya nila. Kung alam ko lang sana pinilit ko nalang siya na manatili nalang ako sa Maynila
YOU ARE READING
MVGS01: LOST (COMPLETED)
RomanceAfter Arabella Channel lost her mother, it seemed that the whole world crumbled before her until her long-lost father appeared and decided to take her to his province, Bukidnon. Despite her hesitation, Arabella had no choice but to go with him, the...
