Our world collapses in front of us because of the news that we receive. The doctor said that Ara's condition is not that good because the cancer cells are already in the fourth stage. Ang tanging pag-asa na lang namin ay operasyon pero hindi magiging madali dahil kakailanganin munang mag undergo ni Ara sa mga test at chemotherapy na maaaring makaapekto sa mga bata. Nakadagdag pa sa pasanin namin ang dinadala niya na kailangan din naming isaalang-alang. I don't want to give up to any of them, pero sa punto ng pag-uusap namin ngayon ay tila doon din iyon papunta.
"That's the only option we can give right now Apollo. I know how hard it is for you, but if things get worse you also need to prepare yourself. Sooner or later you will need to choose between them." malungkot na anunsyo ni Dra. Melendez. "I also suggest to discuss it with your wife, and I hope you came up with the best decision as possible." dugtong pa nito.
The only way to save Ara is to do an immediate operation and chemotherapy. Pero pag ginawa naman iyon ay kailangan namin i-give up ang kambal. They are only six months old at hindi nila kakayanin kung sakaling sumailalim sa operasyon ang Mama nila. But if we will wait for another three months for them to reach the full term o kahit pa nga ang isang buwan na lang para maging ready ang mga bata kahit pa premature silang ilabas, mas manganganib naman ang buhay ng asawa ko. Oras ang kalaban namin ngayon at ang hirap lang isipin na kakailanganin kong pumili sa pagitan ng mag-iina ko.
"Pa, let's wait for the twins to be ready. Tatlong buwan nalang naman. Ayaw ko namang isaalang-alang ang mga bata para lang maoperahan ako." nanghihinang wika ni Ara habang pinag-uusapan namin ang tungkol sa kalagayan niya. Ang mga kaibigan naman namin at kamag-anak ay nanatili lang sa labas ng silid upang mabigyan kaming mag-asawa ng sapat na privacy.
Hinawakan ko naman ng mas mahigpit ang kanyang kamay. "Pero mahal kung ganung katagal ang aantayin natin ay baka mas lalo kang mahirapan sa operasyon. Dra. Melendez is suggesting to us to wait for a month. Mahal the twins are already seven month during that time. Madaming bata naman ang nag su-survive ngayon kahit premature mahal. Let's do your operation buy next month please after you deliver the twins bia CS." lumuluha ko pa rin pangungumbinsi sa kanya.
We have been talking for almost an hour now, but Ara is very firm in her decision. She wants our baby to be full term before she undergoes the operation. Taliwas man sa aking kagustuhan ay nagawa ko pa rin sang-ayunan ang mahal ko. We decided to stay in the hospital sa buong tatlong buwang iyon para na rin mamonitor ng maigi ang kalagayan niya at ng mga anak namin.
Sa paglipas ng araw ay pahina ng pahina ang katawan ni Ara. But I know she is still fighting, hindi lang para sa akin kung lalong higit para sa aming kambal.
Wala sa plano namin noon ang kumuha ng 3D ultrasound para sa mga bata but due to her request ay narito kami ngayon at kasalukuyang minamasdan ang mas malinaw na imahe ng kambal. "Pa tingnan mo oh ito si Red diba. Kamukang-kamuka mo siya, tanging labi lang ata ang nakuha niya sa akin eh." nakangusong sabi nito habang tinuturo ang lalaki naming anak sa monitor.
Dinampian ko naman iyon ng mabilis na halik na kinatawa naman ni Dra. Melendez kaya hindi na rin napigilan pa ni Ara ang mapangiti. "Don't worry Ma, it's a tie. Look at Violet, kamukang-kamuka mo naman. Mas lugi pa nga ako at wala siyang nakuha sa akin kahit isa." nakangiti ko namang ani sa kanya habang itinuturo ang babae naman naming anak.
We decided to name our twins Red and Violet. Kinuha naming ito sa dalawang huling kulay sa bahaghari. Sabi nga ni Ara, rainbow represents hope after the rain, at umaasa kami na ang kambal nag magsisilbing kalakasan din namin para harapin lahat ng unos na paparating pa sa buhay naming mag-asawa.
When the twins turn into eight month old, Ara makes a request for me. Isang hiling na ni sa hinagap ay hindi ko naisip na hihilingin niya sa akin. "Pa, you're a license pilot right." tanong ng mahal ko.
"Yeah, why?" ani ko naman sa kanya habang hinahaplos ang kanyang buhok.
Kasalukuyan kami ngayong nakahiga sa kanyang hospital bed. Malaki naman ito kaya naman kahit papaano ay kasya rin ako. Nakahiga si Ara sa aking braso habang ako naman ay marahang hinihimas ang kanyang malaking tiyan.
"Pa, I already witnessed you doing your first love, car racing. Gusto ko naman sana ngayon makita kang nagpapalipad ng eroplano, but this time I will be your flight attendant. You know how much I love to be like that right. Pwede bang tuparin mo ang isa sa mga pangarap ko." mahinang wika niya pero sapat na para marinig ko.
"You will be a flight attendant Ma. Kahit pa buong taon tayong lumipad sa iba't-ibang bansa kasama ang kambal gagawin ko. Basta pangako mo lang na lalaban ka ha, na gagaling ka." naluluhang sagot ko sa kanya bago ko siya dinampian ng halik sa kanyang sintido.
After one week ay pinagbigyan ko rin ang hiling niya. Sa tulong ni dad at kuya ay nagawa kong paliparin ang isang maliit na private plane namin habang ang mahal ko ay nakasuot ng kanyang flight attendant uniform, ako naman ay sa unang pagkakataon ay nagawa ko rin isuot ang pilot uniform ko na ni minsan hindi ko naisip na magagawa ko. Kasama rin namin sa eroplano ang ilang mga medical team para in case of emergency at kailanganin ni Ara ng atensyong medikal habang nasa himpapawid kami ay mabilis nila iyong magagawa.
Nang nasa sapat na kaming taas ay nagawa kong ilagay sa auto pilot ang eroplano para magawa kong mayakap ang asawa ko na ngayon ay nakahilig sa aking balikat. Masaya naming minasdan ang mga ulap sa himpapawid habang mahigpit na nakayap sa isa't-isa.
"Maraming salamat mahal ko, tinupad mo lahat ng pangarap ko." nanghihinang wika ni Ara habang ang ulo ay nakasandal sa aking dibdib. "Tinupad mo ang pangarap ko noon na magmahal ng tunay at mahalin rin pabalik. Tinupad mo ang pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya na matatawag kong akin. At ngayon tinupad mo naman ang pangarap ko lumipad kasama ang mga taong mahal ko. Ikaw Apollo at ang mga anak natin ang buhay ko." pagpapatuloy pa niya sa kabila ng panghihina.
Pareho kaming lumuluha habang mahigpit na yakap ang isa't-isa. If I can trade all of my richness o kahit lahat ng meron ako ngayon ginawa ko na. Isa lang naman ang gusto ko eh. Iyon ang patuloy na gumising sa umaga kasama ang buong pamilya na pinaghirapan naming buoin. Wala itong katumbas na yaman at kung sa susunod kong buhay ay papipiliin ako, kung ang marangyang buhay na wala si Ara o ang simple pero masayang buhay kasama siya, hindi ako magdadalawang isip na piliin ang huli.
Matapos ang isang oras ay muli kong ibinalik sa roof top ng hospital ang eroplano. Pero hindi pa man kami tuluyang nakaka landing ng maayos ay bigla nang nawalan ng malay si Ara. Kahit na puno ng luha ay mas pinabilis ko pa ang pagpapababa sa sasakyan para madala namin si Ara aa loob ng hospital.
Pagkababang-pagkababa pa lang namin ay nakaabang na ang medical team at mabilis na dinala si Ara sa loob ng emergency room. Nagtipon-tipon naman kaming lahat ng mga kaibigan at kapamilya namin sa labas nito habang nag-aantay ng balita mula sa loob.
Ilang sandali pa at muling lumabas si Dra. Melendez, at base sa kanyang itsura ay tila hindi maganda ang balita na kanyang dala.
"Apollo, bumibigay na ang katawan ni Ara. We need to do the emergency CS on her para mailabas niya ang mga bata at pagkatapos noon ay kakailanganin niya muling sumailalim sa panibagong operasyon para sa pagtatanggal ng cancer cells niya." mahabang paliwanag pa nito sa amin.
The doctor said that our babies are both healthy. Kaya kahit pa kulang pa sila ng isa pang buwan ay hindi naman na nila kakailanganin pa na gumamit mg incubator para lang mabuhay.
Matapos kong pirmahan ang lahat ng dapat na pirmahan ay muli siyang pumasok sa loob ng operating room. Ilang oras din ang lumipas at sa bawat pag lipas nito na wala kaming nakukuhang balita tungkol kay Ara ay pasikip din ng pasikip ang aking pahinga.
Sa muling paglabas ng mga doctor ay bitbit na nga mga ito ang dalawa naming supling. Walang pagsidlan ang tuwa na aking nadarama ng mga oras na iyon ng masilayan at sa wakas ay mahawakan ko na ang aming mga anak.
Subalit ang sayang iyon ay agad ring napawi ng sa muling pag-angat ng aking paningin sa kanila upang tanungin ang aking asawa ay isang iling lang ang kanilang ibinigay.
"We do our best Apollo to save her. But it's too late. I'm sorry for your lost." tanging sabi lang ng mga doctor bago sila tuluyang umalis.
YOU ARE READING
MVGS01: LOST (COMPLETED)
RomanceAfter Arabella Channel lost her mother, it seemed that the whole world crumbled before her until her long-lost father appeared and decided to take her to his province, Bukidnon. Despite her hesitation, Arabella had no choice but to go with him, the...
