After another one week, Ara was discharged from the hospital. Nakaalalay ako at ang buong pamilya niya sa kanya mula sa paglabas hanggang sa maihatid na namin siya sa Villa Monte Verde. All her cousins also came to visit her and it helped Ara a lot to adjust because of that.
Araw ng Sabado ngayon at saktong bumalik din naman si kuya mula Manila kaya naman hindi na muna ako pumasok sa opisina. I decided to visit Ara again at her house, and if she agrees, I want to bring her to the racetrack. Tuluyan man kasing nawala ang mga ala-ala ng mahal ko, pinangako ko naman sa kanya na muli we will create new memories together.
It's not easy. Lalo na't kahit pa nasabi na namin sa kanya ang tunay na relasyon naming dalawa ay ramdam ko pa rin ang pagkailang niya sa tuwing kausap ako. But that will never be the reason for me to stop loving her. Dahil sa kabila ng lahat nang nangyayari sa aming dalawa, sa paglipas ng bawat araw, mas lalo ko siyang minamahal.
I parked my car in front of their mansion. Sinalubong naman ako ni Nanay Lydia na kasalukuyang nagdidilig ng mga halaman. "Ohh hijo ang aga mo naman ata." wika ng matanda. Naging malapit na rin ako rito. Mabait ang mag-asawa kaya naman maging ang mga kapatid ni Ara ay napamahal na rin sa kanila.
"Magandang umaga ho Nanay." bati ko naman sa kanya sabay kuha sa kanyang kamay para mag mano. "Si Ara ho ba Nay gising na?" tanong ko pa rito habang inaabot ang isang supot na tinapay para sa lahat. May nadaanan din kasi ako panederya kanina kaya naman naisipan ko dalhan na lang din sila.
"Hindi ko lang sigurado. Teka at titingnan ko muna." ani pa nito. Pero bago pa man ito tuluyang makaalis ay muli na naman itong nahinto ng matanaw namin ang isa pang sasakyan na palapit sa mansion.
Pamilyar sa akin ang sasakyan kaya naman hindi na ako nagulat ng lumabas mula roon si Reggie. Kakamot-kamot pa sa ulo ito ng bumaba at lumapit sa amin ng matanda. Nagmano rin ito kay Nanay Lydia bago ito humarap sa akin. "Good morning Bro." Ngiting asong bati nito sa akin.
"Anong ginagawa mo rito ng ganito kaaga?" kunot noong tanong ko rito.
"Hijo si Raelyn ba ang inaantay mo?" sabat naman ng matanda sa amin.
Tanging tango lang naman ang sinagot ni Reggie kaya naman nagpaalam na rin si Nanay Lydia na tatawagin ang dalawang babae na pakay namin.
"Hoy, Gago ka ah. Bakit nandito ka? Wag mong sabihin na pati si Raelyn ay idadagdag mo pa sa koleksyon ng mga babae mo. Sasapakin talaga kita." pagbabanta ko dito.
Kilala ko ang kaibigan ko. Alam kong hindi nakukuntento sa isang babae lang ang lintik na ito. At hindi ako papayag na pati si Raelyn ang idamay pa niya sa kalokohan niya. Parang kapatid ko na rin ang isang iyon, at sa oras na saktan nito si Raelyn ay baka tuluyan ko na talagang itakwil ang isang ito bilang kaibigan ko.
"Grabe ka naman dun sa koleksyon. Parang hindi kita kaibigan ahh." nakangusong sambit pa nito.
"Yun na nga gago, kaibigan kita kaya alam ko yang hilatsa ng bituka mo." naiiritang sabi ko pa rin sa kanya.
Sumandal lang naman ang loko sa hood ng sasakyan ko bago ito muling nagsalita. "Ry, seryoso na ako this time. I love Raelyn. Nagpapakatino na nga ako dahil sa kanya. Konting suporta naman ohh." turan pa nito.
Bago pa man ako makasagot sa kanya ay natanaw na namin si Raelyn na palapit sa aming pwesto. Nakasuot ito ng corporate attire dahil sa tingin ko ay papunta na rin ito sa kanilang opisina.
"Kuya, ang aga mo naman." bati nito sa akin sabay yakap at halik sa aking pisngi bilang pagbati bago ito lumapit sa kaibigan ko. Ang magaling ko namang kaibigan ay agad na iniyakap ang kanyang braso sa bewang ng babae na tila ba aagawin ko ito mula sa kanya.
YOU ARE READING
MVGS01: LOST (COMPLETED)
Storie d'amoreAfter Arabella Channel lost her mother, it seemed that the whole world crumbled before her until her long-lost father appeared and decided to take her to his province, Bukidnon. Despite her hesitation, Arabella had no choice but to go with him, the...
