I'm so scared habang nasa byahe kami ni Daddy pauwi so bahay. He was so quiet despite of the anger written on his face right now. Hindi ko din alam kung sa paanong paraan ko siya kakausapin ngayon. This is not the sweet dad that I met before my mom passed away few months ago. Ang daddy na nakikita ko ngayon ay ang bersyon niya na nakikita ko lang sa tuwing didisiplinahin niya ang dalawa kong nakababatang kapatid sa tuwing meron silang nagagawang mali.
Nakarating kami sa bahay at tahimik pa rin akong nakasunod kay daddy hanggang sa makapasok kami sa sala. My siblings are also there watching a soccer match.
"Dad." tawag ko dito ng hindi pa din niya ako lingunin at akmang aakyat na sana sa hagdan.
"Not now Arabella. We will talk tomorrow." Galit pa ding sabi nito.
Hindi ko naman mapigilan maluha dahil sa galit na nakikita ko ngayon kay daddy. Maging ang mga kapatid ko ay napatingin na din sa gawi namin dahil sa tono ng pananalita niya sa akin.
"I'm sorry Dad!" tanging nasabi ko nalang habang lumuluha.
Dad turn around and he looked at me. He looked at me with disappointment written on his face. "Why did you lie ha? Malinaw Ara ang bilin ko sa'yo, bakit sinuway mo pa din ako?" may hinanakit na tanong pa nito.
"Ayaw ko naman daddy na magsunungaling sa'yo eh." tugon ko naman habang nanatili pa din sa aking pwesto malapit sa may pintuan at umiiyak.
Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Daddy bago niya ako muling sagutin. "Yun naman pala eh, bakit ginawa mo pa din? Inutusan ka ba nya para gawin yun, ha Ara?" galit pa ding usisa nito.
Agad naman akong lumapit sa kanya at agad na hinawakan ang kanyang kamay. Ang mga kapatid ko naman ay umakyat na din sa kani-kanilang silid matapos bigyan ni daddy ng nakakatakot na tingin tila nag-uutos sa kanila na umakyat nalang muna.
"No Dad. Walang kinalaman si Apollo dito. Kaibigan ko siya daddy. Mabuti siyang tao, maniwala ka." pagsusumamo ko pa.
"Wala sa dugo nila ang pagiging mabuti Ara. Pinapaikot ka lang niya. Gaya ng ginawa ng magaling niyang ama sa Mama mo." ganting turan naman nito.
"Ano ho ba kasing nangyari noon sa inyo ng daddy niya dad at galit na galit kayo sa isa't isa?" tanong ko dito habang hindi pa din binibitawan ang kanyang kamay. "Gusto naman kitang sundin daddy eh. Kaso hindi ko naman maintindihan ang dahilan mo. Dad gusto kitang intindihin, please ipaliwanag mo sa akin bakit hinde pwede kaming maging mag kaibigan?" pagmamakaawa ko pa.
Daddy just turn his back on me at nagtuloy lang sa pag-akyat patungo sa kanyang kwarto. Sa kalagitnaan ng kanyang paglakad ay muli itong huminto subalit nananatili pa ring nakatalikod sa akin.
"Hindi mo maiintindihan Ara ang puno't dulo nitong lahat. Kaya nakikiusap ako sa'yo anak, layuan mo na si Apollo." turan ni Daddy sa ngayong nagsusumamong tinig.
Daddy just left me there with so much question in my mind. Ano ba kasi talagang nangyari noon? Bakit sobrang laki ng galit ni daddy sa ama ni Apollo?
Left with no choice ay umakyat na din ako sa aking silid para makapagpahinga. Pagpasok na pagpasok ko pa lang ng aking kwarto ay tumunog naman ang aking cellphone dahil sa isang tawag.
It was Apollo whose calling. Umupo muna ako sa aking kama, looking at my cellphone screen thinking kung sasagutin ko ba ang tawag o susundin ko nalang ang utos ni daddy.
Even though I'm still hesitant I still choose to answer the call. "Hello" ani ko sa pigil na paghikbi. I'm still crying because of the conversation that I had with my dad, pero ayaw ko naman itong iparinig kay Apollo ngayon.
YOU ARE READING
MVGS01: LOST (COMPLETED)
Roman d'amourAfter Arabella Channel lost her mother, it seemed that the whole world crumbled before her until her long-lost father appeared and decided to take her to his province, Bukidnon. Despite her hesitation, Arabella had no choice but to go with him, the...
