Chapter 11: Threat

594 10 6
                                    

Nagising ako kinabukasan na sobrang sakit ng aking buong. Nilalagnat din ako kaya naman hindi na rin ako nakapasok pa. Pinuntahan ako ni manang kanina para tingnan at agad din naman itong bumamaba para ikuha ako ng pagkain at gamot.

Pinilit ko namang bumangon sa aking higaan para pumunta sa banyo at makapag linis din ng aking katawan.

Paglabas ko naman ay saktong inaalis ni manang ang bed cover ko, bahagya pa nga akong nagulat dahil kakapalit lang nito noong isang araw lang.

"Hija kinuha ko na itong sapin mo sa kama ha may bahid kasi kang dugo ito sakto at maglalaba naman ako ngayon. Masakit ba ang puson mo? Gusto mo ikuha kita ng mainit na tubig." agad na bungad sa akin ni manang.

Nagulat ako sa kanyang sinabi dahil hindi pa naman ako nag kaka-menstruation ngayong buwan, pero ng maalala ko ang pagpunta ni Apollo dito kagabi ay agad naman akong pinamulahan ng muka.

In the end I told manang that I'm okay at tanging pahinga lang ang kailangan ko. She also leave after that at ako naman at sinimulan ko na rin ang pagkain ng aking agahan para makainom na din ako ng gamot.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng bigla namang tumunog ang aking cellphone. It was Apollo who's calling.

"Babe, hindi ka ba papasok?" bungad nito sa akin.

"No Babe. Nilalagnat kasi ako ngayon kaya hindi na din ako pinapasok ni Daddy. Teka bakit alam mo na hindi ako pumasok?" takang tanong ko dito.

I hear his heavy sighed before he spoke again. "I'm here outside. Hinihintay ko nga na dumaan ang sasakyan mo kaso thirty minutes na hindi ka pa nalabas." paliwanag pa nito.

" Sorry hindi na kita nasabihan. Kakagising ko lang din kasi. Pumasok ka na Babe. Maaga pa naman abot ka pa sa ibang subjects mo." hinging paumanhin ko naman. Nawala din kasi sa isip ko na tuwing umaga nga pala ay nag-aantay si Apollo sa akin para sa pagpasok ko.

"No Babe, ako nga dapat mag sorry sayo. Dahil sa akin nilagnat ka tuloy." patuloy sa wika pa nito.

We talk a little bit more hanggang sa makumbinsi ko siya na pumasok na sa San Carlos. Ayaw pa nga niya nong una dahil gusto na naman niyang pumuslit papunta dito sa silid ko para daw mas maalagaan niya ako, pero hindi ako pumayag. Kung sa gabi nga na napunta siya dito sobra-sobra na ang kaba ko paano pa kaya yung ganitong maliwanag pa, mas malaki ang pursyentong may makakakita sa kanya.

I stayed in the mansion the whole day. Bandang hapon naman ay nagulat nalang ako ng pumunta si Agatha sa bahay na may dalang basket ng prutas at bulalaklak.

"Nag-abala ka pa. Hindi ka na sana nag dala ng mga ito. Papasok na din naman ako bukas." nakangiting wika ko sa aking kaibigan habang inaabot ang kanyang mga bitbit.

Kumpara noong mga nakaraang araw ay napansin ko na tila kakaiba ang kinikilos ni Agatha. Kung dati ay lagi siyang nakangiti at masigla sa tuwing kausap ako ngayon ay tila napakaseryoso nito at tila may nais sabihin sa akin pero hindi nnaman niya magawa.

"Okay lang, saka hindi naman galing sa akin yan. Pinapabigay yan ni Apollo sayo. Nalaman kasi niya na pupunta ako dito." malakas at walang prenong wika nito.

Agad naman akong napalingon aa aking paligid dahil baka may nakarinig dito na binanggit niya ang pangalan ni Apollo, buti na lang at wala ni isang tao sa paligid namin.

"Nagkita kayo?" tanong ko rito sa mahinang boses.

Iminom naman ito ng juice na inihanda ng kasambahay namin kanina bago niya ako nagawang tugunin.

"Oo Ara. Tinawagan ko kasi siya kanina kasi wala ka pa nga. Kinuha ko kasi kahapon ang number niya para sana ma update ko rin siya kung sakaling makakatulong ako para makapag-kita kayo uli." paliwanag naman niya.

MVGS01: LOST (Completed)Where stories live. Discover now