After what happened to me that night on my birthday party, hindi na maalis sa isip ko ang pangalang iyon. Sino ba si Ara at bakit ganoon na lang ang naging epekto nito sa mga nawalang memorya ko?
Isang linggo na rin ang nakakalipas pero patuloy pa rin akong binabagabag noon. Every time tatanungin ko naman ang mga kaibigan ko tungkol dito ay nananatili namang tikom ang kanilang mga bibig.
"Any news? Apat na taon na Raul wala pa rin bang lead kung nasaan siya?" narinig kong tanong ni Daddy ng tumapat ako sa office niya dito sa bahay. Bahagya rin kasing nakaawang ang pinto nito kaya naman malinaw kong narinig ang kanyang sinasabi sa kausap.
Hindi ko ugaling panghimasukan ang buhay ng iba o ang pakinggan ang kanilang pag-uusap. But there's something on me that wants to hear more. Hindi ako nakagalaw sa aking pagkakatayo sa labas ng kanyang silid at nanatili lang ako roon na tahimik na nakikinig sa ama ko.
"Bakit hindi natin palawigin ang paghahanap? Matagal na panahon na rin tayong nag focus sa La Trinidad at sa mga karatig bayan nito. Paano kung wala pala siya roon at nasa mas malayong lugar." muling turan ni Daddy. Bahagya naman itong natahimik marahil ay pinakikinggan ang kausap sa kabilang linya.
When Dad mention about La Trinidad, I felt a sudden headache. Hindi man kasing lala katulad ng mga naunang atake sa akin pero sapat na para mapahawak ako sa pader na malapit sa akin para rito kumuha ng suporta.
I know that I need to go now especially on my condition. Ayaw ko rin naman na mas may malala pang mangyari sa akin, but I really can't. Dahil alam kong kung ano man ang pinag-uusapan nila ni Daddy ay may kinalaman iyon sa nakaraan ko.
La Trinidad is the place where my accident happened. Malayo ito sa Bukidnon kaya alam kong kung bakit ako nandoon ng mga oras na iyon ay may napakahalagang dahilan. Ilang beses ko na rin tinangkang pumunta sa lugar nagbabakasakali na may maalala ako pero naging mahigpit din si Daddy sa akin dahil sa kalagayan ko kaya hindi na rin ako nagpumilit pa.
"I agree to you. I will also call my men to help you. Mas mabilis natin siyang mahahanap kung magtutulungan tayo. Kung ano man ang nangyari noon sa atin ay ipagpaliban na lang muna natin hanggang sa matagpuan natin si Ara." pagtatapos ni Daddy sa kanilang usap.
When I heard again her name ay mas lalong sumakit ang aking ulo. Pero bago pa man ako maabutan ni Daddy sa ganong sitwasyon ay pinilit ko ng ibalik ang sarili ko sa aking silid. Nagmamadali rin akong kumuha ng gamot na nasa ibabaw ng aking lamesa para kahit papaano ay maibsan ang pagsakit ng aking ulo.
Matapos kong inumin ang gamot ay pinanatili ko na lang munang nakahiga aking katawan sa ibabaw ng kama habang ang aking mga mata ay nakapit. I was awake and I know that. But like what happened to me in the party a week ago there's another series of events that pop-up again in my memory, but this time ay mas mabagal pero nananatili pa rin itong malabo. And I know this memory is part of my past.
Sa aking isipan ay kasama ko ang isang babaeng naka jacket na pula sa loob ng aking sasakyan. Meron ding parte na nanonood ako ng sine kasama ang parehong babae. Pero hindi malinaw sa akin ang muka nito. Wala ring ni isang salita ang lumalabas sa bibig nito. It's just a plain image of a girl with me that gives me more frustration dahil wala akong makuhang kahit anong impormasyon tungkol dito.
I'm now decided to go to La Trinidad and hopefully I will get something that will help me recover my lost memories. Nang sumapit ang gabi ay tinawagan ko ang mga kaibigan ko tungkol sa aking plano. At first they are all disagree on my plan but like what I told them, samahan man nila ako o hindi sa lugar ay itutuloy ko pa rin ang aking plano. At the end they all agree to accompany me to also make sure that I will be okay when I visited again the place of my accident. Hindi rin naman kasi nila magawang ikwento sa akin ang nangyari sa nakaraan dahil everytime they will attempt to tell me the story ay nag pa-passed out ako. Now I don't have any other choice to discover my past on my own.
YOU ARE READING
MVGS01: LOST (COMPLETED)
RomanceAfter Arabella Channel lost her mother, it seemed that the whole world crumbled before her until her long-lost father appeared and decided to take her to his province, Bukidnon. Despite her hesitation, Arabella had no choice but to go with him, the...
