"Talaga bang hindi mo titigilan ang pamilya ko ha Radell. Hindi pa ba sapat ang ginawang mong pagsira sa buhay ni Anabelle at pati ang anak namin ay gusto mong sirain." nagpupuyos sa galit na pahayag ni Daddy. Parehong galit na minsan ko na ring nakita noong minsang nahuli niya akong kasama si Apollo. But the question is what really happened in the past. Bakit inaangkin ako ni Radell bilang anak niya.
Natatawang lumapit naman si Radell sa aming pwesto, "At ako pa talaga ang sumira sa buhay ni Anabelle ngayon ha. Sino ba sa ating dalawa ang nang-iwan sa kanya noon." ganting pahayag naman ng lalaki kay Daddy.
Nanatiling hawak ng mga tauhan ni Daddy si Apollo. Ako naman ay nananatili rin hawak ni Daddy at sa bawat paghakbang na ginagawa ni Radell palapit sa amin ay pahigpit din ng pahigpit ang hawak ni Daddy sa kamay ko.
"Hindi ko kailan man iniwan si Anabelle alam mo yan. Handa kong talikuran ang lahat para sa kanya. Kung hindi ka lang nanghimasok sa relasyon namin di sana matagal na kaming masaya." puno ng hinanakit na sumbat pa rin ni Daddy kay Mr. Falcon.
Patuloy pa rin ang paglapit ni Radell sa aming pwesto at ng ilang hakbang nalang ang layo nito mula sa amin ni Daddy ay muli siyang nagsalita. "Kahit kailan wala akong inagaw sa'yo. Nirespeto ko ang relasyon niyong dalawa ni Anabelle noon kahit pa sobra mahal na mahal ko siya dahil kaibigan kita. Nagparaya ako sa'yo. Pero ng gabing iniwan at pinagtabuyan mo siya, iyon ang gabing nawalan ka ng karapatan sa kanya. Ako, ako ang nasa tabi niya ng mga panahon kailangan ka niya. At alam nating pareho na posibleng anak ko si Ara." matapang na pahayag pa rin nito.
"Anak ko si Ara. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na isa siyang Monte Verde." pagalit na sigaw ni Daddy bago nito sinugod si Radell. Dahil sa pagsugod na iyon ni Daddy ay nagawa niya akong bitawan. Sinamantala ko naman ang pagkakataon para muling makatakbo palapit kay Apollo na hanggang ngayon ay hawak pa rin ng mga tauhan ni Daddy.
When Apollo notice what I'm doing he give all his strength to escape from the people whose holding him. Sinalubong niya ako sa aking pagtakbo at niyakap niya ako ng mahigpit. Nang makita namin ang pagsugod ng mga tauhan ni Daddy para muli kaming mapaghiwalay ay mahigpit akong hinawakan ni Apollo sa kamay at hinila patakbo. "Tatakas tayo Ara. Hindi ako papayag na ilayo ka nila sa akin." takot na takot na pahayag nito.
"Sasama ako sa'yo Apollo." buong tapang na pahayag ko naman sa kanya. Hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Mr. Falcon. Hindi ako makapapayag na maging magkapatid kaming dalawa ni Apollo. Kung may dapat man akong paniwalaan sa lahat ito, iyon ang huling sinabi ni Mama sa akin bago siya mamatay, na isa akong Monte Verde.
Magkahawak kamay kaming tumakbo ni Apollo. We are not sure if we really can escape from this place but that moment one thing is for sure, ayaw kong malayo sa lalaking mahal na mahal ko at walang kahit ano pa man ang makapaghihiwalay sa aming dalawa.
Sa aming pagtakbo ay nakita ko naman ang paglabas at pagharang nila Jaredd, Reggie, Rowan at Ezra mula sa kung saan. Hindi man sapat ang bilang nila para tapatan ang bilang ng mga tauhan ni Daddy pero sapat na para mabigyan kami ng oras para makalayo sa lugar ng kaguluhan. "Ry use my car. All the things that you need is there." sigaw ni Ezra habang pilit na nakikipagsuntukan sa ilang mga tauhan ni Daddy kasama ang ilan pa niyang kaibigan. Nagawa rin niyang ibato kay Apollo ang susi ng kanyang sasakyan na agad namang nasalo ng huli.
YOU ARE READING
MVGS01: LOST (COMPLETED)
RomansaAfter Arabella Channel lost her mother, it seemed that the whole world crumbled before her until her long-lost father appeared and decided to take her to his province, Bukidnon. Despite her hesitation, Arabella had no choice but to go with him, the...
