Chapter 19: Remember

1.5K 24 1
                                        

Chapter 19: Remember

I woke up in the hospital with my Daddy and brother. Kasama rin ni kuya Ryan si Randall na anak niya na siya namang tahimik na nanonood sa cellphone nito. Narito rin ang mga kaibigan ko na bakas sa muka ang pag-aalala.

Nang mapansin ni Kuya na bumalik na ang malay tao ko ay isa-isa na silang naglapitan sa akin. "How are you son?" nag-aalalang tanong ni Dad ng makalapit ito.

I swallowed twice first dahil sa panunuyo ng aking lalamunan bago ko siya magawang sagutin. "I'm good Dad. How's Ara Daddy?" tanong ko naman pabalik.

Natahimik at nagkatinginan naman ang lahat maliban sa pamangkin ko na wala muwang sa mga nangyayari sa paligid niya. Marahil ay nagtataka dahil sa muling pagbanggit ko sa pangalan ng babaeng pinakamamahal ko. Yes, I remember her now. I remember everything mula sa unang pagkikita namin hanggang sa maganap ang aming aksidente. Maging ang mga nangyari sa akin sa apat na taon na nawala ang aking memorya ay malinaw ko ring naalala.

"I remember everything now, Dad. Nawalan din siya ng malay kasabay ko sa kasal diba? How is she?" paliwanag ko naman sa kanila.

Kuya Ryan is the one who give me the answer. He told me that until now Ara is still unconscious. Kahit pa nanghihina ay pinilit kong bumangon para puntahan ang mahal ko. They all assisted me going to the other room. Doon ay naabutan ko naman ang mga kapatid at ang Daddy ni Ara na tahimik lang ding nakaupo sa silid, naghihintay ng paggising ng babae.

"Babe..." tawag ko sa kanya ng makalapit ako sa kanyang kama. I hold Ara's hand and I place it on my right cheek. Hindi ko na rin napigil ang pagpatak ng aking luha dahil sa labis na pangungulila sa kanya. "I'm here now Babe. Sorry kung natagalan ang panghanap ko sayo. Hindi ko ginusto na mawala ka sa memorya ko. But it's all okay now Babe. I'm here now, hindi na kita iiwan. Wake up now Babe please. Mahal na mahal kita." buong pusong pagsusumamo ko pa.

Daddy and Raul Monte Verde became civil. They never fought all throughout the days that they met inside Ara's room. Ilang araw rin akong nanatili sa loob ng suit ni Ara, naghihintay sa kanyang paggising. But weeks passed, my beloved Ara is still unconscious. Nang dumating naman ang doctor isang araw ay doon nito pinaliwanag ang tunay na kalagayan ni Ara.

"Mr. Monte Verde, I'm afraid to say that what we can do right now is to wait for your daughter to wake up. Ara has been suffering from amnesia for more than four years now. At katulad ng kaso mo Apollo maaring tuluyang hindi na bumalik ang mga ala-ala niya dahil sa nangyari. You're lucky dahil sakabila ng mga pagkawala mo ng malay noon ay tuluyan pa rin bumalik ang memorya mo. Let's just pray that it will also happen to Ara once she wakes up." mahabang paliwanag ng doctor bago ito tuluyang lumabas ng silid.

Lumipas pa ang isa pang linggo at wala pa rin pagbabago sa kalagayan ni Ara. Pinasundo na rin ng Daddy niya ang mag-asawang kumupkop dito ng apat na taon upang mapasalamatan, at para na rin maging handa kung sakaling sila ang unang hanapin ni Ara sa paggising nito.

"Oh Diyos kong mahabagin. Anong nangyari sa Red namin?" nanginginig na wika ng isang matandang babae na sa palagay ko ay si Manang Lydia base na rin sa sinabi ng isang tindera noon sa La Trinidad.

Lumapit din sa matandang babae ang asawa nito kasunod nito si Raul. "Siya ho si Ara, Arabella Channel Monte Verde. Ang panganay ko hong anak." panimulang paliwanag ni Raul sa mag-asawa. Naupo naman ang mag-asawa tig-isang upuan sa tabi ng kama habang patuloy na nakikinig sa kwento ng ama ni Ara. "Apat na taon na ho namin siyang hinahanap. Matapos ang aksidente nila ng kasintahan niya at hindi kami tumigil sa pag hahanap. Paano ho napunta sa inyo ang anak ko?" patuloy na tanong pa nito.

"Nakita ko ho ang pagbulusok pababa noon ng sasakyan mula sa malayo. Agad kong pinuntahan ang lugar ng aksidente at doon nakita ko si Red sa labas ng sasakyan na walang malay, hindi ko ho alam na may kasama pala siya. Buong akala ko ho ay nag-iisa lang si Red noon." kwento ng matandang lalaki.

MVGS01: LOST (COMPLETED)Where stories live. Discover now