UNDERCOVER PART 8

2.6K 42 0
                                    


COLE WEST POV


Past 12 am na and sakto nagising naman ako kaya agad agad akong pumunta sa kitchen ng condo ni Mikhs para uminom ng tubig.

Si Gwen wala na din sa sala so baka natulog na din 'yon sa second room ng condo na 'to.

Habang umiinom ako ng tubig narinig ko na bigla nalang bumukas yung pinto kaya naman agad akong pumunta sa may front door lobby para tingnan kung sino yung pumasok.

"Mikhs?" I uttered as soon as I saw the familiar figure of our friend.


Nakapatay kasi yung ilaw kaya hindi ko masyadong makita but I'm certain na si Mikhs nga ang dumating kaya agad agad ko namang binuksan ang ilaw.


"F*ck. 'Nyare sayo Mikha Lim" I asked with full concern and curiosity as I saw her na may malaking pasa sa gilid ng labi at may bandage sa kamay. 


Paika ika din siya maglakad kaya lalo akong nag-alala


"Gising ka pa pala Ate West" mahinang tugon niya


"Hindi, kakagising ko lang but don't change the topic Mikhs. Napano ka nga?" tanong ko sakanya 


"Wala lang 'to. Aksidente lang" maikling sagot ni Mikhs


"Anong wala? Look at yourself, ang laki ng pasa mo sa may labi may bandage ka din sa kamay. Sino namang tanga ang maniniwala na aksidente lang 'yan?" dirediretso kong saad 


Napayuko nalang si Mikhs sabay paika ikang lakad papuntang kusina.


"Ano ba gagawin mo? Kukuha ka ba ng tubig? Kumain ka na ba?" sunod sunod kong tanong kay Mikhs 


"Oo, kumain na ko. Iinom lang ako ng tubig" sagot niya naman


"Ako na ang kukuha, maupo ka nalang diyan"  I stated sabay turo sa couch.


I quickly went to the kitchen para kumuha ng tubig ni Mikhs. 


It's been a week na walang paramdam tapos ngayon babalik na ganyan ang itsura. The first time na wala din siyang paramdam bumalik naman siya ng maayos kaya hindi na din namin siya kinulit ni Gwen kung saan ba siya nagpunta.


"Eto o" maikli kong sabi sabay abot sakanya ng isang basong tubig.


"So, ano nangyari Mikhs?" tanong ko ulit. I won't stop asking her that question since nag aalala din ako


Instead na sagutin niya ako, ngumiti lang siya sakin sabay sandal sa couch.


"Alam mo Mikhs, we've been bestfriends for 8 years pero ni isang pangyayari sa buhay mo never kang nagshare sakin, samin ni Gwen" mahinahon kong sabi sakanya


"Gusto ko lang naman malaman kung ano ba nangyari sayo. We're your bestfriends Mikhs kaya nag-aalala din kami sayo." dagdag ko sakanya


"I'm sorry, Ate West. I was kidnapped and can't remember anything. Naggising nalang ako nasa bahay na ko" she explained to me habang nakayuko 


"What?! And what happened, pano ka nakatakas?" agad kong tanong sakanya


"I don't really know what happened eh. Naalala ko lang, everytime na nagigising ako agad agad nila akong tinuturukan ng pampatulog. I was kidnapped for 3 days Ate...I tried to fight but 'di ko sila kaya" maluha luha niyang sagot


"I asked Dad and he told me na he had some negotiations with the kidnappers kaya nabawi ako. Dad told me na he'll just take care of it. The rest of the week, nagpahinga lang ako sa bahay para magamot din 'yung iba kong sugat" dagdag niya while wiping her tears


'Di ko alam anong sasabihin ko. I was at a loss for words when I learned what happened to Mikhs. 


"I'm sorry Mikhs..." those were the only words na naisabi ko. I feel so sorry for Mikhs, with her appearance right now, halatang halata na labis siyang sinaktan


"It's okay, it's not your fault naman Ate" she uttered 


"How's Aiah Quinn? Anong balita sakanya Ate?" agad niyang tanong


"I don't know. We're not that close naman eh, pero nakikita ko din naman siya minsan sa campus and she looks like she's doing well naman" I answered


"Ikaw ha, ganyan na nga itsura mo pero si Aiah pa rin nasa isip mo hahaha" dagdag kong saad para asarin siya


"No, no. Nahihiya lang ako sakaniya. I don't even know how to start a conversation with her again" Mikhs explained while looking down, visibly thinking about the supposed dinner with Aiah


"Explain mo na lang sakaniya kung ano nangyari, for sure maiintindihan naman 'yon ni Aiah" I told Mikhs para kahit papano gumaan yung pakiramdam niya


"Sus! Dalawang araw pa nga lang kayo magkakilala, ganyan na agad? Gusto mo 'no?" I jokingly uttered while poking her.


"I don't know Ate. I feel so comfortable with her. Dapat pagmamasdan ko lang sana siya sa malayo but I found myself getting comfortable and close with her" sagot niya


"What do you mean pagmamasdan?" I curiously asked.


"I mean, pagmamasdan sa malayo dahil 'nung unang pagkikita palang namin sobrang namesmerized na ko sa ganda niya. When you told me na same school natin siya, I was just planning to admire her from afar," she eagerly explained 


I just nodded and smiled at her.


"Matutulog na 'ko Ate ha. Tabi ka ba sakin or dun ka nalang kay Gwen?"


"Dun nalang ako kay Gwen. Baka matamaan ko pa 'yang mga pasa at sugat mo if sayo ako tatabi hahaha" agad kong sagot sakaniya kaya natawa naman siya


"Sige, I'll sleep na. Goodnight!" Mikhs said sabay diretsong tayo at lakad papunta sa kwarto niya


Dumiretso na din ako sa kwarto kung 'san si Gwen para matulog. Pagpasok ko ng kwarto, natawa nalang ako nang makita kong occupied ni Gwen lahat ng puwesto sa kama. 

Oo 'di naman mataba si Gwen but her sleeping position is so funny. Naka spread yung arms niya sideward pati yung mahahabang niyang legs. She looks like one of those na mga nakatusok sa gitna ng palayan.


Lumabas nalang ulit ako para sa sala nalang matulog. Pagkaupo ko, bigla nalang umilaw yung phone ko to show a notification.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Ay aba at nakapag post pa nga siya" I murmured


It looks like picture niya 'to kanina lang since pareho yung suot niyang damit. 


Natawa nalang ako sa reply ni Mikha sa tanong ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Natawa nalang ako sa reply ni Mikha sa tanong ko. 

Maaga pa ako bukas kaya nilagay ko na yung phone ko sa may center table para matulog.

UNDERCOVER    |  MikhAiah AU [COMPLETE]Where stories live. Discover now