Chapter 1

1.9K 20 1
                                    

   WARNING: Mature Content
This work contains mature themes and explicit content. Intended for mature audiences, 21 and older. Reader discretion is advised.
Names, characters, businesses, events, and incidents are products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME. RESPECT AUTHORS. STOP STEALING STORIES. NO TO SOFT COPIES.

My Billionaire Bodyguard by: Pennieee
Pristine Felize Vera  Esperanza

      What does it feel like to be truly happy? Is it that feeling of getting what you want with just a snap of your fingers?

      What truly brings happiness to a person? Is it having a simple life or being extremely wealthy?

      In my case, I would choose a simple life without having too much money over being this wealthy. Ang kapalit ng maraming pera ay isang masayang pamilya.

      "Pristine."

      I looked at the person who called me and saw my grandfather with his right hand person standing behind him. He's here... without notice.

      Don Halyago Vera Esperanza stood before me, gripping his cane tightly. His white hair was neatly cut, and his mustache was gone. His facial expression was so strict that if I said something wrong, I would end up in that dark room again, where I was always punished.

      Siya ang ama ng papa. I know that he will never be good to me as a grandfather. Tapos na rin ako na umasa. Hindi na niya ako matanggap nasa sinapupunan pa lang ako ng mama, naaksidente pa ang mga ito na nagpawala ng matagal na panahon sa papa sa negosyo na naging dahilan ng malaking pagkalugi ng kaniyang kumpanya.

      That is the reason why my grandfather loathe me. Para sa kaniya ay malas ako na hindi na dapat ipinanganak sa mundo.

      "Lolo," I said and bow my head. Naiwan ko na naman nakabukas ang pinto ng silid ko kaya hindi ko siya namalayan na pumasok kasama ang kanang kamay niya.

      "Why are you not reading books? May ibinigay ako sa 'yo na bagong mga libro na babasahin mo tungkol sa negosyo. Bakit puro pagpapaganda ang inaatupag mo?"

      Nasa mukha niya ang pagkadisgusto habang nakatingin ng galit sa akin.

      How many years has it been since he looked at me with care in his eyes?

      Wala akong maalala dahil kahit kailan ay hindi naman nangyari.

      My hand tightly gripped the hairbrush. Gusto ko sumagot at sabihin na tapos na pero alam kong mas mapag-iinitan niya lamang ako.

      "Pasensiya na po, lolo--"

      "Puro pasensiya. Get dress, my friend's grandson will come at the mansion at exactly 11:00 am. He wanted to meet you. Nabanggit ko na nitong nakaraan na si Gael ang gusto ko na mapangasawa mo, hindi ba?"

      I wanted to close my eyes because of what I heard but if I do that lolo will surely get mad. He's very observant. At sa desisyon niya na ipakakasal ako sa apo ng kaibigan niya, isang beses lang ako na sumagot pero isang malakas na sampal na ang tumama sa pisngi ko.

      "Wala kang karapatan na humindi! Ikaw ang dahilan kung bakit maraming nawala sa akin!"

      Nawala... pera. Mga... kayamanan.

      "Opo, lolo," sagot ko. Wala na siyang ibang sinabi dahil pumihit na siya patalikod pati ang kanang kamay niya. And before they left, I was stunned when I heard him speak again.

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon