Chapter 47

1.1K 27 7
                                    

Pristine

8:45 AM. I haven't gotten out of my room yet and I am just lying on my bed. Elijah and Kio aren't in the mansion because they left early this morning to return to their headquarters. The only one left is Havoc but I asked the latter to check on my father, ipinaalam ko rin 'yon kay Eli pero tumutol siya, at nang magpumilit naman ako ay pumayag rin at sinabing pababalikin rin niya kaagad si Kio para bantayan ako. He also told me they would be back soon and wouldn't be gone for long.

Ano kaya ang nangyari? They don't leave together like that if it's an emergency... hindi rin basta-basta umaalis si Eli at iniiwan akong mag-isa.

Tungkol kaya sa lolo? O baka naman tungkol doon sa nagtangka sa akin sa university?

Napabuntong hininga ako, hindi ko maiwasan na hindi mag-isip. It's been a week after that incident pero madalas na akong hindi mapakali. Palagi ko na rin kinukumusta si papa sa opisina niya at para bang gusto ko na lang na dumito siya sa bahay at huwag nang umalis. Natatakot ako sa kaligtasan niya kahit na alam kong hindi naman rin siya pabababayaan ni Kio.

"I can't do that, anak. Alam mo naman na hindi ko pwedeng pabayaan ang negosyo natin. Isa pa, inaasikaso ko rin ang nalalapit na kaarawan mo. Ilang linggo na lang."

I let out a sigh and raised my right hand into the air. I looked at my fingers. I also raised my left hand, as if I was reaching for something on the ceiling. I moved my fingers, staring at them. When I closed my hands, I bit my lower lip because the grip wasn't that tight, no force.

Powerless.

I also want to defend myself and the people I love, especially Elijah, but he still refuses my request to teach me how to use a gun. He really doesn't like that idea at sa tuwing bubuksan ko ang usapan ay tinatapos rin niya kaagad. When I talked to Kio about it, he explained to me why. Medyo doon ko naunawaan, at tama nga rin siya.

"I understand you, Pristine. But with Elijah's personality, he won't teach you how to use a gun for that reason. He's your protector, and it would crush his ego if the time comes that you will be the one to save him."

Nang ibaba ko ang mga kamay ko ay napalingon naman ako sa larawan ng aking ina sa gilid.

"Mama... my birthday is coming... ilang birthday ko na ang wala ka."

Ilang linggo na nga lang. I didn't expect that before reaching my nineteenth birthday, some things about my life would unfold in ways I never imagined. The secrets, the lies, the people who I thought I knew—everything started to unravel before my eyes.

"Ang lolo... ang Ma'am Kamila, si Esther... at si Elijah..."

Sunod-sunod kong nalaman ang mga bagay na malaki ang epekto at magiging epekto sa buhay ko. Ang tungkol sa pagpapapatay ng lolo kay Elijah, ang pag-amin ko sa papa sa mga ginawa ng lolo na pagmamalupit sa akin.

Then after that, I learned who Elijah really is—that he's the son of the owner of the security company where he worked. A rich, young man who for a year was doing his job as my bodyguard but now my lover. At pagkatapos naman ng pag-uusap namin ng papa tungkol sa mga naranasan ko noong bata ako sa mga kamay ng lolo, staying in Elijah's house made my mind at peace, that maybe helped me recover my memories from the past...

Ang tungkol sa masakit at masalimuot na nakaraan na hindi ko alam... na totoong nangyari. Ang pagmamalupit ng Lolo Halyago at pag-utos nito na patayin ang aking ina pati ang mga alaala ko na binura nito ng sapilitan dahil sa mga nakita at narinig ko. Ang pagsasabi rin ng totoo ni Ma'am Kamila, na magkaibigan sila ng mama and now... when she gave a mission to Esther to spy on me and be my friend so I wouldn't feel lonely.

So many things happened, but because of all this, I can't help but wonder what will happen next. I can't help but feel anxious because the revelations are also like warnings that worse things can happen at any time.

I'm nervous... There's a heavy feeling inside me that I can't name. What am I supposed to do next? What will happen if the worst really comes? I wish I could push these thoughts away, but they keep haunting me. And whenever I'm alone, I can't help but think.

At paano ko mapapaniwala ang papa na ang lolo ang nagpapatay sa mama? How? Saan ako kukuha ng ebidensya?

Sa malalim na pag-iisip ay nakuha ang atensyon ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Napabangon ako mula sa aking kama at kinuha ko 'yon sa bedside table ko.

Esther: Busy ka? Baka payagan kang lumabas ni Elijah? Tuloy na sana kako tayo sa amusement park.

I smiled after reading Esther's message. Nagreply ako na hindi naman ako abala at wala rin si Elijah, sinabi ko rin na kung gusto niya na pumunta rito muna ay ayos lang.

Esther: Oh, sige! Diyan na muna ako habang inaantay natin sila. Sigurado rin kasi na hindi ka niya papaayagan na umalis nang ako lang ang kasama.

After the shooting incident at the university, ipinaliwanag sa akin ni Esther kung sino siya. "Estrella Lee" was just a fabricated name. Ang totoong pangalan niya ay Etherina Floreza Maran. Wala na daw siyang pamilya at galing siya sa bahay ampunan sa Russia na pagmamay-ari rin mismo ng Ma'am Kamila. Ang pamilya na sinabi niya sa akin noon ay rin hindi totoo at gawa-gawa lang. Napeke rin ang lahat ng impormasyon tungkol sa kaniya dahil sa tulong ng Ma'am Kamila.

And speaking about Elijah's mother. That night, she called me and kept on apologizing. Siguro ay naisip nitong galit ako dahil nga pinagpanggap nito si Esther para makalapit sa akin at kaibiganin ako.

I understand why she did that, na nag-alala lang rin naman talaga siya sa akin. And as I can remember before, even when I was in high school, it's like I was so desperate to have friends. Pero si Esther... she told me that she really likes me and considers me as her real friend, not a job. Naniwala ako don, lalo pa nang sabihin rin sa akin ni Elijah kung paano niya nahuli si Esther at napaamin na ito nga ang spy ng kaniyang ina.

"My mother doesn't like her people disobeying her, baby. Hindi rin gusto ng aking ina kapag kumikilos ang mga tauhan niya nang hindi niya nalalaman. And that night, Estrella Lee wanted to see you because she was worried about you. She came here to the mansion to check on you even without my mother's consent. Alam niya ang parusa na maaari niyang matanggap pero ginawa pa rin niya na puntahan ka dahil nag-aalala siya sa 'yo."

But aside from that... alam ko at ramdam ko naman rin na hindi pagpapanggap ang mga malasakit ni Esthet sa akin.

"Ahhh."

Nawala na naman ako sa oras dahil sa pag-alala ng mga nangyari. Napatingin lang ako muli sa cellphone ko at medyo nagulat pa nang mapagtantong halos labing-limang minuto na ang nakalipas pagkatapos ng huling reply ko kay Esther.

Esther: On the way na ako, Pristine. May dala akong cupcakes saka spaghetti.

Nang mabasa ko 'yon ay sinabi ko sa kaniya na pababa na rin ako. After I replied, I went in front of my vanity mirror and fix my hair. At habang nag-aayos ako ng buhok ay nakarinig ako ng katok sa aking pinto.

"Ma'am Pristine..."

A maid was calling me.

Dahil tapos na rin naman ako ay naglakad na ako at lumabas.

"Ano po 'yon?" tanong ko dito na nakayuko pa sa aking harapan. Ang mga kamay nito ay nasa harap at magkasalikop.

"Ang lolo po ninyo ay narito. Nasa opisina po siya ngayon ng inyong papa at nais po niya na pumunta rin kayo agad doon."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon