02 (Theresia)

552 35 4
                                    

Theresia's POV.....

Risa came from a very influential family. Her father was a businessman and politician, while her mother was a businesswoman and lawyer. Kaya technically, Risa had the life others could only dream of.

“Dad, we need to fix this as soon as possible, baka masira ang family image natin dito,” Daniel said, his voice frantic.

They were facing a political crisis dahil sa false information about corruption, at lahat sila apektado ng fake news.

“Si Cristobal na naman ang gumawa nito! Nagpaparusa siya dahil tinalo ko siya sa election,” kalmadong sabi ni Governor Vicente Aguerro, ang ama ni Theresia.

“Tinawagan ko na si Sir Dan, and he said na-locate na nila ang article na yun, na-delete na ‘yun, at we're having a press conference about this. Just give me the date, Dad,” sabi ni Risa. She trained her Dad on how to handle situations like this, kaya she remained calm and tried to manage it herself.

“Yan! Gayahin mo kaya ‘yang Ate mo, Daniel! You’re acting stupid while we’re in the middle of a crisis. Try to stay calm and use your brain. Nag-aral ka pa naman sa Ateneo De Manila, pero you never use your knowledge in any meaningful way,” galit na sabi ni Vicente, dahilan para mapayuko si Daniel sa hiya.

Alam ni Daniel na hindi niya kayang pantayan ang katalinuhan ng Ate niya—she’s a genius! Matalino rin naman siya, pero kapag ganitong sitwasyon, nauuna ang emotions niya, kaya nagpa-panic siya, dahilan ng paghina ng proseso ng utak niya.

“Stop this, Vicente! Anak? Risa?” Lumingon si Risa sa kaniyang Ina. “Let’s have the press conference next Tuesday.”

“Okay, Mom,” sabi ni Risa, at agad niyang tinawagan si Sir Dan, their private investigator. “Kasama mo si Ate Ching?” tanong niya, at sumagot naman si Sir Dan ng “Yes.” “Okay, please inform her na we’re having a press conference next Tuesday at 1 PM. Got it?” Pagkatapos makuha ang confirmation, binaba na niya ang telepono.

“I have something to attend to, Dad. I have to go,” sabi ni Risa, at tumango naman si Vicente habang umalis na siya.

Marami pa siyang gagawin, kabilang na ang pagdalo sa fiesta sa isa sa mga barangay ng Banawi. Nagpalit muna siya ng damit bago pumunta sa fiesta.

“Magandang gabi sa inyong lahat, taga-Barangay Banaba!” Masiglang bati niya sa mga tao, at masigla rin siyang binati pabalik ng mga tao.

“Ako po ay nagpapasalamat sa pag-imbita at taos-pusong pagtanggap sa akin. Bilang isang mayor ng bayan natin, ikasasaya ko po ang okasyong ito kung kailan magtipon-tipon tayong lahat para ipagdiwang ang fiesta,” huminto siya sandali at huminga, bigla niyang nakita ang isang babae na naka-oversized black t-shirt, brown high-waist shorts, braided hair, black rubber shoes, at may simpleng makeup.

“Mayora? Mayor?” Natigilan siya sa mahina pero mapitagan na tawag ni Kap. Henry.

Ngumiti na lang siya sa sobrang hiya habang mabilis na kumakabog ang dibdib niya. “Pasensya na po,” mahina niyang tawa. “Muli po, nagpapasalamat ako sa inyong lahat, at good luck po sa lahat ng contestants. Magandang gabi po.” Nagpalakpakan ang lahat habang bumababa siya mula sa stage.

“Maraming salamat po sa ating pinakamamahal na Mayora, Mayor Risa Aguerro,” sabi ng emcee habang kumakaway si Risa sa mga tao at nakangiti.

---

**Alicia's POV**

Her time suddenly stopped nang makita niya ang napakagandang babae sa harap ng mga tao, na nagbibigay ng gratitude speech para sa kanyang mga nasasakupan.

“Sino siya?” tanong ko sa kaibigan kong si Miles. Hindi siya kasali sa dance company, pero magpe-perform kami ng special hip-hop dance habang nagta-tally ang mga judges ng score ng mga contestants.

“Siya yung mayor ng Banawi. Mayor Ana Theresia Aguerro. Dalaga pa ‘yan,” sabi ni Miles.

“Weh, di nga? Ang ganda-ganda niya, walang boyfriend o asawa man lang? Impossible!” sabi ko, habang hindi inaalis ang tingin ko sa mayora.

“Totoo nga, 33 years old na siya and still walang boyfriend. Marami na ngang nanligaw sa kanya eh, pero walang nakapasa,” tumawa siya ng mahina. “Tigasin si Mayora.”

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko habang seryosong nakatitig sa kanya, pero ngumisi lang siya at lumayo, iniwan akong gulong-gulo ang utak. *Tigasin? Bakit? Paano niya nasabi?*

Isinawalang-bahala ko na lang ang lahat at nag-prepare na rin para sa pagsayaw. Inimbitahan kasi kami, ang BUDC o Banawi University Dance Company.

“Before we announce the winner, let’s first introduce the most energetic and flexible performers. Please give it up for the BU Dance Company!” biglang dumilim ang stage. Nagsimula kaming sumayaw, ibinigay namin ang lahat ng makakaya para sa performance.

Si Mayor Risa naman, on the other side, ay enjoy na enjoy sa panonood ng mga estudyante na nagpe-perform. She was so amazed by their dedication and talent, especially sa isang chinita na dancer.

Echoing of Power and PassionWhere stories live. Discover now