They arrived on the grain farm **iksaktong 11:30 AM** silang nakarating sa farm, maraming farmers na ang namamahinga **sa kalagitnaan** ng palayan. May maliit na kubo roon, katabi ng malaking puno ng mangga.
"Carmen, halika kayo, kain tayo," sigaw ni Kiko habang papalapit pa lang sina Carmen.
"Nako," Carmen laughed, habang si Kiko naman ay sinalubong sila kasama ang apo niyang kambal na sina Gio at Gia.
"Magandang tanghali sa inyo, Mang Kiko," bati nina Tita, Alicia, at Risa.
"Magandang tanghali rin, hali kayo sa munting pahingahan namin," umupo sila sa isang malaking lantay na gawa sa kawayan.
"Ganda naman dito," bulong pa ni Risa. Alicia hears it so she holds Risa's hand.
"Mas maganda ka pa dito," she replied. Risa felt kilig, she smiled secretly.
"Heto po, pasensya na kayo, 'yan lang maibibigay ko," binigay ni Kiko ang isang tray ng saging, kamote, at mainit na kape. Dumating naman ang mga apo ni Kiko na may dalang pitsel na tubig, baso, at pinggan.
"Heto po, Lola Carmen," magiliw na sabi ng bata habang inilapag ang tubig sa harapan ng matanda. Pagkatapos ay nagmano na sa kanila.
"Napakabait talaga ng mga apo mo, Kiko," sabi pa ng matanda. Nang akmang magmamano ang mga bata kay Risa, natigilan ang mga ito dahil ngayon lang nila nakita ang mayora.
"Ayyy, oo nga pala, sila pala si Gio at Gia. Magkakambal sila, apo ni Mang Kiko," ngumiti si Risa at ginulo-gulo pa ang buhok ni Gio.
"Magandang tanghali po, Ate Waping, sino po siya, Ate?" sabi naman ni Gia.
"Siya si Ate Risa ninyo," pinisil ni Risa ang pisngi ng batang babae, at ngumiti naman ito.
"Maybe hindi kayo nakasama noong birthday ng Ate niyo, ako pala si Risa. You can call me Ate if you want," Risa said.
"Magandang tanghali po, Ate Risa," ngumiti si Risa at lumakad na ang mga bata papasok ng kubo.
"Ano nga po pala ang gusto niyong pag-usapan, Carmen?" tanong ni Mang Kiko na nakaupo lang sa isang upuang gawa sa kahoy.
"Alam kong mahalaga sa inyo ang lupa na 'to, at dito rin kayo naghahanap-buhay," huminga ito ng malalim, "Napag-isip-isip kong magtayo ng negosyo, isang bigasan. Kayo ang magtatanim at mag-aani ng palay, kami ang magpo-provide ng machines at iba pang kailangan niyo."
"Ano pong ibig niyong sabihin, Carmen?"
"Nagtatrabaho kayo sa akin. Ako ang bahala sa lahat—tubig, kuryente, at machines. Ang dapat niyo lang gawin ay magtanim at mag-ani ng palay."
"Ano naman ang para sa amin?"
"Lahat tayo ay magkakapamilya dito, Kiko," uminom siya ng tubig at binaling ang atensyon kay Kiko. "Magsusuweldo ako ng four hundred pesos everyday sa lahat ng farmers na magtatrabaho sa akin, at 10% ng kita sa isang buwan ay paghahatian ninyong lahat."
"Magandang ideya 'yan, Carmen. Wag kang mag-alala, sasabihin ko 'yan sa mga kasama ko."
"Salamat, Kiko. Alam kong yung iba sa mga magsasaka ay dito na rin nananahan. Gusto ko sanang limitahan ang mga taong gustong tumira dito. Gagawa ako ng isang kasulatan na walang mangialam o mangangkin ng lupa na pagmamay-ari ko," tumingin si Carmen kay Alicia na ngayon ay seryosong nakatingin sa matanda.
"Bakit po, Lola?" tanong niya.
"Gusto kong libutin niyo ang buong lupain at alamin kung sino at ano ang mga kailangang gawin para mapangalagaan natin ang ating pagmamay-ari," seryosong sabi ni Carmen.
YOU ARE READING
Echoing of Power and Passion
FanfictionIn the high-stakes world of politics, love and betrayal often walk hand in hand. Six years ago, Alicia Go, a psychology student, fell in love with a mysterious woman she met while living away from home for college. That woman was Theresia Aguerro, t...