Marco never leaves Alicia. Lahat ng pag-intindi at pagmamahal ay binigay na niya na hindi naman hinihingi ni Alicia. He loves Alicia so much to the point na kaya niyang ipagsigawan sa buong mundo, isang bagay na kahit kailan ay hindi ginawa ni Risa para sa kaniya. Alicia appreciates everything he has done for her, para nga siyang tunay na Daddy sa anak niya dahil sa pag-aalaga at sakripisyo nito.
"Marco, tama na 'yan. Halika, magmeryenda ka muna." Nasa palayan sina Alicia at Marco sa kubo kung saan nagpapahinga ang mga magsasaka, tumutulong si Marco sa pag-aararo.
"Okay po," sabi pa niya. "Halika, Kuya Meng, meryenda tayo." Inalalayan niya ang 40 taong gulang na nag-aararo.
"Heto, oh." Ibinigay ni Alicia ang dala niyang sandwich at juice. Hirap na itong maglakad dahil sa sobrang laki ng tiyan niya.
"Wag ka nang gagalaw, baka mapano ka pa. Ito talagang kaibigan ko."
"Kaibigan lang, Sir? Alam ko namang mahal mo itong waping namin eh. Ligawan mo na," biro pa ni Kuya Meng.
"Opo naman, Kuya Meng, mahal na mahal ko 'to. Pero syempre, kailangan kong maghintay hanggang handa na siyang magmahal ulit." Alicia didn't mind her. Alam niyang nakatingin si Marco sa kaniya, and she felt happy about it.
"Kayo, waping? Gusto mo ba itong si Sir?" Nabigla si Alicia at napatingin kay Marco na ngayon ay titig na titig sa kaniya.
"Ano ho? Ahm... yes po, I mean, he's a good man and very responsible," tipid na sagot niya.
"Talaga?" Tumango si Alicia at kumain na rin. Masaya si Marco sa narinig. At least ngayon alam niyang gusto siya ni Alicia, at sapat na iyon para sa kaniya.
"Single ka rin, 'di ba, waping?"
"Opo."
"Oh, dito ka na lang kay Sir Marco. Gwapo, masculine body, at mahal na mahal ka." Tumango si Alicia.
"Hindi ko alam, Kuya Meng. Basta ang alam ko gusto ko siya, at nararamdaman ko ring gusto din siya ng mga anak ko. Maybe for now, 'yan lang muna," she smiled.
"I can wait, Kuya Meng. Kahit nag-uugod-ugod na kami, siya pa rin ang mahal ko." Alicia laughed.
---
Marco was in their house, late na siyang nakauwi dahil inatake na naman si Alicia ng mental breakdown. He didn’t want to go home na ganun ang sitwasyon ni Alicia kaya na-late siya ng uwi.
"Late ka na namang umuwi?" tanong ng mommy niya, nakataas ang kilay nitong nakaupo sa sofa.
"Hello, Ma," he sat beside her. His mother looked so tired and stressed.
"Alam kong boto ako kay Alicia, pero hindi dapat ganito—"
"I have to take care of her and our baby," he said while resting his head.
"Hindi mo naman sila anak—"
"Anak ko sila, Ma." His mother was confused.
"What do you mean?" kunot-noong tanong nito.
YOU ARE READING
Echoing of Power and Passion
FanfictionIn the high-stakes world of politics, love and betrayal often walk hand in hand. Six years ago, Alicia Go, a psychology student, fell in love with a mysterious woman she met while living away from home for college. That woman was Theresia Aguerro, t...