07 (She's safe)

459 32 11
                                    

Mabilis kumalat ang balita tungkol sa sunog, at marami na rin ang may haka-haka tungkol sa nangyari sa lumang building. Nasa opisina lang si Risa at pinagpatuloy ang natigil na gawain dahil sa sunog. Kakaunti lang naman iyon dahil wala namang dumating na bagong file mula sa negosyo o sa proyekto sa Banawi.

"Last one," masigla niyang binuklat ang isang envelope na naglalaman ng sulat. "Bago ito, huh. Wait, kanino galing...?" Tiningnan niya ang loob ng envelope at wala itong pangalan kung kanino galing.

"Mayora-"

"Ate Ching? Kanino ito galing?" Sinapawan niya si Ate Ching sa pagsasalita.

"Sabi ni Kuya Guard, dumating yang sulat na 'yan kaninang umaga tungkol daw sa pagsunog ng lumang gusali." Agad-agad na binasa ni Risa ang nilalaman ng sulat.

"Ayon sa sulat, hindi aksidente ang pagkasunog ng building, sinadya ito..." Nag-isip siya ng malalim. "Sino naman ang gagawa niyan? Kilala ko ang may-ari ng gusali." Ibinaba niya ang papel at napansin ang isang maliit na sticky note sa loob ng envelope.

"Ano po 'yan, Mayora?"

"It says, ang pagsunog ng building ay may kinalaman kay Konsehal Jajie. Bakit?" She was so confused about what happened kaya pinatawag niya si Konsehal Jajie.

"Good afternoon po, Mayora. Pinapatawag niyo daw po ako?" She stared at Konsehal hanggang makaupo ito sa harapan ng office table ni Risa.

"Alam kong alam mo ang dahilan sa pagsunog ng gusaling pagmamay-ari mo, Konsehal Jajie." She stood and walked towards the Konsehal. The Konsehal was trembling, trying to control his emotions not to tell the truth. "Sabihin mo sa akin? Anong kinalaman mo sa sunog?"

"Wala po, Mayora-"

"Tell me!" I shouted, at dahil doon napapiglas ang Konsehal. "Hindi na kita tatanungin pa ulit, Konsehal Jajie. Ano ang kinalaman mo sa sunog?"

"Mayora, may galit sa akin," he answered with fear. Nag-iba ang mood ni Risa. "Nagalit siya dahil hindi ko siya tinulungan noong halalan."

"Konsehal, alam kong kaanib ka ng mga Cristobal, pero hindi ito ang tamang landas para sa ikabubuti ng bayan natin." She sat down on her chair, facing the Konsehal. "Ako po ay umaasang gawin ang nararapat kaya sabihin mo sa akin ang lahat ng alam mo tungkol sa mga Cristobal."

"I was disappointed when your father won as Mayor laban sa akin noong nakaraang eleksyon. Kaya ako nakipagsundo na tutulungan namin ang isa’t isa para sa politika." He looked so pale and helpless.

"Kasunduan?"

"May malaking POGO hub sa Municipality of Santander. Ako, bilang tumatakbong Mayor ng Banawi, isa sa mga propaganda ko ay bigyan ng maraming trabaho ang tao, at iyon ay magtayo ng POGO hub dito mismo sa lumang gusaling minana ko sa mga magulang ko."

"POGO? Di ba ilegal 'yun?"

"Opo. Nag-scams sila through massage. Kinukuha 'yung PIN ng credit cards para i-hack. Hinahack din nila ang mga PC, nilalagyan ng virus o kinukuha ang mga mahahalagang file na kailangan ng client nila, gaya ng business proposal na nanakawin ng kalaban nila sa negosyo. Ang mga file na naglalaman ng mga plano tungkol sa negosyo, o di kaya'y design ng building, ay kinokopya." He sighed, hindi niya inakalang magagawa niyang makipagkasundo sa isang kriminal.

"Mayora, nagpapautang din sila through online loans. At kung sino man ang hindi makakabayad, lalo na 'yung mga taong parating may penalty, ay pinagtatrabaho nila. I remember one woman na may utang na 50k sa online loan na iyon at hindi siya nakabayad, so ginawang pambayad ang anak niyang babae. Doon nagsimula ang paggawa ng sex video at pinost online. Doon mas lalong lumago ang POGO hub ng Santander."

Echoing of Power and PassionWhere stories live. Discover now