13 (We'll face the world together)

342 23 7
                                    

Mahabang mabaha ang biyahe nila, sobrang traffic din kasi sa city, at nang nasa may South na sila, ay tuloy-tuloy na ang biyahe nila. Nakarating sila ng Santander around 2 PM. Natagalan sila dahil huminto muna sila sa isang park sa South para kumain ng lunch. They stayed there for a while, having a quick momol, then continued to drive.

"Kaninong sasakyan 'to?" Nasa gate sina Hans at ang mga kaibigan niya nang may humintong itim na sasakyan sa mismong harap ng compound gate.

"Hans, pakibukas, please," dumungaw si Alicia sa binata sa front seat.

"Ayyy ikaw pala, Te," agad nilang binuksan ang gate, at pumarada sila sa gilid ng gate. Unang bumaba si Alicia habang si Risa ay sobrang kinakabahan. She already told Alicia not to upload any photos on social media when she's there or at least to blur her face.

"Waping!!!" Sigaw naman ng tita ni Alicia. "Kamusta ka na? Kanina ka pa hinintay ni Nanay at Lola mo." Napansin niya ang sasakyan sa likuran ni Alicia. "Kaninong sasakyan 'yan???"

"Ahhh wait po, Tita," pumunta siya sa pintuan ng driver seat at binuksan iyon. "Wag kang mag-alala, pagkadating natin sa bahay sasabihin ko rin sa kanila."

"Pero, Baby-"

"Trust me, Baby," nilahad niya ang kaniyang kamay kay Risa. Agad din naman niya itong inabot at bumaba ng sasakyan. "Ahh, Tita, si Mayor po kasama ko."

"Ayyy nako Diyos ko, Mayora," masigla siyang bumati kay Mayora at nakipagkamay. "Welcome po sa Go Compound." Sa pagkasabik, inalalayan niya ito papasok sa bahay ni Lola Carmen at iniwan si Alicia.

"Iniwan ako?" sabi niya pa sa sarili. "Para si Risa ang may birthday, ah." She rolled her eyes and walked towards her grandparents' house.

"Ma, may bisita tayo!" masiglang sigaw ni Analyn, habang si Risa ay parang natutunaw na sa hiya, payuko-yuko pa siya, at nang makita na siya ni Lola Carmen, masigla itong ngumiti sa kanya.

"Ayyy nako, Apo, pasok ka, halika."

*"Apo?"* Risa said in her mind.

"Halika, upo ka muna, maghahanda ako ng merienda niyo." Tumango si Risa at umupo sa malaking couch katabi si Lola Carmen at Nanay Eden.

"Kamusta ka na, Mayora?" tanong ni Lola Carmen.

"Okay naman ho, medyo busy pero nakakaraos naman po. Kayo po, Lola Carmen at Nanay Eden, naikwento sa akin ni Alice na kayo daw po ang kasama niyang lumaki." Komportableng-komportable si Risa sa ipinapakitang kabaitan at pakikitungo nila sa kaniya kaya unti-unti ay nakagaanan niya ng loob.

"Ayyy oo, sa akin siya lumaki noong bata pa siya. Alam mo ba 'yung may peklat sa noo niya? Dahil 'yun sa disgrasya-nakalabas sa bakod, eh," sabi pa ni Nanay Eden. Napag-isip-isip ni Risa.

*"Bakit di ko napansin 'yun, check ko mamaya,"* she giggled secretly.

"Talaga po, nakakaawa naman," tugon pa niya.

"Alam mo bang may malaking peklat si Alicia sa likod at hita?"

"Bakit naman po?"

"May malaking bukol siya noong 4 years old pa lang siya. Sobrang pag-aalala namin sa kaniya dahil sabi ng doktor, kung 'yung bacteria doon sa bukol niya ay kumalat sa iba't-ibang bahagi ng katawan niya, pwedeng mamatay siya."

"Kaya mahal na mahal namin 'yang batang 'yan. Pangatlong buhay na niya 'to, kaya susulitin namin ang buhay na binigay ng Diyos sa kaniya." Naging seryoso ang mood sa paligid lalo na noong pagkapasok ni Alicia kasama si Hans na may dalang gamit nila.

"Oh, ba't ganyan mga mukha niyo?" Lumapit siya sa dalawang matanda. "Kamusta po kayo, Nanay at Lola?" Sinalubong siya ng matatanda at nagyakapan silang tatlo. Si Risa ay nakatanaw lang sa kanila.

Echoing of Power and PassionWhere stories live. Discover now