Lumabas si Risa galing ng banyo, kakatapos lang nitong maligo, naka-bathrobe lang habang sinusuklay ang buhok. Nakita niya si Alicia sa kusina, nagluluto, at nakita rin niya ang mga damit niya na inihanda na ni Alicia.
"Baby!" niyakap niya ito mula sa likod. "You look sexy today, love. Patingin nga ng look ng baby ko." Tumigil si Alicia sa pagluluto at humarap kay Risa.
"Alam mo, Theresia, tigilan mo na nga 'yan. Baka kung saan pa mapunta 'to," sagot ni Alicia bago bumalik sa pagluluto, pero halata pa rin kay Risa na gusto niya ng "HUGGIES" ulit.
"Baby, I want-"
"Theresia, magbihis ka na dun. Kailangan mo nang magtrabaho, marami ka nang pending paperworks. Oh, and I also want to go to school para mag-update para sa OJT ko," sabi ni Alicia habang pilit na inaalis ang kamay ni Risa.
"Mamaya?"
"Tsk! Isa!" galit niyang sabi.
"Mamaya, huh?" Risa teased her.
"Dalawa!" asik pa ni Alicia.
"Chill, baby. Heto na, magbibihis na." Kumawala si Risa sa pagkakayakap. "Kisses na lang instead of huggies." Napairap si Alicia pero hinalikan si Risa sa labi. Habang naghahanda si Risa, natapos na ni Alicia ang lunch at inilagay na sa dining table. Nagsimula silang kumain, at pagkatapos, nagpaalam na si Risa papunta sa office. Si Alicia naman ay naglilinis ng bahay bago pumunta sa school.
-------------------------------------
Nasa waiting area lang si Alicia sa labas ng Psych Office, kung saan inaantay niyang dumating ang Chairperson ng Psych Department. Ilang minuto pa at dumating si Miles.
"Bes, nako, na-miss kita!" yakap nang mahigpit ni Miles kay Alicia. "Kamusta ka na?"
"Heto, masaya," sagot ni Alicia. "Ikaw, kamusta ka na?" sabay akbay sa kaibigan.
"Heto, masaya rin kagaya mo, hahaha." Tawanan sila. "Sinagot na ako ni Ze," nag-giggle si Miles.
"Hoy!" Nagtilian ang dalawa. "Sa wakas, dalawa na tayong masaya ang puso."
"At-" natigilan si Miles nang makita nilang paparating na si Ma'am Gem, ang Chairwoman ng Psych Department. "Good morning po, Ma'am Gem."
"Good morning. Halika, pasok kayo." Dumiretso sila sa office ni Ma'am Gem at pinaupo sa upuan katapat ng office table niya.
"Ahm, Ma'am Gem, about po sa OJT namin, they need the prospectus signed by the Chairwoman and the Dean. They also required the grades from the portal. Can we ask permission to print it para maipasa po namin?" sabi ni Alicia.
"Yeah, of course. Do you have your prospectus already?" tanong ng Chairwoman.
"Yes, Ma'am. Here's our prospectus." Inabot nila ang prospectus para ma-evaluate ito ni Ma'am Gem. Pinirmahan niya ito at ibinalik ulit sa kanila.
YOU ARE READING
Echoing of Power and Passion
FanfictionIn the high-stakes world of politics, love and betrayal often walk hand in hand. Six years ago, Alicia Go, a psychology student, fell in love with a mysterious woman she met while living away from home for college. That woman was Theresia Aguerro, t...