* * *
Palubog pa lang ang araw. Tila maliliit na dilaw na ilaw ang mga lumusot na liwanag ng pababang araw sanhi ng bintanang ang disenyo ay layunin ang presko at natural na simoy ng hangin. Ilang minuto na lang ay madilim na, patulog na ang mga tao ngunit ang bampira sa kwarto ay kagigising pa lamang.
Kalbo, may mataba at bansot na pangangatawan ang bampira. Malayo sa madalas ay marilag na anyo ng kanilang lahi. Syempre hindi rin ito ang tunay na anyo ng bampira. Suot niya ang ternong pantulog na akalain ay bagong taon dahil maliban sa kulay pula ay puting bilog-bilog din ang disenyo nito. Bago umalis sa kama ay naghikab at nag-inat ng katawan ang lalaki sa paraan na para bang kanya ang oras sa mundo. Dahan-dahan niyang inilapag sa sahig ang kanyang paa at kinapa-kapa ang tsinelas na kung saan-saan na napadpad sa ilalim ng kanyang kama. Nang hindi pa rin niya ito maramdaman ay yumuko siya, hirap man dahil sa malaki niyang tiyan ay binukaka pa niya ng maayos ang kanyang mga paa para lang kumportableng makayuko.
Wooshing! Ang malutong at maingay na tunog ng itinapon na bakal. Sumabog ang kama ng lalaki at mabilis siyang nakatalon mula rito. Mistulan siyang balahibong nahulog sa lupa nang lumapag siya sa sahig.
Shing! Sing bilis ng kidlat na bumalik sa kanyang mga kamay ang bakal na bagay. Kasabay nito ay ang pagwasak ng bintana ng kanyang silid at paglitaw ng lalaking naka-itim sa ilalim ng kanyang kama. Hindi ito si Bogeyman o kahit anong uri ng multo na panakot ng mga magulang sa anak nilang hirap matulog sa gabi. Isa itong bampira. Ganun din ang mga lalaki na pumasok sa silid niya na gamit ang kanyang preskong bintana.
Luminga-linga ang lalaki. Binibilang kung ilan ang mga nakapasok. May isa sa bahagi kung saan nakapwesto, ilang segundo lang ang nakalipas, ang kanyang kama at apat pa sa may bintana.
"An ambush, huh," aniya sabay inikot-ikot ang boomerang niyang sandata.
Pinakiramdaman niya muna kung ilan sa mga ito ang alpha at beta, o kung may alpha ba o beta sa grupong ito.
"All are beta," sabi niya sa sarili. Nakahinga siya ng maluwag na magiging madali lang ang labanan. "And one is wounded," dagdag niya. Nasugatan niya kasi kanina ang isa na nagtatago sa ilalim ng kanyang kama.
Mahimbing na natutulog ang lalaki kanina. Madalas ay alas otso siya ng gabi nagigising, ngunit dahil sa ingay ng bampira sa ilalim ng kanyang kama ay naging alerto siya.
Siya si Darren. Ang clan leader ng mga bampira sa kanluran. Isang alpha at magaling na mandirigma na gamit ay ang sandata niyang boomerang na gawa sa tanso at platinum. Matulis ang dalawang dulo at may magandang kurba na perpekto para pang-sugat sa mga kalaban sa malayuang labanan.
Magiging madali lang ang laban kaya hindi na nagtawag ng katulong si Darren. Ngumisi siya na may kumpyansa sa sarili na matatapos ito kaagad at muling itinapon ang kanyang boomerang.
Kssh. Kssh. Woosh. Shing! Umalingawngaw sa kanyang silid ang tunog ng boomerang na humiwa sa katawan ng mga nadadaanan nito. Sa bilis ng sandata ay hindi man lang nakasigaw ang kanyang mga kalaban.
Shing! Huli nitong tunog sa sandali na bumalik na ito sa kamay ni Darren.
"Such a waste of time... and my bed... and my windows!" angal ng bampira na may halong pighati nang makita ang sitwasyon sa loob ng kanyang silid. Idagdag pa ang limang mga bangkay na nasa sahig.
"Those nasty henchmen. They do really as savage as Ronaldo. Their surprise attack is even senseless. No style at all." Tumingin siya sa relo na nasa lamesa. "Argh! And I am more than three hours earlier than usual." Malayo pa kasi ang maliit na kamay ng relo sa numero otso.
"Such a waste."
Gustuhin niya man na matulog ulit pero kailangan niya muna na maglinis ng silid. Kaya kinaladkad niya ang sarili palapit sa intercom para tumawag ng taga-linis. Taga-linis, hindi lang ng silid kung hindi pati na rin ng mga bangkay na nakahandusay sa kanyang maputing sahig.
![](https://img.wattpad.com/cover/147056131-288-k643179.jpg)
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...